Story By DravenBlack
author-avatar

DravenBlack

ABOUTquote
Hi! I'm Draven Black and welcome to my profile! Gusto ko lang sabihin na binigay ko lahat sa kanya noon pero iniwan pa rin niya ako ngayon na sugatan ang buong pagkatao.
bc
IMPOSTORA (Tagalog)
Updated at Feb 11, 2022, 01:08
Pinapaslang ni Emily ang sariling kapatid na si Lauren para maangkin ang lalaking kinababaliwan. Batid niyang hindi siya papatulan ng lalaki sa hitsura niyang iyon na bagamat napakaganda ay walang kasingsama. Kaya sa pamamagitan ng plastic surgery, pinabago niya ang sarili at ginaya ang anyo ng kapatid. Sa loob ng mga panahong lumipas, inakala nilang patay na talaga si Lauren. Ngunit nang gabing iyon, kung kailan gaganapin ang isa sa pinakamalaking selebrasyon sa kanyang buhay, isang panauhin ang dumating at sumindak sa kanila. Nagulat siya, pati ang lahat ng naroroon, nang masilayan ang isang babae na kamukhang-kamukha ng dati niyang anyo bilang si Emily.
like
bc
Eight Years Old Heart
Updated at Jan 25, 2022, 06:10
Sa murang edad ay natuto nang makaramdam ng pagtingin si Gianna Sevilla. Nagkaroon siya ng crush sa isang lalaki sa kanilang lugar na Angelo Alvarez ang pangalan. Habang tumatagal na nagiging close sila, mas tumitindi pa ang nararamdaman niya rito. Pero hindi siya puwedeng ma-inlove sa lalaki dahil sa layo ng agwat nila. 8 years old pa lang siya, 18 naman ito. At dahil nga sa malabong maging sila, natuto agad siyang umiyak at makaramdam ng pagkadurog kahit hindi naman naging sila. Ang hapding iyon sa dibdib ay dinala niya hanggang sa paglaki. Lumaki siyang rebellious at mailap sa tao. Buti na lang ay nagkaroon pa rin siya ng boyfriend na tumanggap sa mga imperfections niya. Ngunit kung kailan nasa tamang edad na siya at maayos na ang takbo ng buhay, saka naman niya muling makikita si Angelo. Sa pagkakataong iyon, malaki ang problema ng lalaki at nangangailangan ito ng tulong. Napilitan siyang makipagkaibigan muli rito para mapigilan ito sa pagpapatiwakal. Doon niya na-realize na hindi naman talaga nawala ang kanyang pagtingin dito. Sa muli nilang pagkikita, puwede pa kayang maging sila? Kahit alam niyang may ibang masasaktan, kabilang na roon ang current boyfriend niya, pati ang sariling pamilya?
like