Hola, brave souls! A beginner here! I write under the pen name Lynamor and I would love to meet new personas. Writing has always been my coping mechanism and a habit that I will never get tired of.
Sa kabila ng mga pasakit sa buhay at labis na kahirapan ay mas pinili niyang lumaban. Pagmamahal at katiting na pag-asa ang kanyang tanging pinanghahawakan upang patuloy na lumaban. At sa likod ng matitingkad na ngiti ay ang ngiwi dulot ng sakit na sa puso'y namumutawi. Ang pagdurusa at pagtitiis ay siyang kanyang naging realidad simula nang siya'y isilang. Kahirapan at karimlan ay nagsama upang kanyang maging kalaban. Pagmamahal ang nagsilbing panangga. Karanasan ang tanging hawak na sandata. At sa kanyang paglalakbay ay luha ang magsisilbing tinta, sakit bilang panulat sa akda na kung saan isusulat ang kanyang sariling tadhana. Katulad ng mga bituin sa kalawakan na nagniningning at buwang lumiliwanag sa dilim upang gabayan ang mga taong nanghihingi ng kaunting pag-asa nang taimtim. At sa pagsapit ng dilim ay maririnig ang awit ng karimlan, hagulhol ng nasaktan, at hinaing ng lumalaban.