bc

My Professor's Lover

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
teacherxstudent
age gap
opposites attract
friends to lovers
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
campus
city
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

Palagi ko siyang napapanaginipan. Si Professor Mattheus Salvatierra. Sa panaginip, yakap niya ako ng mahigpit, amoy pabango niya, at hininga naming dalawa lang naririnig ko. Nagigising ako sa gitna ng gabi, pawis at kinakabahan — kasi parang totoo. Pero sa school, ibang tao siya. Malamig, seryoso, at ako lang lagi ang pinahihirapan sa recitation. Hanggang isang hapon, pinatawag niya ako sa office niya. Kaming dalawa lang. At hindi ko na napigilan. Ako ang unang humalik. What if bukas, kumalat sa buong campus na inakit ko ang professor ko... at malaman ng lahat na mahal ko na siya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: THE QUESTION
‎Top 1 ako. Simula first year college hanggang ngayon na 4th year na ako sa College of Law, never akong bumaba sa ranking. GWA (Grade weighted Average) ko palaging 1.15, minsan 1.10 pag sinwerte. Flat 1.0 ako sa lahat ng major subjects, lalo na sa Criminal Law. Lahat ng tao sa campus kilala ako bilang "yung babaeng hindi natatalo." ‎ ‎Pero ngayon, sa harap ni Atty. Mattheus Salvatierra, parang ang bobo-bobo ko. Parang lahat ng kinabisado ko nung buong sem, biglang nabura lahat. ‎ ‎Nasa harap siya ng klase namin, nakatayo sa gitna, naka-black polo na nakatupi yung sleeves hanggang siko. Litaw na litaw yung ugat sa braso niya, yung panga niya matulis, yung boses niya malamig pero nakakaba. 32 years old lang siya, pero siya na yung Dean ng College of Law. Siya yung may-ari ng Salvatierra Law Firm sa BGC, yung law firm na pinapangarap ng lahat ng law student na mapasukan. At siya yung professor ko. ‎ ‎At siya rin yung dahilan kung bakit hindi ako makatulog gabi-gabi. ‎ ‎"Ms. Fuentes," malamig niyang sabi, tapos tumingin siya diretso sa akin. Lahat ng mata ng klase napunta sa akin. "Can you stand up?" ‎ ‎Tumayo ako, dala-dala yung kaba ko. Hawak ko yung libro ko na parang dasal na sana, sana alam ko yung sagot. ‎ ‎"What is the difference between murder and homicide? Basic lang yan. First year pa lang tinuturo na yan. As my Top 1 student, I expect a perfect answer. Not a textbook answer, a lawyer's answer." ‎ ‎Alam ko ang sagot. Kabisado ko. Article 248, Article 249 ng Revised Penal Code. Pero bakit pag siya ang nagtatanong, nauutal ako? Bakit pag siya ang nakatingin sa akin, parang wala akong maisagot? ‎ ‎"M-Murder is... Murder is committed with treachery, evident premeditation, cruelty—" ‎ ‎"Stop." Pinutol niya agad ako. "Stop reading your notes in your mind, Ms. Fuentes. I don't need you to recite the law like a robot. I need you to understand it. What is treachery? What is evident premeditation in real life? Hindi sa libro, sa totoong buhay." ‎ ‎Napalunok ako. Tumahimik yung buong classroom. Yung mga kaklase ko, yung iba nakayuko na, ayaw matawag. Yung iba nakatingin sa akin na parang sinasabing "buti ikaw, hindi ako." ‎ ‎"Sir, treachery is when— when the offender employs means, methods, or forms in the execution of the crime which tend directly and specially to insure its execution without risk to himself—" ‎ ‎"My God, Ms. Fuentes." Lumapit siya ng isang hakbang. "You really memorized the whole definition, huh? Very good. 1.0 ka na sa recitation. Pero naiintindihan mo ba?" ‎ ‎"Yes, Your Honor." ‎ ‎"Are you sure? Kasi kung naiintindihan mo, hindi ka mauutal." ‎ ‎May halong pang-aasar yung boses niya, pero hindi yung pang-aasar na nakakatawa. Yung pang-aasar na parang sinusubukan ka niya. Parang gusto niyang makita kung hanggang saan ka tatagal bago ka umiyak sa harap ng klase. ‎ ‎"Sorry, your honor." ‎ ‎Tumaas yung kilay niya. "Your Honor? Do I look like a judge to you, Ms. Fuentes?" ‎ ‎"Ay, sorry po, Sir— I mean, Professor. Sorry po, Professor Salvatierra." ‎ ‎Tumawa ng mahina yung buong klase. Hindi malakas na tawa, pero sapat na para mapahiya ako. Ramdam ko yung init ng pisngi ko. Gusto ko na lang lamunin ng lupa. ‎ ‎Lumapit siya. Dahan-dahan. Bawat hakbang niya parang may kasamang kaba sa dibdib ko. Amoy na amoy ko yung pabango niya — mabango, malamig, at mamahalin. Yung amoy na hindi mo maaamoy sa mga ka-age ko lang. Pang mayaman, pang matanda, pang bawal. ‎ ‎Tumigil siya sa harap ng desk ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Yung tingin na parang hinuhubaran ako kahit naka-uniform ako. White blouse, black skirt na hanggang tuhod, naka-ponytail. Simpleng estudyante lang. Pero sa tingin niya, parang iba. ‎ ‎"You know what your problem is, Ms. Fuentes?" bulong niya, sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig. Yung boses niya mababa na ngayon, hindi na pang buong klase. Pang sa akin lang. "Masyado mong kinabisado ang libro. Pero wala kang alam sa totoong laro. You know the law, but you don't know how to play with it. And law, Amari, is a game. A very dangerous game." ‎ ‎Napatitig ako sa kanya. Hindi ako makahinga. Kasi first time niya akong tinawag na Amari sa harap ng lahat. Hindi Ms. Fuentes. Amari. ‎ ‎"Anong laro po, Sir?" ‎ ‎"Yung laro na kahit Top 1 ka, kahit 1.10 ang GWA mo, kahit flat 1.0 ka sa lahat ng subjects, matatalo ka pa rin pag ako ang kalaban mo. Do you want to learn how to win that game?" ‎ ‎Hindi ako nakasagot. Kasi hindi ko alam kung anong game ang sinasabi niya. Criminal Law ba? O ibang laro na? ‎ ‎Bumalik siya sa harap ng klase, kinuha niya yung marker, tapos sumulat siya sa whiteboard: *MURDER vs HOMICIDE - INTENTION.* ‎ ‎"Listen, class. Murder is not just about killing. Homicide is not just about killing. Both are about intention. Kung gusto mong patayin yung tao dahil galit ka, that is one thing. Pero kung pinlano mo, kung pinag-isipan mo ng ilang gabi, kung inabangan mo, kung siniguro mong walang makakakita... that is murder. That is obsession. That is what makes it heavier. Mas mabigat ang parusa kasi mas mabigat yung intention." ‎ ‎Habang nagsasalita siya, nakatingin siya sa akin. Diretso sa mata ko. Parang hindi na siya nagtuturo sa klase. Parang sa akin na lang siya nagsasalita. ‎ ‎"So, Ms. Fuentes, let me ask you again. If a man watches a woman every day, follows her schedule, knows what time she goes to the library, what time she goes home, what perfume she uses... is that murder or homicide?" ‎ ‎Nanlaki yung mata ko. Anong klaseng tanong yun? Hindi na yun nasa libro. ‎ ‎"S-Sir, wala pa pong patay dun..." ‎ ‎"Exactly." Ngumisi siya. Isang ngisi na delikado, na parang nanalo siya sa laro na hindi ko alam na nilalaro namin. "Wala pang patay. Pero may intention na. May obsession na. And obsession, Ms. Fuentes, is more dangerous than murder itself." ‎ ‎Tumunog na yung bell. Natapos na yung klase. Lahat ng kaklase ko nagligpit na, nagbubulungan, lumalabas na ng room. Pero ako, hindi pa rin makagalaw sa upuan ko. ‎ ‎"Ms. Fuentes, stay." ‎ ‎Isang utos lang. Naiwan ako. ‎ ‎Lumapit siya ulit sa desk ko, kinuha niya yung class record niya. "1.15 GWA. Consistent Top 1. Very good. Pero alam mo, Amari, ayokong may Top 1 ako na takot sa akin. Gusto ko yung Top 1 ko, lumalaban." ‎ ‎"Prof, hindi po ako takot—" ‎ ‎"Hindi? Then why are your hands shaking?" ‎ ‎Tumingin ako sa kamay ko. Totoo, nanginginig. ‎ ‎"After class. My office. 5 PM. We need to talk about your grades. And about your performance today. Don't be late, Ms. Fuentes. I hate late students. Especially when they are my favorite." ‎ ‎Favorite? Ako? Favorite niya? ‎ ‎"Yes, Sir." ‎ ‎"And Amari," tawag niya ulit nung nasa pinto na ako. "Ayusin mo yang buhok mo. Nalaglag na yung ponytail mo kakakaba." ‎ ‎Hinawakan ko yung buhok ko. Totoo nga. ‎ ‎Paglabas ko ng classroom, narinig ko pa yung mga bulungan ng mga kaklase ko. ‎ ‎"Lagot si Fuentes kay Atty. Salvatierra." ‎"Favorite daw?" ‎"Top 1 pero pinatatawag sa office?" ‎ ‎Alas singko. Sa office niya. Kaming dalawa lang. ‎ ‎Bakit parang hindi lang grades ang pag-uusapan naming dalawa ni Professor Salvatierra? ‎ ‎--- ‎MS_Kaliwete07 ‎ ‎

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.5M
bc

The Silver Wolf

read
591.6K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.1M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
899.3K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.3M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook