MISTERYOUpdated at Feb 10, 2024, 23:22
Marami akong karanasan na hindi maipaliwanag .
Mga kababalaghan na nagaganap na hindi kayang ipaliwanag ng isang normal na tao .
Simple lang ang pamumuhay ko Kasama ng pamilya ko. pero noong bata pa ako hindi naging normal ang buhay ko .
May mga nakikita ako na hindi kayang makita ng pangkaraniwang mata ng tao .
Mapag-isa ako noong bata pa ako .Natatakot Kasi ang Iba Kong kalaro sa 'kin .Madalas Kasi ay may kausap ako o kaya ay kalaro na hindi naman nila nakikita Kung sino at ano .
Sakitin din ako n'ong bata pa ako dahilan para lagi akong nakakulong sa bahay .
Laging sinasabi ng matandang manggagamot na napaglalaruan ako ng kalaro ko .natutuwa daw sa'kin ito at balak na kuhanin ako .kaya nag decide ang magulang ko na umalis na sa probinsya namin at mamuhay nalang sa maynila.