bc

Lihim na pagkatao

book_age12+
70
FOLLOW
1K
READ
billionaire
powerful
brave
twisted
genius
realistic earth
special ability
like
intro-logo
Blurb

Mark Lester De lima,ang natatanging personalidad sa likod ng di mapapantayang katungkulan at kayamanan.Ngunit pilit na itinatago sa karamihan at pinananatiling mababang personalidad.Palaging inaapi,kinukutya at pinagtatawanan ng karamihan,paano niya ihahayag sa lahat ang kanyang tunay na pagkakakilanlan kung walang naniniwala sa kanyang kakayahan lalo na ang kanyang katayuan sa buhay.Tuklasin ang kanyang mga hakbang kung paano niya mapapanatili ang kanyang matibay na katayuan at pagpapalawig ng kanyang kayamanan upang sakupin ang maraming lugar sa ilalim ng kanyang kapangyarihan at pamumuno ng hindi inilalantad ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.Sa kabila ng maraming pagsubok at makakaharap na maimpluwensiyang karakter,anong mga hakbang ang kanyang gagawin?

chap-preview
Free preview
chapter 1
Sa bahay ng pamilya Ruiz,tatlong babae ang nakaupo sa sofa.Nagpapakita ng kaakit akit na ganda ang mga ito,na kahit na sinuman ang titingin sa kanila hindi maiiwasang hindi mabighani sa mga ito. Isa sa mga ito ay si Jasmine na nasa edad na 21,ang asawa ni Lester na pinaka may maamong mukha sa tatlong kababaihan na nakaupo sa sofa.Kasama nito ang kanyang nakababatang kapatid na kasalukuyang nag aaral sa sekondarya na si Ella. Bagamat nasa murang edad hindi mapagkakamalang high school student lang ito dahil sa katangkaran at hubog na ng husto ang katawan ni Ella. Ang isa naman ay ang kanyang ina na si Liza,bagamat nasa edad na 50's hindi pa rin kumukupas ang taglay nitong kagandahan dahil sa pag iingat nito sa kanyang pangangatawan at lalong lalo na sa kanyang mukha na wala kang mababakas na kulubot na sanhi ng katandaan. Kapag magkakasama ang tatlo mapagkakamalan silang magkakapatid na hindi gaanong nalalayo ang mga edad. Tatlong taon nang kasal sina Lester at Jasmine,ngunit hindi man lamang sila nagtatabi sa higaan.Sa sahig natutulog si Lester sa loob ng tatlong taon.Katulong ang turing sa kanya sa bahay ng mga Ruiz. Pagluluto,paglilinis ng buong bahay na may dalawang palapag,pamamalengke at kung minsan yan utusan kung may mga kailangan ipagawa ang mga ito sa kanya. Samantala habang kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan si Lester narinig niya ang sigaw ng kanyang biyenan na si Liza na tinatawag ang kanyang pangalan kaya agad nitong iniwan ang kanyang mga hugasin upang lapitan ito... "Lester nalabhan mo na ba ang aking damit na isusuot para sa kaarawan ng aking biyenan bukas?" agaran naman ang sagot ni Lester "hindi ko pa natatapos pero ibinabad ko na ito sa sabon at mamaya pagkatapos ko sa hugasin lalabhan ko na ito para matuyo agad" .Napasimangot at umirap na lang ito kay Lester at agad na tumayo at tumungo sa kanyang silid upang ayusin ang iba pang mga gamit na kanyang susuotin sa nasabing okasyon. Si Jasmine ay nagwika ng "kapag tapos mo na ang mga gawaing bahay tumungo ka sa merkado at bumili ng ating pananghalian at isama mo na rin ang pang hapunan.Ubos na ang mga stocks natin kaya kailangan mo na mamili." Agad naman itong kumuha sa kanyang pitaka upang iabot kay Lester ang perang gagamitin sa pamimili.Tumalikod din agad si Lester at tumungo sa kusina upang ipagpatuloy ang kanyang naantalang gawain..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Cheers to Revenge

read
13.3K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
70.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook