Mas gusto ko lang magsulat upang maging imortal. Grade 10 student ako nang magsimula akong magsulat ng aking mga ideya.
Hanggang sa nagkaroon ako ng cellphone na katulong ko sa pagsusulat hanggang ngayon.
Ito ang kwento ni Hermie Sangrenes, na nakatira sa nayon ng Asurre. Ang pinakamamahal niyang tao ay ang kanyang Lolo Arturo, na kasama niyang lumaki na naglalaro at naging kaibigan nang sa kasamaang palad, namatay ito sa sakit sa puso, kaya nagbago ang lahat para kay Hermie. Gayunpaman, naniniwala siya na hindi siya pababayaan ng kanyang lolo. Alam niyang may iniwan ang kanyang lolo na kailangan niyang hanapin, ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula. Hanggang isang araw, pumunta siya sa bahay ng kanyang yumaong lolo, at doon niya natuklasan ang isang bagay na makakatulong sa kanya na mahanap ang lihim na regalo ng kanyang lolo Arturo.