bc

The Bartender

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
fated
pregnant
twisted
sweet
mystery
poor to rich
virgin
love at the first sight
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Scarlett Heather ay isa sa may ari ng sikat na Resto Bar sa Maynila.Isa sa mga mamahaling Resto Bar sa mundo ang Heather,katunayan mga mayayaman at may mga kaya lamang sa buhay ang nakakapasok sa lugar na yun lalo na at mahigpit ang panuntunan sa Heather Resto Bar nasa center of attraction din ito dahil na rin sa ganda ng pagkakadisenyo sa istruktura ng Heather Resto Bar,at impluwensya ng ama at mga kapatid ni Scarlett na isa rin sa mga bigating Negosyante sa ibat ibang bansa,yun nga lang walang nakakakilala sa kanya maliban sa mga guro at malalapit na kaibigan at kamag anak sa kadahilang prinoprotektahan siya ng kanyang ama at mga kapatid mula sa mga kalaban nila sa negosyo kaya ilan lang ang nakakaalam na may babae sa pamilya ng mga Heather bukod sa kanyang ina at lola.

Kaya naman ng maatasan siya ng kanyang ama na siya munang mamahala sa negosyo ng kuya niya ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin sa kadahilanang kailan ng sister in law niya ang kuya niya dahil sa nalalapit nitong panganganak.Lima silang magkakapatid Si Tristan ang panganay sinundan ni Sergio pangatlo si Timothy Pang apat si Skyler ang siya ang hunso sa mga Heather nag iisang anak ang kanyang ama na si Tyron Heather ng kanyang Lola Sylvia At lolo Tyson kaya naman ang kanyang ama ay ginustong magkaanak ng marami at isa na rito ang magka anak ng babae.

Si Tristan ay nakapangasawa ng Modela na si Shein habang ang ilan pa sa kanyang mga kapatid ay single dahil na rin sa pagka busy sa negosyo at di pa nakikita ang kanilang true love at ganun din si Scarlett.

Pansamantala lang ang kanyang gagawing pagmamanage ng isa sa mga negosyo ng kuya Tristan niya dahil nag file lang siya ng kanyang vacation leave sa hospital na pinagtratrabahuan niya sa 3yrs na pagtratrabaoho sa hospital ay ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na mag file ng leave dahil na rin sa hiling ng kanyang ina at kapatid sa kanya.

Di na bago sa kanya ang gawain sa Resto dahil pamilyar siya sa bagay na iyon lalo na sa pag mimix ng alak dahil nagpapa kitang gilas sila noong magkakapatid sa kanilang ama kung paano mag mix ng masarap na inumin na siya namang titikman ng kanyang ama tuwing may pagkakataon na nagaaya ang kanyang ina na mag family time noong mga bata pa sila kaya naman hilig niya ang mag mix ng mga drinks na siya ring hilig ng kuya tristan niya at madalas na siya ang nananalo dahil na rin sa gusto ng ama niya ang lasa ng mga mix drinks na tinitimpla niya kaya naman ang kuya niya palaging sa kanya nalapit at kumukuha ng bagong ideya sa mga drinks na pwede nilang ilagay sa menu.

Masaya siya at nabuhay siya kasama ang isang masayang pamilya at mga kapatid kahit na paminsan minsan nalang sila kung magkita kita dahil na rin sa pag ka busy sa kanya kanyang gawain sa negosyo at trabaho.

Pagpasok ng Resto Bar ay kaagad siyang nagtrabaho tumulong siya sa pagmimix ng mga inumin.Habang busy sa pagmimix ng mga inumin di niya namalayan ang paglapit ng isang customer sa kanya at nag order na mix drinks na ginagawa niya.Tiningnan niya ang lalaking customer paitaas mula dibdib hanggang mukha nagulat siya ng makilala ang lalaki isa ito sa mga kilalang bigating businessman at partner ng kuya niya sa isang negosyo patungkol sa langis.Nanlalaki ang mga matang yumuko siya at nagbaba ng tingin at nag focus sa pagkuha ng drinks na order nito.Ito rin ang nakabanggaan niya sa hallway galing sa opisina ni Segio nung isang araw.Napakagat labi si Scarlett sana lang di siya makilala nito dahil nakakahiya nag nagyaring ingkwentro nila ng lalaking ito.Kung malalaman lang ng kuya niya kung ano ang naganap sa kanila paglabas niya ng opisina ng kuya niya malalagot siya sa nakatatandang kapatid niya. Nahihiyang inabot niya dito ang order nito at nagmamadaling umalis at ipinagkatiwala muna sa tauhan ng kuya niya ang ginagawa.

