Story By MS_ Kaliwete07
author-avatar

MS_ Kaliwete07

ABOUTquote
Hello, mga ka-story! 💕 Isa lang akong simpleng writer na mahilig mangarap, mag-imagine, at gumawa ng mga kwentong sana ay maging pahinga, kilig, at happy place ninyo. ✍️✨ Dito ko ibinubuhos ang mga ideas, kabaliwan, at mga karakter na minsan ay mas makulit pa sa akin. Thank you for reading, supporting, and staying with my stories. Let’s create beautiful memories, one chapter at a time.
bc
My Professor's Lover
Updated at Oct 28, 2026, 00:39
Palagi ko siyang napapanaginipan. Si Professor Mattheus Salvatierra. Sa panaginip, yakap niya ako ng mahigpit, amoy pabango niya, at hininga naming dalawa lang naririnig ko. Nagigising ako sa gitna ng gabi, pawis at kinakabahan — kasi parang totoo. Pero sa school, ibang tao siya. Malamig, seryoso, at ako lang lagi ang pinahihirapan sa recitation. Hanggang isang hapon, pinatawag niya ako sa office niya. Kaming dalawa lang. At hindi ko na napigilan. Ako ang unang humalik. What if bukas, kumalat sa buong campus na inakit ko ang professor ko... at malaman ng lahat na mahal ko na siya?
like
bc
Hey, babe
Updated at Oct 3, 2026, 10:07
Apat na taon.Apat na taon mula nang iwan ni Luna ang isang gabing pilit niyang kinalimutan.Noong mas bata pa siya, si Cairo ang una niyang crush-ang lalaking laging nasa paligid dahil tropa ito ng kuya niya. Habang todo-pacute at todo-rampa siya, isang bagay lang ang malinaw kay Cairo:Hindi siya interesado.Pero pagkalipas ng ilang taon, pareho na silang adults nang muli silang magkrus ang landas sa isang gabing hindi sana dapat nagbago ng kanilang mga buhay.Isang bar.Isang maling tao.Isang inuming nilagyan ng droga.At isang lalaking dumating bago pa maging huli ang lahat.Si Cairo ang nakakita kay Luna sa gitna ng kaguluhan.At mula sa gabing iyon, isang lihim ang naiwan sa pagitan nila.Lumipas ang mga taon.Si Cairo ay isa nang matagumpay na businessman at may-ari ng malaking automotive parts company. Si Luna naman ay naging automotive parts agent-matapang, independent, at malayong-malayo na sa dating girl na laging naghahanap ng atensyon niya.Akala ni Luna, tapos na ang lahat.Hanggang sa muli silang nagkita.At kasama ni Luna ang isang napaka-cute na apat na taong gulang na batang babae.Isang batang may matatalinong mata.Isang batang may ngiting pamilyar sa kanya.Isang batang halos kopya niya-pero girl version.Hindi alam ni Cairo ang pinakamalaking sikreto.May anak siya.At ang mas nakakagulat?Hindi niya alam na ang babaeng minsang hindi niya napansin...ang siya palang babaeng magdadala sa kanya pabalik sa gabing hindi niya kailanman dapat nakalimutan."Hey, babe."Dalawang salitang muling magbubukas ng isang lihim na apat na taon nang nakatago.At this time...hindi na siya papayag na mawala ulit si Luna.
like
bc
Berde ang Langit
Updated at Oct 2, 2026, 08:04
BERDE ANG LANGIT ‎ ‎Pitong taong gulang pa lang si Dani Marquez nang masaksihan niya kung paano iniwan ng kaniyang ama ang pamilya nila para sa ibang babae. ‎ ‎Simula noon, may isang pangako na siyang pinanghawakan— ‎ ‎Hinding-hindi na siya magtitiwala sa kahit sinong lalaki. ‎ ‎Pero may isang batang lalaki na ayaw siyang mawala. ‎ ‎Si Lucian Montenegro, ang kapitbahay at best friend niya mula pagkabata, ay walang ibang gustong gawin kundi manatili sa tabi ni Dani. ‎ ‎Kaya nang malaman niyang ang tanging lalaking pinagkakatiwalaan ni Dani ay isang bagay na hindi na niya kailanman gustong maging— ‎ ‎isang lalaki. ‎ ‎May naisip siyang solusyon. ‎ ‎Magpanggap na bakla. ‎ ‎Sa tulong ni Mama Z, ang babaeng kilala bilang ina ng mga bakla sa high society, unti-unting natutunan ni Lucian ang kilos, pananalita, pananamit, at buong katauhan ni Luci. ‎ ‎At nagtagumpay siya. ‎ ‎Para kay Dani, si Luci ay bakla. ‎ ‎Kaya wala siyang dahilan para matakot, umiwas, o mag-ingat sa best friend niya. ‎ ‎Sa mundo ni Dani, si Luci ang pinakaligtas na lalaki dahil... ‎ ‎hindi niya ito itinuturing na lalaki. ‎ ‎Ang problema? ‎ ‎Hindi alam ni Dani na sa likod ng kaniyang fashionista best friend, may isang napakalaking sikreto. ‎ ‎At habang tumatagal ang kanilang pagkakaibigan, mas nagiging mahirap para kay Lucian na panindigan ang kasinungalingang sinimulan niya noong bata pa sila. ‎ ‎Dahil paano kung isang araw, matuklasan ni Dani na ang baklang buong buhay niyang pinagkakatiwalaan... ‎ ‎ay hindi pala bakla? ‎
like
bc
Business Proposal
Updated at Sep 19, 2026, 04:50
Akala ni Saphire Del Rio, tapos na ang malas niya.Hindi pa pala.Isang taon na ang nakalipas mula nung gabing sinagip niya ang isang estrangherong lalaki sa gitna ng bagyo sa Nasugbu. Gray eyes, sugatan, halos mamatay na sa dagat. Hinalikan niya para bigyan ng hangin. Pinatulog sa lumang boathouse. At ginising na wala na — tanging isang gintong cufflink na may letrang P ang iniwan.Ginawa niyang kwintas. Lucky charm. Kasi simula nung gabing yun, sunod-sunod na ang kamalasan.Nalugi ang Del Rio Shipping — ang kompanyang pinaghirapan ng pamilya nila for 20 years. 143 Million ang utang. May interest pa. May BIR pa. May loan shark pa. At sa September 30, i-auction na ang mansyon nila sa Nasugbu na puno ng alaala ng Mama niya.At si Emerald — yung 7-year-old kapatid niyang may butas sa puso. Kailangan operahan within 45 days. 3.2 Million ang kailangan. Wala silang 500k pang-downpayment.Walang wala na si Saphire. Painter na walang pangbili ng pintura. Panganay na walang maisalba. Babaeng 26 years old na pagod na pagod na.Hanggang sa dumating ang alok.Isang bilyonaryo. Ginoong P ang tawag ng lahat. May-ari ng Pendleton Group — shipping, airlines, hotels, lahat ng may pera sa Pilipinas, kanya. 60 years old daw, balo, walang anak, naghahanap ng asawa para may tagapagmana.Ang kapalit: Lahat ng utang babayaran. Lahat ng operasyon ni Emerald, sagot niya. At after one year na kasal, divorce at 10 Million pa.Isang taon na kasal sa matandang hindi niya kilala kapalit ng buhay ng kapatid niya.Pumayag si Saphire. Wala siyang choice.Pero pagpasok niya sa 45th floor ng Pendleton Tower sa BGC para pumirma ng kontrata, hindi matanda ang bumungad sa kanya.Isang lalaki. 28 years old. 6'1. Black Armani suit. Gray eyes na parang bagyo. Jawline na kayang sumugat. Dimple sa kaliwa.At pamilyar. Sobrang pamilyar.Siya yung lalaking sinagip niya sa dagat.Siya yung P sa kwintas niya.Siya si Phoenix Pendleton — CEO, bilyonaryo, arogante, babaero, wild, bastos ang bibig pero — Siya si Ginoong P."Long time no see, Saphire. Kamusta yung cufflink ko?" At doon nagsimula ang lahat.Akala ni Saphire, makukuha niya ang pera at matatapos ang impyerno.Hindi niya alam, mas malalim pa pala ang impyerno sa piling ni Phoenix Pendleton.Kasi si Phoenix, hindi lang basta bilyonaryo na naniningil ng cufflink.Isang taon na ang nakalipas, hindi siya nalunod dahil sa bagyo.Tumalon siya. Sinadya niyang lunurin ang sarili niya sa dagat ng Nasugbu dahil sa depression. Dahil sa pag-iisa. Dahil lahat ng tao sa paligid niya pera lang ang habol.At si Saphire lang ang nagligtas sa kanya. Hinalikan siya para mabuhay. Niyakap kahit basang-basa at duguan.Kaya ngayon, babawiin niya si Saphire. Sa paraang alam niya — pera, kontrata, at kasal.One year contract marriage.Iisang mansion. Iisang kwarto. Iisang kama lang — at isang maliit na couch na hindi kasya ang 6'1 niyang katawan.Bawal ma-fall. Bawal makialam sa buhay ng isa't isa. Bawal ang totoo.Pero paano kung si Phoenix pala yung tipo ng lalaking bastos sa lahat ng babae pero maginoo lang kay Saphire?Yung tipo na sasabihin: "Ang ikli ng shorts mo, Saphire. Gusto mo ba akong patayin?" pero tatakpan pa rin ng kumot ang hita niya para hindi makita ng iba.Yung tipo na manununtok ng ex ni Saphire sa art store pero hihingi ng sorry kay Saphire ng "Sorry, nagselos ako. First time."Yung tipo na wild sa boardroom, kayang sigawan ang lahat, pero pagdating kay Emerald, nagiging "Kuya Phoenix" na nagbibigay ng doll at nagbabayad ng 15 Million sa best surgeon para mabuhay ang bata.At paano kung si Saphire pala, habang tumatagal, hindi na pera ang dahilan kaya siya nag-stay?Paano kung nahulog na siya sa gray eyes na akala niya nung una malamig, pero yun pala, takot lang maiwan ulit sa dagat?Pero may problema.Isang taon lang ang kontrata.At may babalik — si Valentina, ang ex-fiancée ni Phoenix na iniwan siya nung gabing gusto niyang magpakamatay. At sasabihin kay Saphire ang totoo: Na si Phoenix ang dahilan kaya nalugi ang Del Rio Shipping. Na binili ni Phoenix lahat ng utang nila para mapilitan si Saphire magpakasal.Na lahat ng ito, plano.Hanggang saan ang kayang patawarin ni Saphire para sa pag-ibig?At hanggang kailan kayang maging maginoo ni Phoenix kung ang babaeng mahal niya, unti-unti nang nalalaman na monster siya?*BUSINESS PROPOSAL* — Isang kwento ng isang painter na piniling ibenta ang sarili para sa pamilya, at isang bilyonaryong bumili ng asawa para lang may rason para mabuhay.Bastos pero maginoo. Wild pero takot maiwan. Contract pero totoo.One year. One bed. One cufflink.At isang tanong: Kapag natapos ang isang taon, kaya mo pa ba siyang pakawalan?---PLAGIARISM IS A CRIMECOPYRIGHTS2025_Wattywriters07©AUTHOR: MS_KALIWETE072025®|Nov.2026
like
bc
30 Days in my Perfect world
Updated at Sep 5, 2026, 07:14
Ako si Elija Reyes, 27. Cum Laude, freelance writer, pero 446 pesos na lang pera ko hanggang Friday. Pagod na ako. Pagod sa 6 na oras na pila sa city hall na "offline po" lang pala. Pagod sa 3.75 na VAT sa resibo na hindi ko alam saan napunta. Pagod sa 283.50 na Losartan at 28 pesos na Celecoxib na hindi ko mabili kaya gumagapang si Mama papuntang CR. Kaya isang gabing umiiyak ako sa harap ng laptop na may crack, nagsulat ako. *WHAT http://IF.docx* What if may bahay na hindi tumutulo? What if libre gamot ni Mama? What if may app na makikita mo kung saan napunta tax mo? At what if... may JC Rivera? 30, architect, hindi bilyonaryo. May dimple sa kanan. Mabango kahit pawisan. Marunong magluto ng adobo na maraming bawang. Yung lalaking luluhod para pantayan ako, hindi para tingalain ko. Sinulat ko lang siya. Pero pag gising ko, nasa loob na ako ng sinulat ko. Naka-apron si JC, nagluluto ng sinangag. "Love, gising ka na?" Asawa ko daw siya. Two years na daw kami sa Antipolo. Perfect. Lahat ng pangarap ko, nandito. Hanggang sa nakita ko yung laptop ko na bukas pa rin. *WELCOME TO YOUR PERFECT WORLD, ELIJA. 30 DAYS LEFT.* At doon ko nalaman, may kapalit ang perfect. Pag bumalik ako sa Project 8 para kay Mama, mabubura si JC. Pag naiwan ako dito kay JC, mabubura si Mama sa kabila. *30 days lang. Sino pipiliin ko? Yung Mama ko na nagpalaki sa akin o yung love na isang taon na pala akong sinusulat?*
like