ANG BATANG BABAE SA LOOB NG APARADOR
Ako nga pala si Luna Santiago .Isang babaeng simple lang at nangangarap na magkaro'n ng normal na buhay .Dati kaming nakatira sa probinsya noong bata pa ako .Lumipat kami sa maynila mula ng maging sakitin ako .
Bata pa lang ako ay may mga kababalaghan na akong nararanasan .Sa probinsya ,sa dati naming bahay may mga nakakalaro ako na hindi nakikita ng ibang tao .Dumating sa point na naging sakitin ako at balak ng mga ito na kunin ako .
Duwende daw ang nakikipaglaro sa'kin ..yan ang sabi ng matandang albularyo sa mga magulang ko .Wala naman akong idea Kung ano ang itsura ng duwende noon .Limang taon lang ako at ang tanging naaalala ko ay maliit at may matutulis na tenga ang nakakalaro ko.
Umalis kami sa probinsya sa takot ng magulang ko na makuha ako sakanila ng duwende .Natira kami sa maynila ,nangupahan ng Limang taon .Pero sa limang taon na pagtira namin sa bahay na yun ay iba't Ibang kababalaghan ang naranasan ko .
Akala ng magulang ko ay matatapos na ang mga kababalaghang nangyayari sa'kin .Ang mga taon na yun pala ang simula ng mga karanasan ko na Hindi ko maipaliwanag .
Makalipas ang dalawang taon na pagtira namin sa maynila .nakapag ipon at nakapag pundar na rin kahit papa'no ang mga magulang ko .
Isa na d'un ang isang lumang aparador na nabili nila sa kapitbahay na aalis na at mag mimigrate na sa ibang bansa .Luma na ito pero maayos pa ang kondisyon.May salamin ang isa sa mga pintuan nito na isa sa dahilan Kung bakit nagustuhan ito ng nanay ko.
" Nanay kanino po yan?" tanong ko sa aking nanay habang kitang Kita Ang excitement sa aking mukha.
"Sa'tin yan anak .Maganda ba ?" nakangiting tanong ni nanay .
"Opo ,nanay !" .tumatalon talon Kong sagot Kay nanay .
Tumayo s'ya sa harap ng salamin Kaya tumayo din ako sa harapan nito .
Kitang Kita ko ang repleksyon naming dalawa .
"Oh diba ! Ang ganda .May salamin pa .makikita mo na Kung gaano ka kaganda ." sabay kurot sa pisngi ko.
Nangiti ako sa sinabi ni nanay.
" Opo ,gustong gusto ko po ."
Dumating ang dalawa Kong kapatid galing sa pakikipaglaro sa labas .
Si ate Isabelle at Kuya Edward .Si ate ang panganay sa'ming tatlo, labing-isang taon na s'ya at si kuya Edward naman ang sumunod sakan'ya .Siyam na taon naman si kuya .At ako naman ang bunso .pitong taon na ako at nag-aaral na .
"Nay, ano po yan ? " tanong ni ate .
" Aparador anak ,nabili namin ng tatay n'yo d'yan sa may kapitbahay ."
" D'un po ba kila aling Celia ?Yung may malaking bahay ?tanong naman ni kuya .
" Oo d'un nga .aalis na Kasi sila pupunta na sila sa Amerika d'un na ata sila titira ."
Lumapit si kuya at ate sa aparador .Nanalamin si kuya Edward habang pinagmamasdan naman ito ni ate .
"Naku nay ah ! baka mamaya may nakatira sa loob ng aparador na yan." pananakot ni ate .
"ikaw naman Isabelle ,wag ka ng manakot ng mga kapatid mo .Saka walang nakatira d'yan na Kung ano .May pera ang dating may-ari nito kaya malabong magtago sila ng gamit na may katatakutan ."
" Si nanay naman napaka seryoso .Malay mo lang baka mi freebies ."pabiro nito habang tinitignan ang repleksyon n'ya sa salamin .
" Magtigil ka na nga Isabelle .basta maganda 'tong aparador na'to kaya ayusin n'yo na yung mga damit na p'wedeng ihanger sa loob nito ." utos ni nanay sa'ming tatlo .
Nagulat kami ng biglang tumili si ate Isabelle .
" Ano yun !? bakit ? anong nangyare !? nagpapanic na tanong ng aming nanay .
kahit kami ni kuya ay nagulat at kinakabahan Kay ate Kung bakit s'ya napatili habang nananalamin .
" Nay .."
"Ano!? sabihin mo .."
" Ang ganda ko pala talaga lalo sa salamin na'to ." nakangiting sabi ni ate habang hinihimas himas ang kan'yang mga pisngi .
Isang malakas na palo sa p'wet Ang inabot ni ate .
" Buwisit ka Isabelle ! Hindi magandang biro Yan .akala ko ay napa'no kana .Aatakihin ako sa puso sa'yong bata ka ." sabay palo ulit sa p'wet ni ate .
"Aray !nay ! masakit po .sorry na ,'di na po mauulit .". mangiyak ngiyak s'yang nag sosorry .
Lihim kaming tumatawa ni kuya Edward habang pinapalo ni nanay si ate sa p'wet .
Napatingin s'ya sa'ming dalawa at nakita n'ya kaming tumatawa.Sinamaan n'ya kami ng tingin at kami naman ni kuya ay tinawanan lang s'ya .
Sabay sabay kaming lumabas ng k'warto .Natigilan lang ako ng may sumitsit mula sa likuran namin .Nanggagaling 'to banda sa may aparador.
Hinatak ko si ate para pigilan s'ya sa paglabas .Lumingon ako sa may bandang aparador pero wala naman akong nakita.pagtalikod ko ay may narinig na naman ako .
"Pssst !"
"Ate sandali lang ,may naririnig kaba?" tanong ko habang nakahawak sa damit n'ya .
" Naku ,Luna ..tama na yan .Hindi mo ko maloloko .Gusto mo ata Ikaw naman ang mapalo sa p'wet eh .."
"meron nga akong narinig na sumitsit ." pagpipilit ko .
" makulit ka .nay ---"
"wag mo na 'kong isumbong tara na nga lumabas na tayo ."
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian .Pinatulog kami ni nanay sa k'warto.Naghahanda na kaming mag siestang magkakapatid Nang biglang may kumalabog sa loob ng aparador .
Nagulat kaming tatlo .kitang Kita sa mga Mukha namin ang gulat .napatingin kami sa isa't isa at sabay sabay na tumingin sa aparador .
Biglang pumasok si nanay sa k'warto dahil narinig n'yang may kumalabog .
" Ano yun ? bakit may kumalabog ?
Sabay sabay naming tinuro ang aparador .
Nilapitan n'ya ito at binuksan .biglang may tumalon na maliit na daga palabas sa aparador .
Napasigaw s'ya sa gulat .
" Ay ! jusmiyo ! ".
" Sa'n galing yung dagang yun ? "
Natawa si ate sa reaksyon ni nanay." sabi sa'yo nay eh ,may pa freebies .ayan free daga .makikitira na din sa'tin ."
" magsipag tulog na nga kayo d'yan .Pa'no ko matatapos yung gawain ko kung magsasaway lang ako sainyo ?Hala sige ! tulog ! ."
Sabay sabay kaming humiga .Nagtalukbong ako ng kumot kahit mainit nung oras na yun .
kahit anong gawin Kong p'westo ay 'di ako makatulog .Naramdaman ko na parang may tao sa bandang paanan namin kaya dahan dahan akong sumilip sa kumot .
Hindi ko inaasahan ang aking nakita .Isang batang babae na may suot na bistidang puti ang biglang pumasok sa aparador .
Nanlaki ang aking mga Mata at agad agad ay Nagtalukbong ako ..pero hindi ko inaasahan ang sumunod ulit na pangyayari .Narinig ko ang langitngit ng aparador at tila may lumabas mula rito at unti unting lumalapit sa'kin .
Nakakaramdam ako ng pang giginaw habang tanghaling tapat at balot na balot ako ng kumot .Maya Maya ay may narinig akong nagsalita sa tenga ko .
" Nakikita mo ko ?Alam ko nakikita mo ko at naririnig ."
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa isang malamig na tinig na narinig ko .Nanginginig na 'ko sa takot .Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya kinurot kurot ko si kuya.
Wala na akong pakialam Kung magalit s'ya basta ang goal ko ay magising ko sila .
" Aray ! " napabalikwas sa pagkakahiga si kuya ."Luna ano ba !? bakit nangungurot ka ? " sabay hatak sa kumot na nakatalukbong sa'kin .
Napatayo na din si ate sa higaan para tignan Kung anu ang nangyayari .
Nagulat sila dahil nanginginig ako at putlang putla habang dilat ang mga mata dahil sa takot .
Tinawag ka'gad nila si nanay .Nagmamadali itong tumakbo papasok ng k'warto .
"Nay ,si Luna nanginginig parang takot na takot ." sabi ni kuya na natatakot na din sa itsura ko .
Nagmamadaling pumasok ang nanay sa k'warto .
"Bakit ?anong nangyari Kay Luna ?" pag aalalang tanong ng nanay Kay Kuya at ate habang niyuyugyog ako nito .
"Luna ! Luna ! bunso ! naririnig mo ba si nanay ? Luna ! tignan mo si nanay ..ano bang nangyayari sayo? " patuloy na tinatawag ng nanay Ang pangalan ko habang tumutulo ang luha sa mga mata nito .Gayundin ang ate at Kuya ,nagsimula na rin silang umiyak sa takot dahil sa nangyayari sa akin .
Kinagat bigla ng ate ko ang daliri ko sa paa at doon tumigil bigla ang panginginig ko at bumalik ang aking ulirat .
Napatingin ako sa mga taong nakapaligid sa akin .Kitang kita sa mukha ng mga ito Ang takot at pag aalala .Hindi ko din alam kung bakit umiiyak sila .
"Edward ! kumuha ka tubig ..bilisan mo !"pasigaw na utos ng nanay sa Kuya .
"O-opo nay " nauutal utal na sagot Ng Kuya .Nagmamadali itong lumabas Ng k'warto at bumalik na dala dala ang isang basong tubig .
"Nay ,ito na po ang tubig " .Kinuha Ng nanay ang baso at tinulungan akong umupo.
"Anak ,uminom ka muna ng tubig. " inilapit Ng niya ang baso sa aking mga labi.Pagkatapos Kong makainom ay nagtanong agad Ang nanay.
"Kamusta Ang pakiramdam mo anak ?ano bang nangyare sayo ?" nag aalalang tanong niya .