Chapter 1: DEMON CHILD
Little brat, naisaloob ng saleslady habang nakangiti nang matamis.
Nakasimangot na kinuha ng batang babae ang nakasabit na puting gown sa dresser, sinuri pagdaka'y pahapyaw na inihagis sa sahig. "Ugly. Ugh!"
Nanatiling nakangiti ang saleslady na kanina pa nakasubaybay sa bata. Hindi nito gusto ang magtrabaho sa Mamita Dress Shop pero apektado ito sa mga pang-iinsultong lumalabas sa bibig ng bata. She still cares for this company.
"Precious, honey, this is Mamita Dress Shop, the best fashion boutique here in Isla Kahel," paalala ni Doña Zelda. Ramdam na nito ang bahagyang pangingirot ng ulo gawa ng stress sa nangyaring eskandalo kanina sa kanilang kumpanya na kinasangkutan ng ilang mga nagwelgang empleyado. Dumagdag pa ang unica hija nito na tila pinaglihi sa bulkan. Marahan nitong nasapo ang sentido. "I'm sure makakahanap tayo dito ng perfect dress para sa iyong 14th birthday. "
"You're right, Ma'am," sang-ayon ng saleslady. Pasulyap-sulyap ito sa mga alahas na suot ng Doña. Nakakaamoy ito ng malaking tip mula rito. "Lahat po ng klaseng dekalidad na mga damit, nandito, Ma'am."
"Fabulous." Nginitian ni Doña Zelda ang saleslady. "But please, call me Doña Zelda, not Ma'am."
"Sure, er, Doña Zelda."
"Dreadful!" Pabalang na binagsak ni Precious ang hawak na gown. "This place is awful. I don't like this place!" Tinapunan ng bata ng masamang tingin ang saleslady. "You work in here, right? You're supposed to be helping me find my clothes!"
"O-Of course. Sure," nauutal na tugon ng saleslady.
"Para akong nasa oven. Nalulugi na ba itong pangit na shop niyo kaya nagtitipid kayo sa aircon?"
"Oh, I'm so sorry to hear that. I-"
"Alangang matuwa ka pa." Inikot ni Precious ang mga mata. "Gosh! Mom, what kind of a place is this!"
"Watch your language, honey," saway ni Doña Zelda habang pinagmamasdan ang mga mamahaling bag na pawang nakasabit sa kabilang isle.
"As if," ismid ni Precious sabay nguso.
"I'll come back in a minute, honey. Titingin lang ako ng mga bag."
"Whatever."
"Pan," tawag ni Doña Zelda. "Where are you?"
Lumapit sa donya ang isang batang lalaki. Bahagyang napangiti ang saleslady habang pinagmamasdan ito. Kamukhang-kamukha ng bata si Michael Jackson. Naka-shades ito at nakasuot nang fedora hat. Nakasuot din ito ng itim na jacket na kumikinang dahil sa mga glitter na nakasaboy doon. Naka-glove din ito sa isang kamay. At ang pinakakapansin-pansin ay ang napakaputi nitong mukha na tila napasobra ito sa paglalagay ng pulbos o foundation.
"I'm here, Doña Zelda. At your service," magalang at pormal ng wika ng bata.
"Look for my daughter while I'm gone," wika ng donya. "Sandali lang ako." Nagsimula na itong humakbang palayo.
"Masusunod." Taas-noong humarap sa direksyon nila ang bata, malinaw na nakamasid sa bawat kilos ng batang babae. At sa saleslady.
Lihim na napakunot-noo ang saleslady. Bakit ganito kung umasta ang bata? Tila isa itong robot. Walang kaemo-emosyon. Isa ba itong butler o bodyguard ng mga ito? If so, then it is not right. Mukhang kasing edad lang nito ang malditang batang babae. More likely twelve. Child labor is against the law. At mukhang hindi masaya ang batang lalaki sa ginagawa. Napailing na lang ang saleslady.
"Here, let me help you," pormal na wika ng saleslady. Marahan nitong pinulot ang gown na nakakalat sa sahig, pinagpag, sabay sabit sa hanger. "Ano bang klaseng birthday dress ang hinahanap ng magandang prinsesang tulad mo? Tell me."
"Gusto ko ng damit na babagay sa isang magandang prinsesang tulad ko. Damit na kaiinggitan ng lahat ng kaklase ko since lahat sila ay imbitado sa engrandeng birthday party ko. I want that kind of dress. And I want it now, slave!"
Slave! Napahigpit ang hawak ng saleslady sa hanger. Kung hindi lang masama ang pumatol sa bata, malamang kanina pa nito isinabit sa hanger si Precious at ibinilad sa labas ng shop habang may karatulang nakasabit sa leeg na nagsasabing SPOILED BRAT AKO: HUWAG TULARAN. Kids these days. Mga lapastangan sa mga magulang at walang galang sa matatanda. Mali si Rizal. Wala ng pag-asa ang bayan. Generation Z sucks!
"Is that so? Sure, hahanap tayo ng birthday dress na babagay sa 'yo. Let me assist you–"
"Oh, thank you! I thought that's what you're being paid for, anyway. As if!"
"But of course," nagtitimping wika ng saleslady. Unti-unti nang nalulusaw ang pekeng ngiti sa labi nito. Wala ng silbi pa ang magkunwaring ayos lang rito ang lahat. She is dealing with a demon child.
"Bigyan mo ako ng damit na maganda. Something fabulous and cute."
Kinuha ng saleslady mula sa dress stand ang isang pink floral dress at inilahad sa harapan ni Precious. "Try this one. I think it suits-"
"Are you crazy?"
"Excuse me?"
Taas ang kilay na hinablot ni Precious ang damit mula sa kamay ng saleslady.
"This is a trash."
"Trash?"
"I don't want to look like one of those poor kids in the street. Give me something elegant and fancy, not a trash."
"But that is not a trash, little girl."
"Sure. This is–" Binagsak ng bata ang hawak na damit. Lumagpak ito sa paanan ng natigilang saleslady. "–not a trash."
Nagpupuyos ang kalooban ng saleslady. Gustung-gusto na nitong lapitan at yugyugin na parang manika si Precious hanggang sa lumabas ang masamang elementong sumasapi sa katawan nito. Imposibleng magkaroon ng ganitong uri ng bata sa totoong buhay. Sa mga pelikula lang ang mga ganitong eksena. Pero totoo lahat ng nangyayari ngayon. Hindi isang pelikula o bangungot. This girl is a demon child. And this demon child is bullying her like a grown-up b***h, God help her!
"Don't just stand there, silly. Ihanap mo ako ng damit."
Silly! Pigil na ng saleslady ang pagluha. Magpapakamanhid na lang ito ngayon at aaktong parang walang narinig na pang-iinsulto mula sa bata. Kailangan nitong magpakakalmante at magpaka-professional. She couldn't afford losing her job. Sa bagsak na ekonomiya ng Pilipinas ngayon, mahirap makahanap ng trabaho.
"Here, try this one," nakangiting alok ng saleslady sabay kuha sa itim na gown. "Bagay ang kulay itim sa 'yo. It suits you." Kasing-itim ng ugali mo, naisaloob nito.
Hindi kinuha ni Precious ang iniaabot ng saleslady bagkus ay tinitigan lang nang nakakunot ang noo.
"I don't like to wear black dresses. Don't you know that?"
"I'm afraid I don't, sweetheart. I–"
"Are you serious?"
" I'm as serious as a heart attack, little girl. Besides, paano ko naman malalaman? I don't even know–"
"I'm the most popular girl in my school. I'm famous on i********:. I have 600,000 followers. Paano nangyaring hindi mo alam ang mga likes and dislikes ko? You should know that, stupid!"
