Story By johnpen
author-avatar

johnpen

bc
Nasaan Ang Langit?
Updated at Jul 15, 2021, 00:46
Ang kuwentong ito ay hango lamang mula sa aking malikot na imahinasyon, ano mang pagkakatulad sa pangalan ng tao o ng lugar ay nagkataon lang at hindi sinasadya. Bakit may mahirap? Bakit may mga nakikita akong kasing edad ko lang pero may sarili ng sasakyan, magagandang damit at mga mamahaling gadget tulad ng cellphone at kung ano-ano pa samantalang wala naman silang trabaho at nag-aaral pa? Dahil ba sa naging masipag ang mga magulang nila noon kaya yumaman? O sadyang mayaman na talaga ang angkan nila? Ang swerte naman nila ako hindi mayaman ang mga magulang ko, ay mali wala nga pala akong magulang. Isa akong ampon at ito ang aking kwento.
like
bc
July Love Story
Updated at Jul 5, 2021, 10:28
Ang pambu-bully o pambubulas ay isa sa pinaka malaking suliranin ng mga tao, lalo na sa mga kabataan sa loob ng paaralan. Ang pambubulas ay isang pang-aapi sa kapwa, madalas na ginagawa ng mga estudyanteng may pagkamayabang, may kapit sa eskwelahan at sa mga estudyanteng nasisiyahan sa pang-aapi sa mga taong mahina at kayan kayanan. Si July, isang binata na biktima ng pambu-bully. Nawalan ng tiwala sa sarili dahil sa pang aapi ng kapwa at dahil na rin sa kahirapan. Hanggang kailan siya mag papaapi, subaybayan natin ang kwento ng buhay at pag-ibig ni July. May mga parte ng kwento na rated 18.
like
bc
Basketball Book 2 [R-18]
Updated at Mar 20, 2021, 23:49
Ang Panimula Bakas sa mukha ng mga Varsity player ng Harrington High ang pagkasabik, bitbit nila ang paghihiganti sa tatlong taong pangungulelat sa buong distrito. Ngunit kampanteng kampante sila ngayong taon na manalo dahil sa isang player na meron sila. Si Derek Salvador. Sa simula, ang Derek na nakilala natin ay mula sa mahirap na pamilya, isang di pansining estudyante, na nabigyan ng pagkakataon na baguhin ang buhay at pagkatao nya dahil sa kanyang talento at tulong ng mga kaibigan. Sino nga bang mag aakala na ang katulad ni Derek ay magiging isang sikat na estudyante sa campus nila. Lihim na minamahal ng dalawang magandang dilag (Lovelyn at Charity) at syempre, nagmamay- ari ng puso ni Naomi Lee Smith. Kapatid ng pinakasikat na manlalaro sa Distrito ng Kanohama (kathang isip lang) na si Rob Smith. Naging maganda ang takbo ng buhay nila Derek, una, naipaayos nila ang bahay sa perang natatamo nya sa mga kaibigan particularly kay Kris Perez, kuya ni Charity Ann Perez na dating kinahuhumalingan ng binata. Sa bawat larong naipapanalo ni Derek ay may gantimpala sya mula kay Kris, na talagang humanga na sa kanya mula ng unang makalaro nya ito. Sa tulong din ng magkapatid na Naomi at Rob ay naka angat ng buhay si Derek. Kaya naman, handang handa na syang harapin ang buong mundo. Dahil alam nyang may ipagmamalaki na sya. May dating na ang binata. .tinitilian na ng babae. Ngayon! Bagong laban, bagong simula, bagong istorya, bagong kabanata at bagong sapalaran ang magaganap sa court at buhay ng ating bida.
like
bc
Basketball [R-18] Heavy
Updated at Mar 12, 2021, 02:38
"Kaming mga basketball player sa cross over lang nang iiwan." Ang kwentong ito ay buhay ng isang basketbolista. May mga pangyayari sa kwento na rated SPG.
like