I\'m just a nobody who loves to read and write stories. I\'m more into horror and crime fictions. For me, writing is so addictive I can do it all day. It\'s an effective escape from reality.
I\'m a free thinker and an existentialist.
Nang pahiyain ni Miya ang kanilang Math teacher na si Ms. Velasco sa harap ng klase, ang buong akala niya ay tuluyan nang matatapos ang maliligayang araw nito.
Nagkamali siya.
Nang ipatawag si Miya sa Principal's Office, natuklasan niyang mas kinampihan pa ng kanilang prinsipal na si Mrs. Villarica si Ms. Velasco. Pinal na napagdesisyunan nito na tuluyan nang patalsikin si Miya sa Purvil High sa paniniwalang isa siyang masamang impluwensya sa mga estudyante na hindi dapat pamarisan. Pero agad na tumaas ang tensyon sa loob ng opisina nang traydurin si Miya ng kanyang matalik na kaibigan at ibunyag sa mga ito na palihim na kinuhanan ni Miya ng video ang ginawang pamamahiya kay Ms. Velasco, at patuloy pa rin niyang kinukuhanan ng video ang pag-uusap nila ngayon. Nalaman din ng mga ito na balak i-post ni Miya sa social media ang mga video para ipahiya sila at mapatalsik sa Purvil High.
Kasunod ng pagdating ng malakas na bagyo, dumanak ang dugo sa loob ng Principal's Office, at sa nagdidilim na diwa ni Miya napagtanto niya na handang pumatay sina Mrs. Villarica at Ms. Velasco mapagtakpan lang ang pinakatatagong sikreto ng mga ito.
Makalabas pa kaya nang buhay si Miya sa paaralang pinalalakad ng mga taong may maiitim na puso at naglalagablab na galit?
********
Date started: August 15, 2020
Date finished: September 25, 2020
Mahilig sa robotics ang siyam na taong gulang na si Sasha. Kaya naman pangarap niya ang makalikha ng isang robot na magtatanggol sa kanya laban sa katorse anyos niyang kapatid na si Duncan. Lalong umigting ang kanyang pagnanais na maisakatuparan ang kanyang pangarap nang walang awang sirain ni Duncan ang kanyang nililikhang robot. Sa gitna ng paghikbi at nagpupuyos niyang kalooban ay naisigaw niya ang mga katagang "Just wait and see, Kuya Duncan. I will finish my robot and it will defeat you!"
Isang araw, habang nag-iisa sa kanilang tahanan, isang malakas na pagbagsak ang gumulat kay Sasha. Sa kanyang pagsisiyasat, natuklasan niya ang isang walang malay na nilalang na nakahandusay sa kanilang bakuran: isang batang lalaki na kasing-itim ng uling at may nagbabagang mga mata. Malinaw na bumagsak ito mula sa langit. Isang robot, sigaw ng isip ni Sasha habang pinagmamasdan ang estranghero. Dahil sa angkin niyang talino at kaalaman pagdating sa robotics, matagumpay niya itong nakumpuni at napagana.
404 ang pangalan ng robot. Naging kaibigan at tagapagligtas niya ito laban sa kanyang kapatid na si Duncan. Tinuruan niya si 404 kung paano maging mabuti at matulungin sa tao. At kung paano nito gagamitin ang natatanging abilidad sa ikabubuti ng nakararami.
Lingid sa kaalaman ni Sasha, likha ng isang baliw at masamang scientist si 404.

Lingid sa kaalaman ni Sasha, likha ng isang baliw at masamang scientist si 404...