Hello! I'm Memilyn, but you can call me Meme or Lyn 💜
I love writing stories about love, obsession, and second chances.
Thank you for reading "The Obsessed Husband".
Please support me by leaving comments and gifts!
Let's grow together ❤️
Walang-wala si Leah Monteverde.Isang maliit na kubo sa gitna ng palayan, kaunting pagkain, at isang buhay na araw-araw niyang ipinaglalaban. Sanay na siyang mag-isa at mabuhay nang walang umaasa sa iba.Hanggang isang maulang gabi, may nakita siyang duguan at sugatang lalaki.Hindi niya alam kung sino ito. Wala itong maalala sa sarili niya, sa pamilya niya, o sa lugar kung saan siya nanggaling. Takot siya sa mundo at kumakapit lamang sa tanging taong pinagkakatiwalaan niya si Leah.Dahil wala itong pangalan, tinawag niya itong Leo.Habang inaalagaan ni Leah ang misteryosong lalaki, hindi niya alam na ang taong nasa harapan niya ay si Axel Dominic Valmont, ang nawawalang tagapagmana ng makapangyarihang Valmont Group na limang buwan nang hinahanap ng pamilya nito.Ngunit hindi lang pagkawala ng alaala ang problema. May mga taong naghahanap kay Axel. May mga lihim tungkol sa pagkawala niya at may isang taong maaaring nasa loob mismo ng pamilya Valmont na ayaw siyang makabalik.Sa simpleng buhay ni Leah at sa mundong puno ng yaman at kapangyarihan ni Axel, isang hindi inaasahang pagmamahalan ang unti-unting mabubuo pero paano kung bumalik ang alaala ni Axel?Paano kung sa araw na maalala niya kung sino siya, makalimutan naman niya kung sino si Leah?At kung maalala niya ang lahat, ipaglalaban ba niya ang pagmamahalang nagsimula bilang Leo at Leah, o pipiliin niyang bumalik sa mundong matagal nang naghihintay sa kanya?WHEN THE POOR GIRL FOUND A BROKEN HEIRA story of nothing and everything.
Pinakasalan ko si Damian De Leon para iligtas ang pamilya ko.Isang kontrata. Isang pirma. Isang buong buhay na kapalit. Hindi ko alam na ang kapalit pala non ay ang kalayaan ko."Pag-aari na kita," malamig niyang bulong habang mahigpit ang hawak sa panga ko."Mula ngayon, bawat hininga mo sakin."Si Damian. Ang asawa kong bilyonaryo.Ang lalaking delikadong mahalin.Ang lalaking mas delikado kung iwan mo.THE OBSESSED HUSBAND: Pag-aari KitaIsang kwento ng obsession, sikreto, at pag-ibig na pumapatay.Hanggang saan mo kayang tiisin ang lalaking nagsasabing mahal ka...habang dahan-dahan ka niyang kinukulong?⚠️ 18+ Content: May mature themes, violence, at dark romance.
"Isang kasal na hindi niya pinili ngunit isang lalaking hindi na niya matatakasan."Mula pagkabata, si Ariana Valencia ay lumaking sunod sa bawat utos ng kanyang mga magulang. Bilang nag-iisang anak ng pamilyang Valencia, wala siyang karapatang tumanggi lalo na ngayong nalulugi ang kanilang kumpanya at baon na sa utang.Upang mailigtas ang kanilang pangalan, ipinagkasundo siya sa pinakamayaman at pinakakinatatakutang CEO sa bansa Zayden Kensington, ang batang billionaire na kilala sa pagiging malamig, walang awa, at hindi kailanman nagtiwala sa pag-ibig.Ngunit may isang kondisyon si Zayden.Ang kasal nila ay mananatiling lihim.Sa harap ng buong mundo, isa lang siyang ordinaryong empleyado. Ngunit sa likod ng saradong pinto ng kanilang mansion, siya ang legal na asawa ng lalaking pinapangarap ng libo-libong babae.Habang unti-unting natututuhan ni Ariana ang tunay na pagkatao ni Zayden, natutuklasan din niya ang madilim na dahilan kung bakit ayaw nitong ipaalam sa lahat ang kanilang kasal. At ng bumalik ang babaeng minsang sumira sa puso ng bilyonaryo, kasabay ng paglitaw ng isang lihim na maaaring magwasak sa dalawang makapangyarihang pamilya, mas lalo pa naging magulo ang kanilang pagsasama.Makakaya bang mahalin ni Zayden ang babaeng hindi niya pinili? O tuluyan niyang sisirain ang pusong handang isugal ang lahat para sa kanya?Sa mundong puno ng kasinungalingan, kapangyarihan, at pagtataksil ang kanilang secret marriage ang magiging pinakamapanganib na sikreto sa lahat.