Parang sinuntok sa sikmura ang saleslady sa narinig. Slave. Silly. At ngayon naman stupid? Inappropriate!
Marahang binaba ng saleslady ang kamay na may hawak ng gown, mga mata nito'y mistulang mga tulos na nakapako kay Precious.
"W-What did you just called me?"
Inikot ni Precious ang mga mata.
"Maglinis ka nga ng ears mo. Ang sabi ko, stupid ka."
Nagpantig ang dalawang tainga ng saleslady sa narinig. She couldn't contain her anger anymore. There is limit to how much she can take!
"How dare you–" Hindi na natapos ng saleslady ang sasabihin nang biglang may kamay na humawak sa braso nito. Taka itong napalingon.
"Ilang taon ka na, Miss Pretty? May nakapagsabi na ba sa 'yo na kamukha mo si Princess Sarah?" nakangiting tanong ng babae.
"Lily?" takang anas ng saleslady.
Tanging tango lang ang tinugon ni Lily rito.
"Huh?" Nagtaas ng kilay ang bata. "Well, I'm thirteen going fourteen next week. Why?"
"Wow. Thirteen. Amazing! You look fifteen though."
Kumunot ang noo ng bata.
"So your point is?"
"Meron kasi akong daughter. Gusto na niyang lumaki nang mabilis. Wants to be taller. She's nine but looks eight. Sigurado akong magugustuhan niya ang maging katulad mo."
"Is that so?" Nagbigay ng tipid na ngiti si Precious. "I guess she does. Everyone hates me but wants to be me, anyway. Want to know why? Because I'm rich and pretty. I'm perfect."
"That's cool," sang-ayon ni Lily pagdaka'y nilingunan ang kasamahang saleslady. "Ang cool niya, 'di ba, Alice? Sa tingin ko maraming tao ang natutuwa sa kanya."
"Natutuwa? Are you serious? That thing is a demon child. She's–" Napakagat-labi si Alice nang palihim itong kurutin ni Lily sa tagiliran. She managed to maintain a straight face, though, thank goodness. Pinukulan nito ng makahulugang tingin si Lily sabay ngiti. "Yes, tama ka. I'm sure maraming naiinggit sa kanya. She's perfect. Wow."
"Tama." Muling ibinaling ni Lily ang tingin kay Precious. "I think nasa 'yo na ang lahat na wala sa ibang mga bata. You're one blessed little girl. Ano nga pala'ng pangalan mo?"
"No."
"Why not?"
"None of your business, slave."
"Very well. Teka, alam mo ba, kung walang slaves noong unang panahon, malamang na hindi naitayo ang Great Pyramid of Giza?"
"And your point is?" nakasimangot na tanong ng bata na halatang bored na sa tinatakbo ng usapan.
"You seem like a smart girl. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin."
"No. Explain it. "
"I mean, Pharaohs treat their slaves the best ways they could. Kung wala kasing slaves, walang gagawa ng mga gawain nila sa pang-araw-araw," matiyagang paliwanag ni Lily. "Kaya kung isa ka talagang perfect girl, sigurado akong may perfect heart ka rin para sa amin na mga slave. Respecting us as human beings would be enough."
Napabungisngis ang bata.
"Why should I respect two silly salesladies?" Sinuri nito si Lily mula ulo hanggang paa. "I don't owe you anything. As if!"
"I know but–"
"We have lots of money to spend here. Buti nga bumibili pa kami dito sa pangit na shop niyo. Kung meron dito na kailangang respetuhin, it should be me and my mom."
"I told you, Lily. She's a demon child," iiling-iling na anas ni Alice. Bakas sa namumulang mga mata nito ang matinding pagkainis. "You're just wasting your time."
"Just because you spend your money here doesn't mean you can disrespect us, young lady." Napabuntong-hininga si Lily. "And you're only thirteen. It was your parents' money and not yours, anyway."
"Ano ba'ng alam mo? You're just a silly fat saleslady!"
"I'm a saleslady, sure, but you don't have to act like this. Ang sama ng attitude mo. You're thirteen not eighteen. Stop acting like a bitchy young adult."
"Pati yata utak mo pinasukan na rin ng taba."
"What–"
"You said I look fifteen, remember? No more bacons for you, stupid pig!"
"Nasaan ba ang mga magulang mo? I will ask them to ground you."
"Ground her forever," usal naman ni Alice sa tabi niya. "Kids these days."
"Ows, talaga? Can you really do that? As if!"
"Yes, I can." Medyo nanginginig ang boses ni Lily habang nakatingin sa naka-smirk na bata. She thought she could handle the situation. Pero nagkamali siya. Tulad ng sinabi ni Alice, this child is a demon. A little devil in disguise. Nakaramdam si Lily nang matinding kalungkutan at awa para sa mga magulang ng batang ito. They just created a monster.
"We're you yelling at my daughter?"
Napalingon si Lily.
Isang babae na may magarang kasuotan ang nakatayo at mariing nakatingin sa kaniya. Tangan nito sa isang kamay ang bagong biling mamahaling bag.
"Mom!" Tumakbo patungo kay Doña Zelda si Precious sabay yakap. Lumingon ang bata at nakasimangot na tinuro si Lily. "That lady is harassing me, Mom. Napaka-rude niya. I don't even know why."
"Alam mong hindi totoo 'yan." Tumingin si Lily kay Doña Zelda. "Pasens'ya na po, Ma'am, pero nagkakamali po kayo ng akala. In fact, ang anak niyo ang rude."
"Excuse me?"
"She was acting ridiculous."
"My daughter was not acting ridiculous."
"Your daughter started throwing things around, Ma'am. Even called us slaves. Pinagsabihan ko lang siya na matutong gumalang sa kapwa. And I meant no disrespect."
"My daughter was not disrespecting anyone in here. She's not that type of a girl," mariing pahayag ni Doña Zelda.
"But she was, Ma'am."
"Are you saying that my daughter is a liar?"
"No, of course not but–"
"We spend lots of money here, in case you don't know, miss."
Manghang napatitig si Lily kay Doña Zelda. Ang kaninang awa na naramdaman niya para sa mga magulang ng bata ay tuluyan nang napalitan ng galit.
"And so is everyone that goes in here. They spend money, too."
Payak na napangiti ang donya.
"Well, we probably spend a lot more money than them. We're one of the patrons here. We expect to get the best service there is." Hinaplos ni Doña Zelda ang pisngi ng unica hija. "And I want what's best for my daughter."
"And I want the best!" sigaw ng bata habang nakahalukipkip at nakasiring kay Lily.
"I see. So that's where she was getting it from."
Kumunot ang noo ni Doña Zelda.
"Getting where what?"
"Her bad attitude. She's obviously getting it from you." Tinapunan ni Lily ng tingin si Precious. Nakakurba paitaas ang mga labi ng bata. God, she's enjoying this whole confrontation, naisaloob ni Lily. "Somebody needs to discipline your child."
"Pinapalabas mo ba na hindi tama ang pagpapalaki ko sa anak ko?" tanong ni Doña Zelda.
"Yes," tugon ni Lily. "She's so disrespectful. She's rude. She's inappropriate because you're inappropriate."
"Don't tell me how to raise my own child."
"Sure. And you're doing a terrible job."
"How dare you!"
Napabuntong-hininga si Lily.
"Pasensiya na kayo, Ma'am. I know how it feels. I'm also a mother. Nakakalungkot lang na nabubulagan kayo ng sobrang pagmamahal niyo sa inyong anak, to the point that you are unintentionally making her a monster. Adored by no one and hated by every one. Your money's going to make your child's life a living hell."
"How dare you," anas ni Doña Zelda habang nakapako ang matatalim na mga mata kay Lily. Hindi ito makapaniwala na magagawa itong pagsalitaan ng isang hamak na saleslady lang. Her ego is bruised. She feels violated.
"Ano'ng kaguluhan ito!" Isang may edad na lalaki ang patungo sa kanilang kinaroroonan.
"N-Nothing, Sir Facundo. Kaunting misunderstanding lang po," mabilis na salubong ni Alice sa matanda.
"No, it isn't. You're such a liar!" sigaw ni Precious kay Alice.
"Doña Zelda, nandito pala kayo," bulalas ng matanda sabay ngiti. Tumigil ito sa tabi ni Alice. "I suppose sa inyo ang brand new BMW na nasa parking lot, tama ba?"
"Right, Facundo. Kabibili lang ni Wilfredo last week sa Canada," walang emosyong tugon ni Doña Zelda. Nanatiling nakapako ang tingin nito kay Lily habang nagsasalita. Bagay na pinagtaka naman ni Facundo.
"May problema ba, Doña Zelda?"
"That woman was harassing me and my mother," sumbong ni Precious sabat turo kay Lily. "She was very rude to us."
"What!" Napalingon ang matanda. "Lily, is that true?"
"Sir, let me explain." Hindi makatingin nang diretso si Lily sa matanda. She knows she just violated the number one rule of this shop. And the penalty is termination. At daig pa ni Facundo si Duterte kung batas militar ang pag-uusapan. Rules are rules, ang motto ng matanda.
"Pambihira. Kabagu-bago mo rito sa shop ko, gan'yan ka na sa mga customer?" Napailing si Facundo. "At si Doña Zelda pa talaga ang napili mong pagsungitan na isa sa parokyano ng shop ko. Wala kang delikadesang babae ka."
"Pero, sir. Ang bata po ang–"
"Manahimik ka, Alice. Huwag kang sasabat kapag hindi ka kinakausap. Know your place." Agad na humarap si Facundo kay Doña Zelda. "Ipagpaumanhin n'yo po ang inasal ng isa sa mga empleyado ko, Doña Zelda. I don't know what got into her."
Tipid na ngumiti si Doña Zelda.
"It's all right, Facundo. It was just a little misunderstanding, I guess."
Maang na napatingala si Precious kay Doña Zelda.
"No, it was not! Mom!"
"Regardless, wala pa ring karapatan ang mga empleyado ko na pagsungitan kayo, Doña Zelda. Pinapangako ko sa inyo na hindi na mauulit ang nangyari." Madilim ang mukha na nilingunan ni Facundo si Lily.
"Alam ko ang iniisip mo, Facundo. Don't fire her, silly."
Sabay na napatingin ang apat kay Doña Zelda.
"Mom! Don't tell me you'll just let this woman get away with it," hindi makapaniwalang bulalas ni Precious. "She just insulted you, remember?"
"Doña Zelda, sigurado ba kayo sa sinabi niyo? Ayaw ninyong tanggalin ko rito si Lily?"
Tumango ang donya.
"She needs this job. Sa itsura pa lang niya, mukhang may mga anak siyang sinusuportahan." Binigyan ni Doña Zelda nang makahulugang tingin ang nakakunot-noong si Lily. "Ayoko namang magutom ang mga anak niya nang dahil lang sa hindi ko mapalaki nang tama ang anak ko. Mababaw na dahilan, right, Lily?"
"Mom!"
"C'mon, honey. Sa ibang araw na lang tayo bumili ng birthday dress mo."
"But, Mom!"
"No buts. C'mon." Lumingon ang donya sa batang lalaki. "Pan, assist my daughter to the car."
"Masusunod." Humakbang ang bata na nagngangalang Pan patungo kay Precious. Nang makalapit ay hinawakan nito sa balikat ang bata. "Let's go."
Nakasimangot na sumunod si Precious sa batang lalaki. Bago makarating ng sliding door ay lumingon ito kay Lily.
"Thanks for nothing!" pahabol na sigaw ng bata bago tuluyang lumabas.