Muling nadama ng artistang si Maddie Cervantes ang pag-iisa sa buhay nang hindi inaasahang tapusin ng kaniyang boyfriend na si Jordan Escalante ang kanilang long-term relationship. Labis niya iyong dinamdam at dumating siya sa puntong kinuwestyon na kung bakit pa ba siya nag-e-exist, gayong tila wala namang kahit sinong may gusto sa totoong pagkatao niya.
Malapit na sana siyang magalit sa mundo ngunit inilapit naman siya ng tadhana kay Adrian Andaya, ang co-star na never niyang naisip na makakasundo dahil sa maraming pagkakaiba nila. Unknowingly, nakabuo sila ng isang espesyal na pagkakaibigang naging daan upang maging positibo ulit ang pananaw niya sa buhay.
Natuto muling mangarap si Maddie. Ngunit nagsisimula pa lang na mapuno ulit ng pag-asa ang puso niya nang ilugmok na naman siya ng pagkakataon. Kung kailan kasi nahulog na ang loob niya kay Adrian ay saka naman niya nadiskubreng may girlfriend na pala ito, na sa malas ay ka-love triangle pa nila sa ginagawang pelikula.
Dahil doon kaya kahit na labis na nasasaktan ay pinilit niyang iwasan si Adrian. Nakatulong sa plano niya ang pagbabalik ni Jordan na humihiling ng second chance para sa naputol nilang pagmamahalan. Pinagbigyan niya ang ex-boyfriend para lang maituwid ang inaakalang naliligaw na landas ng damdamin.
Bagay na hindi matanggap ni Adrian, pero dahil nakapagdesisyon nang piliin ang nobyang si Lara Contreras ay wala siyang magawa kundi ang panooring mapunta sa iba si Maddie na naging mas matimbang na sa puso niya.
Hanggang kailan matitiis nina Maddie at Adrian ang isa’t isa? Magawa kaya nilang itago hanggang sa huli na hindi na basta aktingan lang ang pag-ibig na kanilang nadarama?
For Zigfreid, a typical handsome playboy, his childhood was so far the best part of his life. Iyon ang mga panahong kumpleto pa ang masaya niyang pamilya at hindi pa niya kinahaharap ang napakaraming pasaning inihanda ng mundo para sa kaniya.
Kabaliktaran naman ang sitwasyon pagdating kay Mary Ann, isang babaeng ubod ng ingat sa pagpili ng lalaking iibigin. Kahit magkaroon pa siya ng pagkakataon ay hindi na niya gugustuhing balikan o maulit pa ang kabanata ng buhay niya kung kailan naiwan siyang walang ibang masasandalan kundi ang kaniyang abuela.
Ang magkaibang pinagmulang ito ang nagtulak kina Zigfreid at Mary Ann para humantong sa iisang dalangin: na balang-araw ay makatagpo ng isang taong buong pusong mamahalin, magmamahal at makakasamang bumuo ng sarili nilang pamilya. Wala ni isa man sa kanilang dalawa ang nag-akalang sa pamamagitan ng isang hindi inaasahang pangyayari, ang isa't isa pala ang gagawing kasangkapan ng Maykapal upang pagbigyan ang matagal nang hinihiling ng mga puso nila, sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba.
God has indeed answered their prayers. Ngunit magawa kaya nilang pangalagaan ang regalo sa kanila ng langit kung puno pa rin ang mga puso nila ng negatibong emosyong pilit lumalason sa kanilang magandang pagsasama? Can love really win over ego and anxiety?