isang simpleng tao na may propesyon bilang isang kusinero at may kaunting nalalaman pag dating sa espiritual kaya nais kong maisulat ay ang mga bagay na tungkol dito sa kabila ng aking mga narinig na kwento.ang ilan sa mga tagpo sa aking kwento ay totoong pangyayari sa totoong buhay na ginawan ko ng kaunting buhay upang maging kapana panabik ang aking istorya
Mark Lester De lima,ang natatanging personalidad sa likod ng di mapapantayang katungkulan at kayamanan.Ngunit pilit na itinatago sa karamihan at pinananatiling mababang personalidad.Palaging inaapi,kinukutya at pinagtatawanan ng karamihan,paano niya ihahayag sa lahat ang kanyang tunay na pagkakakilanlan kung walang naniniwala sa kanyang kakayahan lalo na ang kanyang katayuan sa buhay.Tuklasin ang kanyang mga hakbang kung paano niya mapapanatili ang kanyang matibay na katayuan at pagpapalawig ng kanyang kayamanan upang sakupin ang maraming lugar sa ilalim ng kanyang kapangyarihan at pamumuno ng hindi inilalantad ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.Sa kabila ng maraming pagsubok at makakaharap na maimpluwensiyang karakter,anong mga hakbang ang kanyang gagawin?
Ang storyang ito ay hango sa ibat ibang kakayahan ng lihim na karunungan,mula sa pag gamit ng mga medalyon,libreta mga uri ng gabay at mga buhay na salitang latin.matutunghayan natin ang ibat ibang uri ng mga aswang,engkanto,lamanglupa mga diwata,mga diyos at mga demonyo...Sa hindi inaasahan ang kanyang matinding makakalaban ay ang kanyanf ama na hindi na nakilala ni minsan..ating tuklasin ang ating mundo na puno ng misteryo at kababalaghan..