bc

IMPOSTORA (Tagalog)

book_age18+
913
FOLLOW
4.7K
READ
revenge
dark
kidnap
friends to lovers
drama
twisted
heavy
serious
lies
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Pinapaslang ni Emily ang sariling kapatid na si Lauren para maangkin ang lalaking kinababaliwan.

Batid niyang hindi siya papatulan ng lalaki sa hitsura niyang iyon na bagamat napakaganda ay walang kasingsama.

Kaya sa pamamagitan ng plastic surgery, pinabago niya ang sarili at ginaya ang anyo ng kapatid.

Sa loob ng mga panahong lumipas, inakala nilang patay na talaga si Lauren.

Ngunit nang gabing iyon, kung kailan gaganapin ang isa sa pinakamalaking selebrasyon sa kanyang buhay, isang panauhin ang dumating at sumindak sa kanila.

Nagulat siya, pati ang lahat ng naroroon, nang masilayan ang isang babae na kamukhang-kamukha ng dati niyang anyo bilang si Emily.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Rich But Unhappy
PAYAPANG nilalaro ni Lauren ang dollhouse sa ibabaw ng kama niya. Sinusuklayan pa niya ang isang manika habang kinakausap na parang tao. “Dapat laging maayos ang hair mo para maganda ka.” Nagbukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito ang kapatid na si Emily. Mapait na naman ang timpla ng mukha nito. “Akin na ‘yang doll na ‘yan!” Lauren refused to give the doll. “Teka lang, ate. Bakit kukunin mo ‘tong akin? Di ba meron ka na?” Mabilis siyang yumakap sa manika na halos kalahati ng laki niya. “Bakit mas mahal ‘yong binili sa `yo ni Mommy? Mas gusto ko ‘yan kaya akin na lang ‘yan!” Nagtangka muli ito na agawin ang manika. “Huwag ate, sa akin binili ito, eh!” Itinago pa ni Lauren sa likod ang manika para hindi ito mahawakan ng kapatid. Nauwi na naman sa away ang pag-aagawan nila sa manika. Halos lahat na lang ng mayroon si Lauren ay nais agawin ng kapatid niya. Agawan ang pangunahing dahilan ng hindi nila pagkakasundo. Sa pinto ay bumungad ang Lola Victoria nila na hawak ang pamaypay. Napadaan lang ito sa palapag na iyon nang marinig ang dalawa. “Ano’ng kaguluhan ito? Bakit nag-aaway na naman kayo?” Biglang umiyak si Emily at lumapit sa matanda. “Si Lauren po kasi, ayaw akong pahiramin ng doll niya. Gusto ko lang naman maglaro.” Tumalim ang mga titig ng matanda kay Lauren. “Bakit naman ayaw mong pahiramin ang kapatid mo?” “Lola hindi po! Siya nga po itong nang-aaway sa akin. Inaagaw pa niya ‘yong doll na binili sa akin nina Mommy.” “Ang sabihin mo, makasarili ka! Binili ‘yan ng mama n’yo para sa inyong dalawa! Bakit sinosolo mo?” “Lola, akin po ito. Mayroon na po siyang ganito di ba? Sa akin po ito binili ni Mommy dahil gusto ko rin ng sarili kong doll.” “At magdadahilan ka pa talaga? Pwes hindi ka kakain mamaya! Mag-isa ka rito! Lamunin mo ‘yang manika mo!” pagkasabi ay sabay na lumabas sina Emily at Donya Victoria. Naiwan si Lauren na tumutulo na naman ang luha. Simula pa man ay mainit na ang dugo sa kanya ng lola nila. Hindi kasi nito matanggap na anak siya ng nanay nila sa ibang lalaki. In short, half-sisters lang sila ni Emily. Erick ang pangalan ng tatay niya. Marvin naman ang pangalan ng tatay ni Emily, anak mismo ni Lola Victoria. Habang ang ina nila ay si Janice. Dalawang taon pa lamang noon si Emily nang pumanaw ang ama nito dahil sa stage four na lung cancer. Akala ni Janice, hindi na ito magiging masaya pa, hanggang sa makilala nito ang lalaking si Erick na nagbigay ng panibagong kulay sa buhay nito. Dahil malayo ang estado ng buhay ni Erick kumpara sa kanila, hindi ito matanggap ni Donya Victoria para maging bahagi ng pamilya nila. Palibhasa magsasaka lang ang lalaki kumpara kay Marvin na lumaki sa karangyaan. Ngunit hindi naging hadlang ang lahat ng mga iyon sa patagong pag-iibigan nina Janice at Erick, hanggang sa isilang ng babae ang pangalawa