Nagpunta siya ng Ladies Room at nangangatog na naghilamos.Habang nakatitig sa salamin ay kinakausap ni Scarlett ang sarili.Bakit nandito siya ang dami namang ibang maiinuman bakit dito pa nakakainis naman paano kung makilala niya ako.Napapasimangot na lumabas nalaang ulit si scarlett ng Ladies Room para lang magulat ng may biglang humatak sa kanya papasok ulit ng Ladies Room at ipinasok sa loob ng nakabukas na cubucle.

Nagulat siya ng makita kung sino ang humatak sa kanya papasok sa Ladies Room walang iba kundi ang lalaking ayaw niyang makita at iniiwasan niya ang siya ring kaharap niya ngayon.Ipinikit ni Scarlett ang mga mata iniisip na baka namamalikmata lang siya dahil sa kakaisip sa lalaaking kaharap niya pero pagdilat niya ang lalaking kaharap niya ay nakangiting nakatunghay sa kanya.Piping napahiling si Scarlett na sana ay lamunin na siya ng buhay ni Lord ng sa gayon ay makawala siya mula sa lalaking kaharap sana bumuka ang lupa at lamunin nalang siya oh kaya ay maglaho sa harap ng lalai ngunit alam niya imposibleng mangyari ang hinihiling niya kaya naman nakipagtitigan na lamang siya sa lalaking kaharap at saka kumurap kurap.Anong plano nito sakin God help me!!!

chap-preview
Free preview
The Bartender
Chapter 1 Miss nakikilala mo pa ba ako? tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Hindi ko man lang alam kung anong pangalan ng babaeng nagnakaw ng halik sakin o kung sino man siya bakit niya ako hinalikan kaya naman ipinahanap ko sa mga tauhan ko kung sino ang babaeng yun dahil ilang gabi din akong di pinatulog ng panandaliang halik na yun mula sa babaeng di ko akalain na dito ko lang pala matatagpuan.Sumasakit na ang ulo ko sa kakasigaw sa mga tauhan ko dahil isang babae lang di pa mahanap isa pang dahilan kung bakit di siya mahanap ng mga tauhan ko ay dahil burado na ang nangyaring insidente sa cctv footage ng pinangyarihang kumpanya ni Sergio na kahit si Sergio na matalik kong kaibigan at kasosyo sa negosyo ay hindi alam kung paanong nabura ang isa sa mga cctv footage nang araw ding iyon gusto ko sana siyang sundan nung araw na yun ngunit may mahalaga kaming dapat pag usapan ni Sergio kaya naman di ko naisip na habulin pa siya sa ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa akin isa pa sanay na rin ako na napapalibutan ng mga babae at nananakawan ng halik pero sa pisngi lang yun pero ang babaeng kaharap ko ngayon ay sa labi ako hinalikan kaya naman nagulo ang utak ko lalo na ng matitigan ko ang mukha niya.may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag at palaging bumabalik sa alala ko ang ginawa niyang paghalik sa akin.Kaya naman ng makita ko siya isang tingin lang nakilala ko kaagad siya lalo na ng makita ko kung ano ang ginawa niyang pag iwas sa akin kaya naman hinintay ko siyang lumabas ng Ladies Room at hinatak din pabalik ng matiyak kong siya lang ang tanging nasa loob. Habang tinititigan ko siya lalo akong nagtataka sa ikinikilos niya tila takot na takot siya dahil sa panginginig niya ramdam ko yun dahil hawak hawak ko ang mga braso niya ngunit mas naaaliw ako lalo sa kanya sa pagpikit niya ng ilang ulit at panlalaki ng mga mata iniisip siguro niya na nananaginip siya at magugulat na totoong nasa harapan niya ako kaya naman napangiti ako sa kanya. Miss,tinatanong kita naaalala mo pa ba ako?,nakangiti kong tanong sa kanya. ahm, Mister pwede po bang bitawan niyo po muna ako medyo napahigpit po kase ang hawak niyo sakin. binitawan ko ang hawak kong mga braso niya di ko namalayan na hawak ko pa rin pala siya. Sasagutin mo na ba ang tanong ko?,nakangisi kong saad. Ah, kase pasensya kana nadamay kapa sa kagagahan ko di ko rin alam kung bat ko yun ginawa saka nakalimutan ko na yun. Pasensya na talaga... Alam kong sincere siya sa sinasabi niya pero interesado ako kung anong dahilan kung bakit niya yun ginawa. kaya naman tinanong ko ulit siya. Bakit mo yun ginawa?,seryoso kong tanong sa kanya. ahm, ah eh kase, ah pwede bang wag mo ng itanong kahit curious ka kung bat ko yun ginawa mag sososorry nalang ako ng paulit ulit oh kahit bayaran ko nalang yun kung mahalaga sayo ang halik na yun kase ayoko ng pag usapan pa ang kagagahan ko ng araw na yun. Natulala ako sa sagot niya lalo na ng sabihin niya babayaran niya nalang ang halik na ninakaw niya sakin. Miss,mukha ba akong nanghihingi ng bayad ng dahil lang sa halik? Ah kase wala akong maisip na gawin para makabawe sa ginawa ko. Siya lumabas na tayo by the way kukunin ko ang number mo para kung may maisip na akong pwede mong gawin kapalit ng ninakaw mong halik ay matatawagan kaagad kita. ha!! ok cge here.. Lumabas na kami ng Ladies room pagkatapos niyang ibigay ang cp no. niya.Umupo naman ulit ako at uminom habang pinapanood ko siya sa ginagawa niyang pag mimix ng mga drinks medyo naaasiwa ata siya sa ginagawa ko kaya naman nag paalam na ako at nagbayad ng bill sa counter. Nasa loob na ako ng Kotse ng tingnan ko ang cellphone ko number lang ang nahingi ko hindi ko man lang naisip na itanong ang kung anong pangalan ng babaeng yun na sa unang pagkakataon ay pinagtuunan ko ng pansin at nakapukaw ng interes ko kaya naman The Bartender ang nilagay kong contact name niya at napangiti ako dahil now lang ako naka engkwentro ng babaeng marunong sa pagmimix ng alak isa pa sa dagdag isipin ko kung dun ba siya nagtratrabaho dahil di ko naman siya nausisa ptungkol dun isa pa saglit lng din kaming nakapag usap. Chapter 2 Tinamaan na ng lintik,kakauwi ko lang ng bahay pagkatapos ng trabaho ko sa bar ay hinang hina kong ibinagsak ang katawan ko sa kama ko at napabuntung hininga at naisip ang nangyaring engkwentro namin ni Reyleigh Scott Zimmerman.Napapaisip ako kung ano ang gagawin ko kung sakaling may hilingin siyang kapalit na hindi ko maibigay.Di ko makalimutan ang pagkapahiyang nararamdaman ko sa harapan niya lalo na nung tinititigan niya ako dahil alam kong mukha akong tanga sa pinaggagagawa ko sa Ladies Room kanina ramdam ko rin na ramdam niyang nanginginig ako kaya siguro napapangiti nalang siya sakin. Argh, Scarlett ano ba kasing katangahan ang pumasok sa utak mo at hinalikan mo ang taong yun,pagtutungayaw ko sa sarili ko habang sinasabunutan ang sarili kong buhok. Si kuya Sergio talaga ang punot dulo ng lahat ng ito.Ang lalaking yun siya ang dahilan kung bakit ko nagawa yun. At Sergio's office... Scarlett my dear sister what are you doing here!! Kuya Sergio what do you think you're doing?? what did I do this time? You know what am I talking about .. Oww is this about you're blind date? what else do you think rather than that at susugod ako dito sa office mo. Scarlett Im just giving you a chance to have a date as far as I know you're still single and never had a boyfriend are you a saint? So what if I dont have any??at hindi ako santo wala lang talaga sa date or anything na tungkol sa pag boboyfriend ang utak ko ngayon dahil busy ako sa mga pasyente ko.. Yun na nga eh daming nanliligaw sayo di mo naman pinapansin saka isa pa tingin ko naman pasado sa standards mo ang bestfried kong yun nagkita na kayo nun dati nung mga bata pa tayo bago siya magtungo ng ibang bansa para mag aral at sa tingin ko magkakasundo kayo tulad noong maliliit pa tayo. Pero kahit na kuya Sergio naman eh..Nagdadabog na umupo ako sa sofa na naroon sa loob ng office niya at nakabusangot na nakatingin sa kanya. Scarlett its alright ang makipag blindate at hindi naman malaking kawalan sayo yun isa pa kilala ko ang taong yun di ka gagawan ng masama nun dahil sinabi ko sa kanya na malapit ka sakin at wag kang mag alala di ko sinabi sa kanya na kapatid kita kaya wala kang dapat na ikabahala. Bakit mo ba kasi ito ginagawa kuya Sergio do you think Im a joke to you? Of course not Scarlett all i want is for you to experienced to be inlove.. And specially for you to experienced to have your first kiss first touch and anything that you have'nt experienced yet.. WHATT!!! Kuya!! how could you do this to me you dont have to do that because this time I can do my first move no matter what i can have that experienced to be kiss not with the man that you want me to get along.Nagdadabog na lumabas ako ng office ni kuya Sergio habang naririnig ko pa rin ang halakhak niyang nakakaloko ng makita kong di ko dala ang purse ko ay bumalik ako at nakita kong hawak na ito ng kuya Sergio ko. Looking for this!! here!! sabay abot sakin ng purse ko. oww by the way dont put it in your heart everythings gonna be fine,sabay tawa na lalo kong ikinainis. Paglabas ko ng office ni kuya Sergio nakasalubong ko si Reyleigh Scott sino ba naman ang hindi nakakakilala sa sikat na negosyante sa kalakalan ng langis na si Reyleigh Scott Zimmerman halos lahat yata ng mga doctora na katrabaho ko siya ang laging bukambibig at updated lagi sa mga nangyayari sa buhay niya dami na ngang magazine sa shelf ng mga kasamahan ko na puro mukha niya ang naka imprenta.Kaya naman nang magkaharap kami ay walang sabi sabing hinalikan ko siya.Sabay nagmamadaling umalis, ng maisip kong nakunan ng cctv ang ginawa ko ay binura ko ang lahat ng cctv footage kung saan kita ako para di niya ako makilala pero syempre ginawa ko yun ng wala akong makitang bantay lalo na at timing din na lunch break at nasa cafeteria ang ilan sa mga empleyado. Chapter 3 Nagising ako ng tumunog ang cellphone ko pangalan ni kuya Sergio ang nakasulat kung kaya't di ko sinagot at bumalik ulit sa pagkakahiga.Pero wala yatang balak tumigil ang kuya ko na tawagan ako hanggat di ko sinasagot kaya naman napilitan akong sagutin ang tawag niya kahit na antok na antok pa ako dahil sa duty ko kagabi sa Resto Bar ni kuya Tristan. Why!!! inis kong tanong,habang nakapikit pa ang mga mata. Wag mong kalimutan ang date niyo ng bff ko dahil malilintikan ka sakin. Asik niya sakin sa boses na nag uutos. Fine! I will do my best to make him fall for me para di mo na ako kinukulit diyan na magka boyfriend,pero sa isip isip ko napangiti ako dahil wala talaga akong balak na siputin ang kaibigan niyang di ko na maalala ang mukha kahit pa sinabi na niyang nagkita na kami ng bestfriend niya noong mga bata pa kami. Im relieved then,buy the way dont talk too much about me with him just enjoy yourself with him and start to getting to know each other I'm counting on you dont make fun of me am I clear Scarlett?? Yes! kuya let me sleep Im tired I want to go back to bed if you really want me to come. Alright then take a rest.. end of call. Nagising ako ng alas otso na ng gabi kaya naman nagmamadali akong nag ayos ng sarili ko para maghanda sa pagpunta sa Resto Bar.Dumaan lang ako sa isang malapit na bilihan ng fastfood para magtake out ng pagkain para makakain ako kahit paano habang nagmamaneho isang burger at drinks lang ayos na ako kahit paano malamnan lang ang tiyan ko dahil umaga pa ang huli kong kain dahil sa haba ng tulog ko simula pa nung umaga.Kaya naman habang nasa biyahe ay panay ang kain ko habang nagmamaneho ng kotse. Pagpasok sa loob ng Resto Bar ay nakita kong marami rami na rin ang customer.Inikot ko ang paningin ko sa lahat ng sulok ng bahagi ng Resto Bar nagbabakasakaling baka naroon muli si Reyleigh pero hindi ko ito nakita kaya naman lihim na natuwa ako dahil iniisip ko pa lang kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling hingin na nito ang kapalit ng halik na ninakaw ko rito.Iniisip ko rin kung ano ang pwedeng hingin nitong kapalit dahil sa ginawa ko dito.Napapadasal nalang ako na sana ay hindi ganun kabigat ang hingin nitong kabayaran sa nagawa ko at sana kaya kung ibigay.Pakiramdam ko kasi may hindi magandang mangyayari kapag nagkita kami kaya malaking ginhawa sa akin ang hindi niya pagsulpot sa Resto Bar dahil ibig sabihin lang nun ay malaya akong makakagalaw ng wala ang presensya niya.Naiilang kasi ako sa pagtitig na ginagawa niya sa tuwing nasa counter siya naka upo at nakatunghay sa ginagawa ko at madalas na magtama ang mga mata namin sa tuwing mapapalingon ako sa kanya kaya pakiramdam ko sinisilaban na ako ng apoy sa sobrang init ng pagtitig niya dahil nag iinit din ang mga tenga at pisngi ko sa ginagawa niya lalo na kapag naalala ko ang kagagahang ginawa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook