
Para mailigtas ang natitirang kayamanan ng mga Feng, kailangan na maikasal ni Trisha sa isang Emperor na kahit kailan ay hindi niya naisip na gawin o kahit pa man sa kaniyang panaginip. Labag iyon sa kaniyang kalooban at ganoon rin ang nararamdaman ng kambal niyang si Troy. Ayaw nitong makitang miserable ang buhay ng kaniyang kambal na babae sa isang lalaking hindi naman kilala. Subalit sadyang mapaglaro ang kapalaran. Tila mas naging mahirap ang sitwasyon nilang dalawa nang may mangyaring hindi kaaya-aya na hindi lamang babago sa buhay ni Troy kundi pati na rin sa buhay ng kaniyang pamilya. Paano kung ang lahat ng pagsubok na kakaharapin ni Troy ay ang isa sa mga pagsubok sa kaniyang sarili na matagal na niyang pinapangarap? Paano kung maging dahilan ito sa kaniyang personal na interes ngunit sa isang sitwasyon na kailanman ay hinding-hindi na niya maiiwasan?