nitong anak at iyon na mismo si Lauren. Sa ngayon, wala na si Erick sa buhay nila. Tuluyan na itong pinalayas ni Donya Victoria. Tinapalan pa ito ng napakalaking halaga para magpakalayu-layo at hindi na bumalik sa mansyon. Sariwa pa rin kay Janice ang lahat kaya kahit maayos na ang trabaho nito sa ibang bansa ay hindi pa rin ito ganap na masaya. Walang araw na hindi nito iniisip si Erick, kung nasaan na kaya ito at kung ano na kaya ang ganap dito. Hindi na rin lingid sa kaalaman ni Lauren ang istoryang iyon ng kanyang mga magulang. Kaya nga kahit bata pa lang ay natuto nang magrebelde gawa ng hindi magandang trato sa kanya ng lola at kapatid. Noon pa man ay si Emily na lagi ang kinakampihan nito at ito lang din ang itinuturin nitong apo. Kung tratuhin naman siya ng matanda ay daig pa ang katulong. Pagkatapos ngang maghapunan ng dalawa, siya pa ang inutusang maghugas ng pinggan at pinagligpit sa kusina kahit may mga katulong naman sila. Mangiyak-ngiyak si Lauren nang makabalik sa kuwarto. Hindi siya nag-atubiling magsumbong sa ina nang tumawag ito sa VideoMoment. “I’m sorry, baby. Matagal pa akong makakauwi, eh. Don’t worry. Kakausapin ko na lang si lola, ha? Basta behave ka lang d’yan,” anang babae sa kabilang linya. “Pero hindi lang po si lola. Pati rin po si Ate Emily inaaway po ako. Inaagaw po niya ‘yong doll na binili n’yo sa akin.” “Nasaan ba ang kapatid mo ngayon? Papuntahin mo rito at sasabihan ko.” “’Wag na po, Mommy. Baka lalo lang akong awayin. Sana po nandito ka na lang para may kasama ako.” “Baka next year pa kasi ako makakauwi, baby, eh. Marami pa kasing dapat tapusin dito. Saka nasa kalagitnaan ngayon ng terrorist attack ang lugar namin dito US. Kung saan-saan sila sumusulpot. Kamakailan lang nasa airport sila, kaya hindi rin kami basta-basta makakaalis dito ngayon dahil temporary banned lahat ng mga transporation.” Wala nang nagawa si Lauren kundi ang sumunod sa mga payo ng ina. Ibinigay na rin niya rito ang tiwala na kakausapin ang matanda para hindi na siya pagmalupitan. Kaya naman kinabukasan ay tumawag si Janice sa lola nila para pagsabihan ito tungkol sa nangyari. Hindi tuloy naging maganda ang gising niya nang marinig ang bunganga ng matanda. Paglingon niya rito ay umuusok na naman ang ulo ni Donya Victoria. “Nagsumbong ka pa talaga sa nanay mo? Bakit, naghahanap ka ng kakampi? Para sabihin ko sa `yo, hindi ka naman talaga parte ng pamilyang ito! Anak ka lang ng nanay mo sa ibang lalake! Sa isang patapong lalake! Kaya isa ka lang ding patapon dito, naiintindihan mo ba!” pagkasabi ay mabilis na tumalikod ang matanda at binagsak pa ang pinto ng kanyang kuwarto. Tila nalunok ni Lauren ang dila at wala nang mailabas na salita. Humagulgol na lang siya habang nakasiksik sa sulok. Sa murang edad ay nagkaroon na siya ng trauma sa kanyang lola at kapatid. Lagi kasi siyang pinagmamalupitan ng mga ito. Wala siyang kakampi sa bahay lalo na’t nasa ibang bansa ang nanay nila na pinili pa ring magtrabaho kahit mayaman na sila. Ang mga manika lang niya sa kuwarto ang tanging kayakap at karamay niya tuwing maglalabas ng emosyon. SABAY silang kumakain ng kapatid sa dining room. Mayamaya, bigla na lang nitong inagaw ang isang fried chicken sa pinggan niya. “Uy, ate! Bakit kinuha mo ‘yan di ba tig dalawa tayo?” “Kulang pa sa akin ang dalawa, gusto ko tatlo! Mahina ka naman kumain di ba? Kaya kasya na sa `yo ‘yang isa!” “Pero ate, gusto ko rin itong fried chicken. Ibalik mo ‘yan!” Sinubukang bawiin ni Lauren ang manok pero bigla siyang itinulak ng kapatid. Nang marinig nila ang takong ng sapatos ni Donya Victoria, biglang ibinuhos ni Emily sa sarili ang tubig sa baso saka nito ipinagpalit ang pinggan nila. “Ano’ng nangyayari d’yan?” biglang tanong ng matanda pagkarating sa kusina. “What is happening here?” pag-uulit nito. “Si Lauren po, binuhusan ako ng tubig. Gusto niya kasi agawin ‘yong ulam ko,” kunwari’y umiiyak na sumbong ni Emily sa lola. Kapag ganoon na katalim ang titig ng matanda ay hindi maiwasan ni Lauren ang matinding pagkabog ng dibdib. “Sumosobra ka na!” bigla siyang sinabunutan ng matanda. “Sino ka ba para buhusan ng tubig ang iyong kapatid?” “L-Lola… H-hindi po ganoon ang nangyare… Si Emily po ang gumawa n’yan sa sarili niya!” sagot niyang pilit pinipigilan ang pagpatak ng luha. “So, you’re accusing your sister? Kahit kailan talaga, wala kang naidulot na maganda sa bahay na ito! Doon ka kumain sa lamesa ng mga katulong! Umalis ka rito!” Napaiyak na lang si Lauren at sinunod ang utos ng lola. Lihim namang ngumiti si Emily habang pinagmamasdan ang napahiyang kapatid. Panalo na naman ito. Nawalan na ng ganang kumain si Lauren. Ni hindi na niya nagalaw ang pagkain sa pinggan. Napaglipasan na siya ng gutom sa dami ng luhang inilabas. Kung luha na lang kaya ang kainin niya, baka sakaling mabusog pa siya. Nagbalik na lang siyang muli sa kuwarto at maghapong nagkulong. Tulad ng dati, mga manika pa rin niya ang katabi habang nakatanaw sa kisame at nag-iisip kung kailan makakaranas ng pagmamahal sa sariling kapatid at lola. HABANG abala si Janice sa pagbabasa ng mga dokumentong dapat pirmahan ay biglang nabulabog ang tahimik nilang opisina. Huli na nang malaman nilang pinasok na ng malaking hukbo ng terorista ang buong building. Nagsipagtago na lang sila sa ilalim ng lamesa habang isa-isang pinapasok ng mga terorista ang bawat opisina. Lahat ng taong makita nila ay walang awang pinagbabaril. Sinubukan pang manlaban ni Janice sa isang teroristang nakahuli sa kanya sa ilalim ng lamesa kaya apat na bala tuloy ang tumama sa kanya. Dalawa sa ulo at dalawa sa dibdib. Hindi pa nakuntento ang isa. Naghagis pa ito ng bomba sa opisinang iyon na lumikha ng matinding pagsabog. Mabilis na nilamon ng apoy ang buong building. Bilang lang sa daliri ang mga nakaligtas at nakatakas. Halos lahat ng mga empleyado ay patay sa pag-atake ng mga teroristang iyon sa Estados Unidos. Sa araw ding iyon ay nakatanggap ng masamang balita sina Lauren. Tumawag ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Janice sa America at ipinahayag ang buong pangyayari. Kasama raw nasawi sa terrorist attack ang babae. Halos hindi na rin umano makilala ang mukha nito sa tindi ng pagsabog sa opisina. Gumuho ang mundo ng magkapatid, lalo na si Lauren dahil tuluyan na siyang nawalan ng kakampi. Umiiyak silang lahat habang nasa harap ng telebisyon at pinapanood ang balita tungkol sa pag-atake ng mga terorista. Napapikit na lang si Lauren habang rumaragasa pa rin ang mga luha. Hindi na halos niya matitigan nang diretso ang malungkot na balita sa TV. Sino pa ang masusumbungan niya tuwing inaaway siya ng lola at kapatid? Nang iuwi nga sa Pinas ang bangkay ni Janice ay pina-cremate na lang din ito ni Donya Victoria at inalayan ng tatlong araw na burol sa isang memorial home. Nakaupo ang dalawa malapit sa abo ni Janice habang si Lauren ay nasa likuran lang ng mga ito. Ni hindi niya magawang lumapit sa harap dahil ayaw siyang patabihin doon ng matanda. Hanggang sa mailibing si Janice ay lagi lang nasa likod si Lauren. Para bang ayaw siyang isama ng mga ito sa pagluluksa para sa kanilang ina. Sa halip na ang nanay lang ang iiyakan, pati ang pagtataboy sa kanya ng maglola ay iniiyakan din niya. Naging madilim ang buhay ni Lauren sa mansyon mula nang mawala ang ina nila. Araw-araw siyang minamaltrato ng maglola. Hindi na rin siya pinapakain nang maayos kaya kahit bata pa’y natuto nang mag-sideline para may pambili ng sariling pagkain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook