bc

Perks of Fallen Apart

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
escape while being pregnant
brave
single mother
drama
like
intro-logo
Blurb

Everyone of us dreamed to have a happy family, a complete foundation indeed. Kung saan nandiyaan ang asawa upang alagaan ang kanyang mag-ina. Kung saan mahalin niya ng buong puso ang kanyang pamilya upang hindi sila maghihiwalay. Ngunit sa buhay ni Nathalia Jimenez, hindi niya akalain na ganito pala ang magiging buhay niya kapag siya ay nagkaroon ng sarili niyang pamilya. Hindi ito ang pinangarap niya. Siya ay may isang anak at asawa, hindi niya alam kung asawa ba ang ituring sa kanya rito. She was clueless kung ano nga ba ang relasyon nilang dalawa.Tanggap niya na hindi siya papakasalan ng lalakeng iyon. Walang magawa si Nathalia kundi ang sundin nalang ang mga gusto ni Symone alang-alang din sa kanilang anak.

Paano kapag isang araw ay biglang natauhan si Nathalia? Paano kapag sa isang iglap lang ay malaman ng lahat kung sino si Nathalia sa buhay ni Symone? Magiging masaya kaya ang kanilang buhay o mas lalo lang gugulo?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang sarap sa pakiramdam pagmasdan at pakinggan ang ngiti at mga halakhak ngayon ng aking anak na si Zach kasama ang kaniyang ama habang sila'y naglalaro ng video games sa harapan ko, habang ako'y nakaupo lamang sa sopa at pinagmamasdan silang nagsasaya sa paglalaro. Limang taong gulang pa lamang ngayon si Zach at lubos na napaka-inosente at walang alam sa takbo ng mundo at buhay na mayroon kami, at ngayo'y nagagalak siyang nakasama niya ngayong araw ang kaniyang ama dito sa tinutuluyan naming apartment. Madalang lang kasi kung bumisita ang kaniyang ama kung kaya'y labis na lamang ang sabik at galak ng bata sa yakap ng kaniyang ama. Habang pinagmamasdan ko sila ay di' ko maiwasan ang maluha sa saya sa nakikita ko sa bata ngunit ganoon na lang din ang lungkot na aking nararamdaman sa t'wing napagmamasdan ko si Symone. Nang matapos na silang maglarong dalawa ay naisipan kong paakyatin na at patulugin na si Zach sa kwarto nito dahil gabi na at aalis na rin ang kaniyang ama dahil bago kasi aalis ito kailangan tulog na si Zach. "Aalis na ako tutal tulog naman na ang bata," sambit ni Symone saka kinuha ang kaniyang mga gamit na nakalatag sa sopa namin. "Ihahatid na kita sa labas," lahad ko sa kaniya ng walang emosyong pagkakasabi saka sumunod sa kaniya papuntang labasan. Nang tuluyan na siyang makalabas sa pintuan at aalis na sana ay di' ko napigilang pahintuin siya at pigilan. "Sandali," pigil ko sa kanya. "Ano?" Tanong nito habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Nag text na ba siya? Pauuwiin ka na ba niya?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Oo, pauuwiin na niya ako akala niya kasi nag over time lamang ako sa trabaho namin ngayon, and also we have our monthsary ngayon kaya kailangan ko siyang puntahan sa kanila." Seryoso niyang pagkakasabi sa akin. "Hindi mo pa rin ba ako papakasalan? Mayroon na tayong anak-" Agad niyang pinutol ang sasabihin ko saka siya nagsalita agad. "Ilang beses ko ng sinabi sa iyo Nathalia na hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo, dahil wala akong nararamdamang kahit katiting na pagmamahal sa para sayo at ang tanging obligasyon ko lamangg dito ay ang anak ko dahil gusto kong mapabuti ang kaniyang kalagayan. Hindi kita mahal, at mas lalong hindi kita mamahalin. Sapat na siguro ang rason na iyan para malaman mo yung totoong namamagitan sa atin naiintindihan mo?" Naiirita niyang sambit sa akin. At bigla naman akong napatahimik at napayuko sa kinalalagyan ko saka siya umalis na ng tuluyan. Nang makaalis siya ay ganoon na lamang ang pagbulusok ng mga luhang kumawala sa aking mga mata na ang tanging dahilan ay ang mga katagang binitawan niya sa harapan ko at sinampal sa aking pagkatao ang katotohanang di' maaaring mangyari ang kagustuhan ko. Tama nga siya—tama ngang ganito na lamang kami dahil di' maaaring magsama ang dalawang di' kailan man maging isa sa pananaw ng tadhana.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook