Story By Egnarolrig
author-avatar

Egnarolrig

bc
Love Means You
Updated at Jan 22, 2021, 03:02
“Limang taon na ang nakalipas nang magkrus ang landas naming dalawa…” May bahid ng katotohanan ang kwento nila Althea at Joben. Totoong may kanta silang binuo. Totoong ginawa nila ang awiting iyon habang magkausap lamang sa telepono isang magdamag. Totoong maganda ang naging simula ng pagkakaibigan nila. Totoong may nagmahal, may nasaktan at patuloy na nasasaktan. Totoo ring may nakabangon at tuluyang nakalaya para piliin ang maging masaya. Nakalaya nga ba talaga? Totoong may nagmahal ulit pero totoo ring may nasaktan ulit. Totoong may nang-iwan at naiwan sa ere, nangapa sa dilim, nagalit, piniling mapag-isa pero muling nagpatawad para muling sumaya. Totoo rin ang nakaraan ngunit malayo sa kasalukuyan. Gayunpaman, ang bawat nararamdaman ay may bahid ng katotohanan. Totoo ang kwentong ito dahil hango ito sa kwento naming dalawa. Ako ang sumulat ng kwento at ng liriko ng kantang para sa ibang “kanya”. At siya naman ang naglapat ng tono sa kantang ito na para daw sa akin… “sa amin”. Kaming dalawa ang iilan sa bumuo ng pagkatao nila Althea at Joben. Sana ay mabasa niyo ang kwentong ito na may totoong kalakip na pagmamahal… Maraming Salamat!
like