bc

Derailment: The Last Hope

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
dark
space
drama
tragedy
serious
high-tech world
another world
lies
secrets
dystopian
like
intro-logo
Blurb

Ang teknolohiya ang dahilan sa pagkasira at pagkawasak ng planetang 'Earth'. Maraming nuclear weapon ang hindi sinasad'yang mapakawalan na naging sanhi ng malawakang pagsabog sa ilang mga bansa kasama rin ang ibang karatig na kontinente. Samantala, ang agham ang dahilan kung bakit napilitang lisanin ng mga tao ang sarili nilang daigdaig, ang 'earth', dulot na rin ng unti-unting pagkawasak nito. Gamit ang mga sasakyang pang-space, nagtungo sila sa planetang Mars, na dati ay pinag-aaralan lamang nila. Doo'y isang malaking sibilisasyon ang umusbong sa pamamagitan ng tao.

chap-preview
Free preview
Prologue
Taong 2020, ang National Aeronautics and Space Administration ay nagpadala ng isang space shuttle sa planetang Mars. Ito ay hawig sa isang sasakyan na may pagka-robotic ang wangis. Layon nito ay kumalap ng mga datos o impormasyon na makatutulong sa mga siyentipiko upang matukoy kung ang nasabing planeta ay maaaring panirahan ng tao. At kung ang planetang ito ay compatible bilang isang habitable zone. Taong 2021, lumapag ang nasabing space shuttle na may pangalang 'Perseverance Rover' sa planetang Mars. Sampung taon ang lumipas, isang napakalaking asteroid ang halos tumama sa planetang Earth. Dahil dito, kasama ng USSR, UN at ng pitong bansa sa magkakaibang kontinente na patamaan iyon ng nuclear weapons ngunit sa kasamaang palad nagkaroon ng malfunction sa pagdetonate ng mga missiles. Ang ibang nuclear weapons ay tumama sa asteroid na nalahis naman ang direksyon. Sa kasaysayan, ito ang pinakamalapit na asteroid na dumaan sa planetang Earth at naging banta rin sa sangkatauhan. Subalit ang sinasabing banta ay hindi ang asteroid na iyon kun'di ang ilang nuclear weapons na sumabog sa himpapawid habang ang ilan ay dumiretso at bumagsak sa lupa't katubigan. Ang mapaninsalang mga armas na iyon ay kumitil ng maraming buhay, nagwasak ng maraming lugar at nagpalubog sa ilang maliliit na bansa gaya ng Japan, ilang bahagi ng Pilipinas, Sri Lanka at Taiwan. Dahil sa kapabayaang iyon, nagkaroon ng pandaigdigang crisis. Bumagsak ang ilang ekonomiya. Taong 2056, ganoon pa rin ang sitwasyon sa bawat bansa. Hindi na nakabangon ang pandaigdigang ekonomiya. Marami ang nangamatay dahil sa matinding gutom na naranasan. Ang Global Organization ay gumawa ng hakbang hinggil dito. Kaya kahit wala pang kasiguruhan kung pupuwede ng tirihan ang planetang Mars, nagdesisyon na silang puntahan iyon sa lalong madaling panahon. Nakatitiyak naman ang National Aeronautics and Space Administration na sapat na ang datos na kanilang nakalap sa naturang planeta. Out of 100 percent, 85 percent guarantee that the planet Mars could be a new home. Taong 2068, lulan ng mga naglalakihang spacecraft, nilisan ng mga tao ang planetang minsan nang kumupkop sa kanila. Sa kanilang paglalakbay sa kalawakan, marami ang namatay dulot ng gutom dahil sa hindi sapat ang supply ng pagkain upang pakainin silang lahat. Ang mga bangkay ay dinadala sa chypreu, isang chamber kung saan doon sinusunog ang mga labi. At kapag naabo na sila, saka bubuksan ang mental door ng chypreu at doo'y itatapon na lang ang mga abo sa kalawakan. Taong 2069, lumapag ang mga spacecraft sa planetang Mars. Napagkasunduan ng mga nakatataas na hindi muna palalabasin ng spacecraft ang mga tao 'pagkat pinili lamang ang lalabas dulot na rin ng kakulangan sa spacesuits. Nang taong ring iyon, nagsimula ang sibilisasyon sa planeta. Ipinag-utos rin ng mga nakatataas na gawing lihim na lamang ang kung ano ang nangyari sa planetang Earth. At kung maaari ay hindi na malaman pa ng mga darating na henerasyon ang tungkol doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook