The Night Mercenary [FILIPINO]Updated at Jul 4, 2022, 06:04
Isang bagay lang ang alam ni Dion Agoncillo, Ang maging sundalo. Subalit hindi iyon ang gusto ng kaniyang pamilya. Walang ibang gusto ang pamilya ni Dion kundi ang maging isa siyang ganap na Doktor. Dahil sa pagnanais ni Dion na tuparin ang kaniyang pangarap, gumawa siya ng paraan para matupad ito. Taliwas naman sa sitwasyon ni Luke Montero, pinapangarap niya na maging isang recording artist sa industriya. Sadyang mahirap ang lahat ng iyon para kay Luke. Sa pag-abot ng kanilang mga pangarap kasabay ng kanilang matinding pagsisikap, makamit kaya nila ang minimithi? O maging dahilan iyon para pagtagpuin ang kanilang mga landas sa mas nakakatakot na trahedya?