Story By Peachyvillux
author-avatar

Peachyvillux

bc
Perks of Fallen Apart
Updated at Jan 21, 2021, 18:38
Everyone of us dreamed to have a happy family, a complete foundation indeed. Kung saan nandiyaan ang asawa upang alagaan ang kanyang mag-ina. Kung saan mahalin niya ng buong puso ang kanyang pamilya upang hindi sila maghihiwalay. Ngunit sa buhay ni Nathalia Jimenez, hindi niya akalain na ganito pala ang magiging buhay niya kapag siya ay nagkaroon ng sarili niyang pamilya. Hindi ito ang pinangarap niya. Siya ay may isang anak at asawa, hindi niya alam kung asawa ba ang ituring sa kanya rito. She was clueless kung ano nga ba ang relasyon nilang dalawa.Tanggap niya na hindi siya papakasalan ng lalakeng iyon. Walang magawa si Nathalia kundi ang sundin nalang ang mga gusto ni Symone alang-alang din sa kanilang anak. Paano kapag isang araw ay biglang natauhan si Nathalia? Paano kapag sa isang iglap lang ay malaman ng lahat kung sino si Nathalia sa buhay ni Symone? Magiging masaya kaya ang kanilang buhay o mas lalo lang gugulo?
like
bc
The Birth of SILENT MAFIA KILLER
Updated at Jan 14, 2021, 16:40
Samantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng Rutherford. Siya'y nangangarap ng matiwasay at tahimik na buhay, dahil hindi niya matanggap na ang kanyang mga magulang ay mga halimaw kung pumaslang. Naisipan niyang maglayas at tahakin ang buhay na matagal na niyang pinapangarap. Ngunit, makakamit kaya niya ang buhay na matagal na niyang gustong makuha? Paano kung siya'y mabigo?
like
bc
Everything has Changed
Updated at Jan 14, 2021, 16:33
Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng maganda at kompletong pamilya. Kung saan ang pagmamahalan bilang mag-asawa ay magka-bunga rin ng biyaya. Nathalia Rome, isang studyanteng pursigidong makapagtapos sa pag-aaral para makaahon sa kahirapan. Bilang isa siya sa matalino sa kanilang unibersidad, bobo naman ito pagdating sa pag-ibig. At doon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Paano kapag ang pinapangarap ni Nathalia ay kabaliktaran sa sitwasyon niya ngayon? Kakayanin kaya niyang harapin ang problema kahit ang lahat ng nasa paligid na kanyang tinahak ngayon ay nagbabago? Paano kapag sa isang iglap lang, everything will be change?
like