Story By Riza Ramos
author-avatar

Riza Ramos

bc
"My Melody"
Updated at Jul 18, 2022, 02:15
Melody Salvador is a shy type person.Kahit marami sa mga kaibigan niya ang nagsasabing maganda siya mag ayos lang siya hindi niya pinapansin ang mga ito.Ang kanyang ina naman na madalas siyang ayusan ay napapamangha sa tuwing makikita ang kanyang nakatagong ganda.Higit pa roon ay ang kanyang ina lang din ang nakakaalam na may talento siya sa pag awit ngunit ayaw niyang may makaalam nito kahit pa mga kaibigan niya ang kanyang ama at ina lamang ang nakakaalam ng tungkol doon.Marami sa mga kaibigan niya ang nagtatanong kung bakit di siya masyado nag aayos ngiti lang ang isinasagot niya sa paaralan sa tuwing tinatanong siya ng kanilang guro kung ano ang talentong meron siya pagguhit ang talentong meron siya ang isinasagot niya.Napakamahiyain at napaka misteryoso niyang babae ang sabi ng kanyang mga kaibigan minsan pati ang kanyang mga magulang ay nasasabihan siyang sobra na ang kanyang pagiging mahiyain dahil hindi siya nakikilahok sa mga pagtitipon na ginaganap sa kanilang bayan kahit sa kanilang tahanan.Malapit na siyang magtapos ng high school at malapit na ring sumapit ang kanyang kaarawan kung kaya naman abala ang kanyang ina at ama sa pagpaplano bago ang pagsapit nito. Ang hindi alam ni Melody ay ito pala ang simula ng mga pagbabago sa kanyang buhay. Drake scott is a powerful person,A man who owns a lot of properties and prestigeous hotels and restaurants.A man we called a billionaire. Drake is a bussiness man,bussiness that run from his family.His mom and dad pass away beacuse of a car accidents but being just an only son he inherited all of their properties they left. Being a bussiness man is not easy so he is well known as an iron man,not an easy to deal and a man whose temperament is not good enough. Isa si Drake sa mga bigating negosyante na umiikot sa buong mundo upang humanap ng mga lugar na pwedeng pagtayuan ng iba pa niyang mga establisyemento.Kaya naman napadpad siya kung saan naman nakatira si Melody. Malapit sa lugar kung saan nakatira ang pamilya ni Melody ay itinatayo ang isang malaking establishment kung saan nagtratrabaho ang kanyang ama bilang isang mahirap na mangagagawa. Palaging pinapasyalan ni Drake ang lugar dahil na rin sa mga magagandang tanawin dito at siya din ang namamahala sa itinatayong negosyo dahil na rin sa hands on siya sa mga proyektong pagmamay ari niya at ayaw niya ng mga palyadong gawa at mabusisi siya sa mga materyales na ginagamit sa proyekto. Pagtapos ng pag iimpeksiyon sa mga materyales at pakikipag usap sa mga mangagawa ay minabuti na ring umalis ni Drake at bumalik sa hotel na tinutuluyan pansamantala habang inaasikaso ang proyekto niya sa lugar.Ngunit habang pauwi ay naisipan niyang mamasyal pansamantala kaya naman diretso siyang pumunta sa isang lugar kung saan madalas niyang puntahan noong bata pa siya kasama ang ama at ina upang mag picnic.Isa sa mga dahilan kung bakit naisipan niyang magtayo sa nayon na iyin ng kanyang negosyo ay upang tuparin ang pangarap ng kanyang ama na makapagpatayo ng isang magandang establishment para sa mga nais mamili at mamasyal kung kaya naman marami siyang kinausap na pwedeng maging partner sa negosyong kanyang itatayo. Nakaplano na ang lahat tungkol sa negosyong iyon na kanyang itatayo mula sa kanyang ama kung hindi lang sana ang mga ito namaalam ng maaga. Pagdating sa lugar ay napansin ni Drake na may nakatagong gitara sa itaas ng puno kung saan madalas nilang tambayan noon ng kanilang pamilya.Kaya naman nilapitan ni Drake ang puno at kinuha ang gitara.Napatitig at napaisip si Drake kung sino ang nag iwan ng gitara sa itaas ng puno sa lugar na madalas nilang tambayan noon ng kanyang pamilya. Napapaisip pa si Drake kung sino pa ang nakakaalam ng lugar na iyon bukod sa kanilang pamilya dahil ang lugar at lupain na iyon ay binili na ng kaniyang ama at isa sa private property nila bagamat walang silang itinayong bahay pero may kubo malapit doon na siyang silungan nila kapag gusto nilang magpahinga,ngunit bukod sa kanila ay wala na siyang maisip na nakakaalam ng lugar na yun bukod sa kanya bagamat nagtataka ay isinantabi nalamang iyon ni Drake.Hawak ang gitara ay inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng lugar wala itong ipinagbago bukod sa alaga ito sa paglilinis ng naatasan nilang tagapaglinis at tagapag alaga ng lugar ang kaibigan ng kanyang ama na si mang Sonny ang namammahala sa kalinisan ng lugar at wala siyang masabi sa kaibigan ng kanyang ama dahil napanatili nitong malinis ang lugar .Bagamat nagtataka kung kaninong gitara ang natagpuan niya sa itaas ng puno ay minabuti niyang ibalik na lamang ito sa pinagkakalagyan nito naisip niyang baka kay mang sonny ang gitara at mukhang mahilig sa musika si mang Sonny ngunit kapansin pansin na tila alagang alaga ang gitara at parang may mali dahil parang hindi ito pagmamay ari ni mang sonny base na rin sa itsura nito nakita niyang tila may papel na nakatago sa loob ng gitara kung kayat lakas loob niyang kinuha at binasa, My Melody. Till I met you Melody napangiti ito.
like
bc
The Bartender
Updated at Jul 16, 2022, 08:43
Si Scarlett Heather ay isa sa may ari ng sikat na Resto Bar sa Maynila.Isa sa mga mamahaling Resto Bar sa mundo ang Heather,katunayan mga mayayaman at may mga kaya lamang sa buhay ang nakakapasok sa lugar na yun lalo na at mahigpit ang panuntunan sa Heather Resto Bar nasa center of attraction din ito dahil na rin sa ganda ng pagkakadisenyo sa istruktura ng Heather Resto Bar,at impluwensya ng ama at mga kapatid ni Scarlett na isa rin sa mga bigating Negosyante sa ibat ibang bansa,yun nga lang walang nakakakilala sa kanya maliban sa mga guro at malalapit na kaibigan at kamag anak sa kadahilang prinoprotektahan siya ng kanyang ama at mga kapatid mula sa mga kalaban nila sa negosyo kaya ilan lang ang nakakaalam na may babae sa pamilya ng mga Heather bukod sa kanyang ina at lola. Kaya naman ng maatasan siya ng kanyang ama na siya munang mamahala sa negosyo ng kuya niya ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin sa kadahilanang kailan ng sister in law niya ang kuya niya dahil sa nalalapit nitong panganganak.Lima silang magkakapatid Si Tristan ang panganay sinundan ni Sergio pangatlo si Timothy Pang apat si Skyler ang siya ang hunso sa mga Heather nag iisang anak ang kanyang ama na si Tyron Heather ng kanyang Lola Sylvia At lolo Tyson kaya naman ang kanyang ama ay ginustong magkaanak ng marami at isa na rito ang magka anak ng babae. Si Tristan ay nakapangasawa ng Modela na si Shein habang ang ilan pa sa kanyang mga kapatid ay single dahil na rin sa pagka busy sa negosyo at di pa nakikita ang kanilang true love at ganun din si Scarlett. Pansamantala lang ang kanyang gagawing pagmamanage ng isa sa mga negosyo ng kuya Tristan niya dahil nag file lang siya ng kanyang vacation leave sa hospital na pinagtratrabahuan niya sa 3yrs na pagtratrabaoho sa hospital ay ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na mag file ng leave dahil na rin sa hiling ng kanyang ina at kapatid sa kanya. Di na bago sa kanya ang gawain sa Resto dahil pamilyar siya sa bagay na iyon lalo na sa pag mimix ng alak dahil nagpapa kitang gilas sila noong magkakapatid sa kanilang ama kung paano mag mix ng masarap na inumin na siya namang titikman ng kanyang ama tuwing may pagkakataon na nagaaya ang kanyang ina na mag family time noong mga bata pa sila kaya naman hilig niya ang mag mix ng mga drinks na siya ring hilig ng kuya tristan niya at madalas na siya ang nananalo dahil na rin sa gusto ng ama niya ang lasa ng mga mix drinks na tinitimpla niya kaya naman ang kuya niya palaging sa kanya nalapit at kumukuha ng bagong ideya sa mga drinks na pwede nilang ilagay sa menu. Masaya siya at nabuhay siya kasama ang isang masayang pamilya at mga kapatid kahit na paminsan minsan nalang sila kung magkita kita dahil na rin sa pag ka busy sa kanya kanyang gawain sa negosyo at trabaho. Pagpasok ng Resto Bar ay kaagad siyang nagtrabaho tumulong siya sa pagmimix ng mga inumin.Habang busy sa pagmimix ng mga inumin di niya namalayan ang paglapit ng isang customer sa kanya at nag order na mix drinks na ginagawa niya.Tiningnan niya ang lalaking customer paitaas mula dibdib hanggang mukha nagulat siya ng makilala ang lalaki isa ito sa mga kilalang bigating businessman at partner ng kuya niya sa isang negosyo patungkol sa langis.Nanlalaki ang mga matang yumuko siya at nagbaba ng tingin at nag focus sa pagkuha ng drinks na order nito.Ito rin ang nakabanggaan niya sa hallway galing sa opisina ni Segio nung isang araw.Napakagat labi si Scarlett sana lang di siya makilala nito dahil nakakahiya nag nagyaring ingkwentro nila ng lalaking ito.Kung malalaman lang ng kuya niya kung ano ang naganap sa kanila paglabas niya ng opisina ng kuya niya malalagot siya sa nakatatandang kapatid niya. Nahihiyang inabot niya dito ang order nito at nagmamadaling umalis at ipinagkatiwala muna sa tauhan ng kuya niya ang ginagawa. Nagpunta siya ng Ladies Room at nangangatog na naghilamos.Habang nakatitig sa salamin ay kinakausap ni Scarlett ang sarili.Bakit nandito siya ang dami namang ibang maiinuman bakit dito pa nakakainis naman paano kung makilala niya ako.Napapasimangot na lumabas nalaang ulit si scarlett ng Ladies Room para lang magulat ng may biglang humatak sa kanya papasok ulit ng Ladies Room at ipinasok sa loob ng nakabukas na cubucle. Nagulat siya ng makita kung sino ang humatak sa kanya papasok sa Ladies Room walang iba kundi ang lalaking ayaw niyang makita at iniiwasan niya ang siya ring kaharap niya ngayon.Ipinikit ni Scarlett ang mga mata iniisip na baka namamalikmata lang siya dahil sa kakaisip sa lalaaking kaharap niya pero pagdilat niya ang lalaking kaharap niya ay nakangiting nakatunghay sa kanya.Piping napahiling si Scarlett na sana ay lamunin na siya ng buhay ni Lord ng sa gayon ay makawala siya mula sa lalaking kaharap sana bumuka ang lupa at lamunin nalang siya oh kaya ay maglaho sa harap ng lalai ngunit alam niya imposibleng mangyari ang hinihiling niya kaya naman nakipagtitigan na lamang siya sa lalaking kaharap at saka kumurap kurap.Anong plano nito sakin God help me!!!
like