Story By Sam Kionisala
author-avatar

Sam Kionisala

ABOUTquote
Hi! I’m Kio Alasin, I\'m was just a fledgling or novice underrated writer. I decided to publish my work here not to gain more followers but to express my feelings and imaginations through writing story. As long as there\'s an idea and thought popping out in my head and the worm in my head continuously creating an imaginative world of Fiction—I\'ll write no matter what.
bc
Dilig: Minsan Halaman Minsan Ikaw
Updated at Jun 11, 2023, 19:24
Ang simpleng pamumuhay ni Mary Anne Magbiray, isang babaing pagiging waitress ang ikinabubuhay, ay mabubulabog nang makilala niya ang dalawang taong hindi niya lubos akalaing makakasalamuha niya sa mismong lugar kung saan siya nagtatrabaho. Tumindi pa iyon nang magkaroon ng isang pangyayari na kung saan ay mas naging dahilan upang makapasok siya sa mundong ginagalawan nina Wendell at Darwin. May pag-asa bang tumibok ang puso niya sa dalawang lalaki nang sabay o isa lamang sa mga ito ang nakatadhana sa kaniya? Si Mary Anne, ang bulalak na biglang tutubo sa malawak at magarang hardin. Maaakit niya ba ang dalawang bubuyog na umaaligid sa kaniya, o isa lamang ang sasamba sa kaniyang ganda’t halimuyak?
like
bc
Derailment: The Last Hope
Updated at May 24, 2021, 23:44
Ang teknolohiya ang dahilan sa pagkasira at pagkawasak ng planetang 'Earth'. Maraming nuclear weapon ang hindi sinasad'yang mapakawalan na naging sanhi ng malawakang pagsabog sa ilang mga bansa kasama rin ang ibang karatig na kontinente. Samantala, ang agham ang dahilan kung bakit napilitang lisanin ng mga tao ang sarili nilang daigdaig, ang 'earth', dulot na rin ng unti-unting pagkawasak nito. Gamit ang mga sasakyang pang-space, nagtungo sila sa planetang Mars, na dati ay pinag-aaralan lamang nila. Doo'y isang malaking sibilisasyon ang umusbong sa pamamagitan ng tao.
like
bc
Dilig: Minsan Halaman, Minsan Ikaw
Updated at May 24, 2021, 20:33
Isang halamang naligaw sa hardin. Halamang pinag-aagawan ng dalawang bubuyog. Halamang sagana sa dilig. Ngunit paano kung itong halaman na ito ay malagay sa sitwasyon na kailangan niyang mamangka sa dalawang ilog, anong gagawin niya? Pipili ba siya sa dalawang iyon o hahayaan na lamang niyang tangayin siya ng agos tungo sa ilog na babagay sa kaniya? O hahatiin niya ang sarili upang sa gayon ay pareho niyang madaanan ang nasabing dalawang ilog? Tunghayan ang kwento ni Anna Magbiray, ang halamang naligaw sa mundo nina Gascon at Agelion. Dito sa Dilig: Minsan Halaman, Minsan Ikaw.
like