bc

WHEN THE POOR GIRL FOUND A BROKEN HEIR

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
powerful
heir/heiress
blue collar
drama
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Walang-wala si Leah Monteverde.Isang maliit na kubo sa gitna ng palayan, kaunting pagkain, at isang buhay na araw-araw niyang ipinaglalaban. Sanay na siyang mag-isa at mabuhay nang walang umaasa sa iba.Hanggang isang maulang gabi, may nakita siyang duguan at sugatang lalaki.Hindi niya alam kung sino ito. Wala itong maalala sa sarili niya, sa pamilya niya, o sa lugar kung saan siya nanggaling. Takot siya sa mundo at kumakapit lamang sa tanging taong pinagkakatiwalaan niya si Leah.Dahil wala itong pangalan, tinawag niya itong Leo.Habang inaalagaan ni Leah ang misteryosong lalaki, hindi niya alam na ang taong nasa harapan niya ay si Axel Dominic Valmont, ang nawawalang tagapagmana ng makapangyarihang Valmont Group na limang buwan nang hinahanap ng pamilya nito.Ngunit hindi lang pagkawala ng alaala ang problema. May mga taong naghahanap kay Axel. May mga lihim tungkol sa pagkawala niya at may isang taong maaaring nasa loob mismo ng pamilya Valmont na ayaw siyang makabalik.Sa simpleng buhay ni Leah at sa mundong puno ng yaman at kapangyarihan ni Axel, isang hindi inaasahang pagmamahalan ang unti-unting mabubuo pero paano kung bumalik ang alaala ni Axel?Paano kung sa araw na maalala niya kung sino siya, makalimutan naman niya kung sino si Leah?At kung maalala niya ang lahat, ipaglalaban ba niya ang pagmamahalang nagsimula bilang Leo at Leah, o pipiliin niyang bumalik sa mundong matagal nang naghihintay sa kanya?WHEN THE POOR GIRL FOUND A BROKEN HEIRA story of nothing and everything.

chap-preview
Free preview
ANG LALAKING NATAGPUAN SA ULAN
LEAH MONTEVERDE POV "HOY! BITAWAN NIYO SIYA!" malakas na sigaw ko. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang ilang kabataang lalaki sa gilid ng palayan. Malakas na malakas ang buhos ng ulan at halos wala na akong makitang daan. Halos hindi ko na makita nang maayos ang paligid dahil sa tubig na tumutulo mula sa buhok ko at sa lumang payong na hawak ko na butas-butas na at halos hindi na masangga ang ulan. Basa na ang laylayan ng palda ko at lubog na ang tsinelas ko sa putik, pero hindi iyon ang mas nakakuha ng atensyon ko pero malinaw kong nakita ang isang lalaking nakaluhod sa putikan. Nanginginig ang buong katawan niya at halos hindi na makagalaw. Dugoan ang mukha niya. Hindi lang simpleng gasgas. Basang-basa ng dugo ang gilid ng noo niya at parang sariwa pa ang sugat. May malalim na sugat sa noo, may dugo sa labi na parang pumutok sa lakas ng suntok, at punit-punit ang mamahalin niyang damit na halatang hindi taga-rito. Dalawa sa mga lalaki ang nakahawak sa magkabilang braso niya habang isa naman ang patuloy na sumusuntok sa tiyan niya nang walang awa, na parang walang pakialam kung mamatay man ang lalaki. "Tumigil kayo!" sigaw ko habang papalapit. Nanginginig na ang boses ko pero pinilit kong lakasan para marinig nila ako sa gitna ng malakas na ulan. Napalingon sila sa akin nang sabay-sabay. Halatang nagulat sila na may makakakita sa ginagawa nila sa gitna ng palayan. "Leah, umalis ka rito," sigaw ng isa. Kilala ko siya, taga-kabilang baryo lang at madalas na nagiinuman sa tindahan. "Hindi mo problema ito." "Hindi ko problema?" Napatingin ako sa lalaking halos hindi na makatayo at parang mawawalan na ng malay anumang oras. "Papatayin niyo na siya! Tingnan niyo nga yung ginagawa niyo!" "May utang iyan! Malaki!" sigaw pabalik nung isa pa na mas matapang. "E di pulis ang kausapin niyo! Hindi yong binubugbog niyo nang ganito!" sagot ko habang mas lumalapit pa ako kahit na nanginginig na ang tuhod ko sa takot. Hindi ko kayang iwan lang siya doon na parang hayop. Alam Kong pinagtripan lang nila ang lalaking ito. Napamura ang isa sa kanila at humakbang papunta sa akin nang may pagbabanta. Madilim ang mukha niya at galit na galit. "Gusto mong ikaw ang isunod namin?" pagbabanta niya habang nakakuyom ang kamao. Nanginginig ang kamay ko sa takot at halos mabitawan ko ang payong ko, pero hindi ako umatras. Pinilit kong tumayo nang diretso kahit na basang-basa na ako. Hindi ko siya pwedeng iwan doon mag-isa. "Subukan mo," matapang kong sabi kahit na halos hindi na ako makahinga sa kaba at parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang tapang ko. Siguro dahil nakita kong halos wala nang malay ang lalaki at kawawa na ang itsura niya na parang asong sinasaktan lang. O dahil naalala ko ang sinabi ni Mama noon bago siya nawala, na paulit-ulit na tumatak sa isip ko. 'Kapag kaya mong tumulong, tumulong ka.' "Bitawan niyo siya," mariin kong sabi habang tinitigan ko sila isa-isa. Hindi ako kumurap kahit na takot na takot ako. "Leah!" sigaw ulit nung isa na parang binabalaan ako sa huling pagkakataon. BOOOMM!!! Biglang kumulog nang malakas. Umilaw ang buong langit kasabay ng malakas na kidlat na gumuhit sa kalangitan at saglit na nagpaliwanag sa buong palayan. Sa isang segundo, nagkatinginan ang mga lalaki. Nataranta sila at halatang kinabahan sa lakas ng kulog at sa takot na baka may iba pang makakita sa kanila. "Putang ina, tara na," sabi ng isa habang kabang-kaba na tumitingin sa paligid at sa madilim na bukid. "May makakakita pa sa atin." "Paano yung lalaki?" tanong nung isa pa na nakahawak pa rin sa braso ng lalaki. "Hayaan mo. Mukhang patay na rin yan," sagot ng isa pa at saka siya sinipa nang mahina sa tagiliran na parang basura lang. Parang may humigpit sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Para bang wala silang puso. "Hoy!" sigaw ko sa kanila habang patakbo na silang umaalis. Mabilis silang tumakbo palayo sa kabilang bahagi ng palayan, iniwan kaming dalawa sa gitna ng malakas na ulan at maputik na bukid. Hindi ko na sila hinabol. Wala na akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga, umalis na sila. Agad akong lumuhod sa putikan sa tabi ng lalaki. Basa na rin ako nang tuluyan pero wala na akong pakialam kahit na lumubog na ang buong palda ko sa putik. "Sir?" tawag ko sa kanya habang marahan kong tinatapik ang balikat niya na nanginginig sa lamig. Walang sagot. Nakapikit siya at halos hindi na humihinga. Maputla na ang labi niya. "Hoy. Naririnig mo ba ako?" tanong ko ulit habang mas nilalapitan ko ang mukha ko sa kanya para marinig niya ako sa gitna ng ulan. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Matingkad ang mga iyon kahit halos wala na siyang lakas at puno ng dugo ang mukha niya. Kulay abo na may halong lungkot. Tumingin siya sa akin na parang ako lang ang nakikita niya sa buong mundo sa gitna ng ulan at ako lang ang pag-asa niya. "Please," mahina niyang sabi. Halos pabulong lang at basag na basag ang boses na parang nahihirapan siyang huminga. "Anong nangyari sa iyo?" tanong ko habang sinusubukan kong tingnan ang mga sugat niya at kung saan pa siya may dugo. Hindi siya sumagot. Sinubukan niyang tumayo gamit ang tuhod niya pero agad siyang bumagsak pabalik sa putikan dahil wala na talaga siyang lakas. "Aray!" daing niya nang malakas. Napahawak siya sa tiyan niya na sinuntok kanina. "Shh. Huwag kang gagalaw," sabi ko at mabilis ko siyang inalalayan at hinawakan sa likod para hindi siya tuluyang humiga sa putik. Inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya para hindi siya tuluyang bumagsak at para maramdaman niyang nandito ako. Mainit siya. Sobrang init na parang sinasakluban ako ng lagnat niya kahit na basang-basa siya ng ulan. Nilalagnat yata siya nang mataas at kanina pa. "Kailangan kitang dalhin sa bahay," sabi ko habang pilit ko siyang binubuhat kahit na alam kong mabigat siya. Umiling siya nang mahina. Kahit hirap na hirap na siya, may lakas pa siyang tumanggi at umiling. "Hindi," sabi niya nang mahina pero mariin. "Bakit?" nagtataka kong tanong habang nakakunot ang noo ko. "Hinahanap nila ako," bulong niya habang nakatingin sa direksyon kung saan tumakbo ang mga lalaki. May takot sa boses niya na hindi ko maipaliwanag. Napatingin ako sa direksyong tinakbuhan ng mga lalaki at mas lalo akong kinabahan. Baka bumalik sila. "Mas lalo kang mamamatay dito kapag hindi kita dinala," sagot ko sa kanya. Hindi ko siya pwedeng iwan dito sa ulan, mamamatay talaga siya dito. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Parang hindi niya alam kung dapat niya akong pagkatiwalaan o hindi. Parang sanay siyang walang nagmamalasakit sa kanya. "Hindi kita sasaktan," sabi ko nang mahinahon. Mas malumanay na ang boses ko ngayon, parang kinakausap ko ang isang batang takot. Hindi ko alam kung bakit ko pa kailangang sabihin iyon. Ako na nga ang tumutulong sa kanya pero bakit parang ako pa ang kailangang manuyo at mangako pero pagkatapos ng ilang segundo na pagtitig niya sa mga mata ko, marahan siyang tumango. Pagod na pagod na ang mga mata niya at halos hindi na niya maidilat. Pinilit kong buhatin siya at isampay ang braso niya sa balikat ko para makatayo kami. "Diyos ko," bulong ko nang maramdaman ko ang bigat niya na halos doble ng bigat ko. Halos bumigay ang tuhod ko sa bigat niya dahil mas matangkad at mas malaki siya kaysa sa akin at puro putik pa ang dinadaanan namin. "Ang bigat mo naman," nasabi ko habang hingal na hingal at halos hindi na makalakad. Napasinghap siya nang mapahawak nang mahigpit sa balikat ko dahil sa sakit ng katawan niya at sa bawat hakbang namin. "Sorry," sabi niya nang mahina na parang nahihiya pa siya. "Walang sorry-sorry. Tumayo ka," sabi ko para palakasin ang loob niya at para hindi siya mawalan ng malay. Mahirap ang paglalakad namin dahil madulas ang lupa at malakas pa rin ang ulan. Ilang beses siyang muntik bumagsak at ilang beses ko rin siyang nasalo kaya pareho na kaming puno ng putik mula ulo hanggang paa. Hanggang sa wakas, nakita ko na ang maliit naming bahay sa dulo ng palayan na halos hindi na makita dahil sa dilim at ulan. Luma na ang bubong. May mga butas ang dingding na tinatakpan ko lang ng plastik at sako pero iyon lang ang meron kami at iyon lang ang masisilungan namin ngayon para maging ligtas siya. "Konti na lang," sabi ko sa kanya habang pinipilit ko pa ring maglakad kahit na nangangalay na ang buong katawan ko. Pagdating namin sa bahay, agad ko siyang pinaupo sa lumang kahoy na upuan na halos gumuho na sa kalumaan at sa bigat niya. Kinuha ko ang maliit na first-aid box namin at isang malinis na tuwalya na natira pa at binilad ko pa kahapon. "Masakit ba?" tanong ko habang lumuhod ako sa harap niya para pantayan siya at makita ko nang maayos ang mukha niya. Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin na parang nalilito pa rin at hindi alam kung nasaan siya. "Hoy?" tawag ko sa kanya at marahan kong hinawakan ang kamay niya. Tumingin siya sa akin nang diretso, mata sa mata. "Masakit," sagot niya sa wakas. Halos maiiyak na ang boses niya at nanginginig ang labi. "Okay. Tiisin mo muna," sabi ko at sinimulan ko nang linisin ang sugat niya nang dahan-dahan. Dahan-dahan kong nilinis ang sugat sa noo niya gamit ang basang tuwalya. Pinipiga ko nang dahan-dahan para hindi siya masaktan. Napangiwi siya nang mariin at napahawak sa gilid ng upuan. "Aray," daing niya at napapikit nang mahigpit. "Sorry," sabi ko habang mas dahan-dahan ko pang pinupunasan at hinihipan pa ang sugat niya para mabawasan ang sakit. "Masakit," ulit niya na parang batang nagsusumbong. "Alam ko," sagot ko. Ramdam ko ang sakit niya sa bawat pagngiwi niya at sa bawat paghigpit ng hawak niya sa upuan. Pinunasan ko ang dugo sa pisngi niya at sa labi niya na may sugat din. Mas malinaw ko na siyang nakita ngayon nang matanggal na ang putik at dugo sa mukha niya. Hindi ordinaryong lalaki ang nasa harapan ko. Kahit marumi at duguan siya, makikita pa rin ang matalim niyang panga, maayos na mukha, at mga kamay na parang hindi kailanman nagtrabaho sa bukid. Makinis, maputi, at halatang alagang-alaga. May kakaiba sa kanya. Parang hindi siya bagay sa lugar namin na puro putik at palayan. Parang galing siya sa ibang mundo. "Anong pangalan mo?" tanong ko habang patuloy ko pa ring nililinis ang sugat niya at inaayos ang buhok niyang basa. Tahimik siya. Hindi siya agad sumagot at nakatingin lang sa kawalan na parang malayo ang iniisip. "Hindi mo ba alam?" tanong ko ulit nang mas malumanay. Umiling siya nang dahan-dahan. Mabagal ang pag-iling niya na parang nahihilo pa siya. Napakunot-noo ako. "Hindi mo alam ang pangalan mo?" ulit ko para siguraduhin na tama ang narinig ko. Tumingin siya sa sarili niyang mga kamay na nanginginig. Parang sinusubukan niyang alalahanin ang isang bagay na wala roon sa isip niya at pilit niyang hinahanap. "Hindi ko alam," sagot niya sa wakas. Mahina at litong-lito ang boses niya. Natahimik ako saglit at napatigil sa paglilinis dahil sa sinabi niya. "Pamilya mo? May pamilya ka ba?" tanong ko habang tinititigan ko siya. Umiling ulit siya. Walang bakas ng pag-alala sa mukha niya, puro blangko lang. "Bahay mo? Saan ka nakatira?" tanong ko pa. Wala pa rin. Umiling lang siya ulit at mas lalo siyang naging balisa. "Kaibigan? May kaibigan ka bang pwedeng tawagan?" Wala rin. Kahit anong tanong ko, wala siyang maisagot. Lahat ng tanong ko ay nauuwi sa pag-iling. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o maaawa sa kanya. "Grabe. Sino ka ba?" nasabi ko na lang habang nakatingin sa kanya nang may awa. Hindi siya sumagot. Sa halip, dahan-dahan siyang tumingin sa akin. May takot sa mga mata niya. Isang takot na hindi ko maipaliwanag, parang batang naliligaw na hindi alam kung saan pupunta. "Pwede ka bang umalis?" tanong niya bigla habang nakatingin sa pinto ng bahay ko. Napatigil ako sa pagpupunas ng dugo niya. "Ano?" nagulat kong tanong. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Pag gumaling ako," sabi niya. Mahina ang boses niya pero seryoso at may halong pag-aalala. "Bakit?" tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto niyang umalis agad. "Baka hanapin nila ako," sagot niya. Nanginginig ang boses niya habang sinasabi iyon at parang nanginginig din ang buong katawan niya sa takot. Napatingin ako sa sugat niya. Sa dugong hindi pa tuluyang natatanggal. Sa punit niyang damit na halatang mahal at mamahalin. "May gustong pumatay sa iyo?" diretsahan kong tanong. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Hindi siya sumagot. Bigla siyang napahawak sa ulo niya na parang may biglang sumakit nang matindi at parang may pumipintig sa loob. Napangiwi siya nang sobra at napayuko. "Aray!" sigaw niya na mas malakas kaysa kanina. "Hoy!" nag-alala kong sabi at mabilis ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat para alalayan siya. Muntik siyang mahulog sa upuan kaya mabilis ko siyang hinawakan nang mahigpit para hindi siya matumba sa sahig na kawayan. "Okay ka lang?" tanong ko habang tarantang-taranta na ako at hindi alam kung anong gagawin. Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili niya habang hawak pa rin ang ulo niya. "May naaalala ka?" tanong ko sa kanya nang dahan-dahan at mas mahinahon. Pumikit siya nang mariin. Ilang segundo ang lumipas na tahimik lang kami at tanging ulan lang ang naririnig sa labas at ang malakas naming paghinga. Pagmulat niya, mas lalo akong kinabahan sa nakita ko sa mga mata niya. Mas malalim na takot. Wala siyang galit. Wala ring yabang na inaasahan ko sa isang mayamang mukhang katulad niya. Takot lang ang nandoon na parang nawawalang bata. "Hindi ko alam kung sino ako," sabi niya. Basag na basag ang boses niya at halos maiyak na siya habang sinasabi iyon. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa lalaking walang pangalan, walang alaala at may mga taong gustong pumatay sa kanya na bigla na lang dumating sa buhay ko nang ganito. Pero bago pa ako makapagsalita, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Mahigpit na mahigpit na parang ayaw niya akong pakawalan. Parang takot siyang mawala ako at maiwan siyang mag-isa sa mundong hindi niya kilala. "Please..." bulong niya habang nakatitig sa akin nang diretso at puno ng pagsusumamo ang mga mata. "Bakit?" mahina kong tanong. Hindi ko na alam ang gagawin at parang ako na rin ang matutulala sa takot niya. Tumingin siya sa akin habang nangingilid ang luha sa mga mata niya na kanina pa pinipigilan at ngayon ay tuluyan nang tumulo. "Huwag mo akong iwan," sabi niya. Halos pakiusap na parang bata na nawawala at ako lang ang kilala niya sa buong mundo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.1K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.1K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.2K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.3K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
15.3K
bc

In Bed With Kuya Red

read
55.5K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook