Story By Martine
author-avatar

Martine

ABOUTquote
Aspiring writer, bringing character’s soul into yours. Broken hearts, sad, romantic novels to launch soon.
bc
Prodigal daughter
Updated at Nov 24, 2022, 05:26
From daddy’s girl to prodigal daughter ang kinasadlakan ni Kristina 4 na taon matapos ang malagim na sunog sa hacienda ng kaniyang ama. Pinalayas siya ng gabi ding iyon ng galit na galit na Don sa paniniwalang siya ang may sala. Wala siyang nagawa kundi umuwi sa piling ng ina na isang factory worker na kalaunan ay nagkasakit ng lung cancer. Tinanggap niya ang kapalaran at binaon sa limot ang nakaraan. “Eh di mabuti at wala ng bebot na humahabol sa iyo.” Wika iyon ng kaibigan niyan si Leandro. Wala na si Kristina pag-uwi ni Ricardo mula sa business trip nito sa States. Oo nga naman, pilit niyang iniiwasan everytime na magparamdam ng damdamin ang dalaga sa kanya dahil napakabata pa nito. Ngunit ibayo ang pangungulila niya dito sa ilang taong pagkawalay nito. Paano kung sa pagbabalik nito ay ibang bersyon na Kristina na ang makilala niya? Sapat ba ang pagmamahal upang mapawi ang pait at mabago ang buhay? Sino si Brando sa buhay ng dalaga na siya diumanong tagapagligtas nito?
like
bc
Be my baby
Updated at Nov 8, 2022, 13:55
“What do you think you’re doing?!!” Halos pasigaw na tanong ni Kimberly sa binata dahil halos kaladkarin na siya nito palayo sa umpok ng kaniyang mga kaibigan. “Look at yourself, wearing two piece while flirting with men.” Madilim ang mukhang sagot ng binata sabay salya sa dalaga pasandal sa pader na lalong ikinagalit nito. “Hindi ako nakikipag flirt kahit kanino, and why should I explain myself to you? Tatay ba kita? Of course not!” “Hey, lady. Since your mother married to my brother, you have to behave like Monteverde as long as you are staying here.” “Oww comes from a concerned Uncle, how sweet.” Painsultong komento ng dalaga sabay haplos nito sa magkabilang pisngi ng namumula sa galit na binata. “Watch your mouth, I. Will. Never. be your Uncle.” Matigas ang tinig na saad nito. “Then leave me alone, for God’s sake!” Sabay tulak nito sa matigas dibdib ng binata ngunit ni hind man lang ito natinag bagkus lalo pang inilapit ang katawan nito sa dalaga. Naaamoy na niya ang mabangong cologne at hininga ng binata na siyang nagpabilis sa tibok ng puso niya. Sumabay pa ang mga titig nitong laging nagpapalambot sa mga tuhod niya. ‘Oh, no not now please.’ Pakiusap ng dalaga sa sariling huwag ipahalata ang damdamin sa bayaw ng kanyang ina. Sinalubong niya ang mga titig nito habang nararamdaman ng kamay niyang nasa dibdib nito ang malakas na tibok niyon. Mabilis siya nitong siniil ng halik na labis na ikinabigla ng dalaga.
like