Ako si Johnrey Rodriguez Grade 12 Gas Student/18 year old Filipino male writer. Nagsimula akong magsulat year 2018, natatandaan ko pa iyon. Noong panahon na iyon ay puro mga tula lang ang sinusulat ko at tamang post lang sa Fb. Na-inspired kasi ako sa isa kong kaklase dahil nagsusulat siya ng tula kaya sa sobra kong pagkaingit ay sinubukan ko rin. Hindi ko inaasahan talaga na kaya ko rin pala ang kaya niya. Nakapagsulat ako ng tula at nailapat ko rin doon ang aking mga nararamdaman. Madalas akong makatanggap ng papuri mula sa aking mga kaklase, kaibigan at mga guro. Iyon ang dahilan kung bakit ako lalong ginanahan magsulat at magpatuloy. Ngunit sa sobra kong pagkaadik sa writing ay bumaba rin ang aking mga grado kaya nadismaya ang mga magulang ko sa akin.
Bakasyon noon, madalas pa rin akong magsulat hanggang sa makita iyon ng pamilya ko na puro ganoon lang ang aking ginagawa. Pinagbawalan nila ako magsulat. Sinabi nila sa akin na wala raw kuwenta ang pagsusulat ko. Wala raw pera akong makukuha sa mga pinaggagawa ko. Tigilan ko na raw ang aking gawain. Sobrang sakit iyon para sa akin. Umiyak ako nang umiyak noong panahon na iyon. Simula ng pangyayaring iyon ay natakot na ako sa kanilang magpakita na nagsusulat ako. Kaya ang aking naisip na paraan makapagsulat lamang ay ang pagtago sa kanila. Lihim akong nagsusulat. Nagsusulat ako sa kabila naming bahay dahil walang tao roon. Sa tuwing pupunta sila roon ay bigla kong itinatago ang mga papel at lapis na gamit ko sa pagsusulat. Masakit lang kasi dahil hindi man lang nila ako kayang suportahan sa aking hilig. Sa aking talento. Sa ngayon ganoon pa rin ang aking ginagawa. Tago sa pagsusulat.
2019
Ito ang taon kung saan nakilala ko ang isa sa mga nagturo at nagpakilala sa akin kung paano magsulat ng prosa. Siya si Edcel siya ang nagmentor sa akin. Lagi niyang itinatama ang mga mali ko. Lagi niyang hinahanap ang mga butas sa aking akda. Dito ako unti-unting natuto. Ngunit noong panahon na ito ay kasagsagan ng aking pag-aaral kaya nagpahinga muna ako sa writing. Isa pa\'t nagkasakit din ako rito ng Insomnia. Ang hirap pala magsulat kapag lutang? Pero kahit nag-aaral ako ay hindi ko pa rin kinakalimutan ang writing. Madalas akong magresearch upang lalo pa akong matuto about sa writing. Marami pa akong kailangang tuklasin.
2020
Ito na ang taon ngayon. Sobrang nagpapasalamat ako ngayon kay God kasi binigyan niya ako ng pagkakataong matuto kung paano magsulat ng nobela. Sa ngayon, kasalukuyan akong nagsusulat ng aking nobelang may pamagat na "Mayumi". Napakaswerte ko dahil ang luwag ngayon ng aking oras. Nagkapandemic man ngunit hindi ko sinayang ang bawat oras at panahon na lumilipas. Nakapagsusulat na ako ngayon ng maayos. Matatapos na rin itong aking kuwento na sinusulat. Isa itong Historical Fiction dahil hilig ko talaga ang kasaysayan kaya ito ang aking napiling genre.
Si Juan Asuncion Rodriguez ay isang estudyanteng tamad at burara sa lahat ng bagay. Tamad siya pumasok, tamad magreview, tamad sa lahat ng bagay. Papasok lamang siya sa paaralan para matulog. Ngunit nagbago ang lahat matapos niyang mapanaginipan ang isang dilag na nagngangalang 'Mayumi'.
Isang gabi habang hinahanap niya ang nawawala niyang bag ay natagpuan niya ang isang kakaibang orasan sa ilalim ng kaniyang kama. Ang orasang ito ang nagdala sa kaniya sa kakaibang panahon kung saan naroroon ang dalaga. At magigising siya sa katauhang kabaliktaran niya. Sa panahong ding 'yon ay kasalukuyang nagaganap ang himagsikan sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila.
Makababalik pa kaya siya sa kaniyang panahon kung saan siya nabubuhay? Paano kung mabihag siya sa isang pag-ibig? Pipiliin pa kaya niyang bumalik sa kaniyang panahon? O mananatili na lamang siya sa lumang panahon kung saan siya naroon?
Halina't sama-sama nating lakbayin ang makalumang panahon!
Isinulat ni: Johnrey Rodriguez a.k.a Ginoong_leklek
Date published: May 20, 2020
Date started: April 1, 2020
Date finished:
Book cover by: Mary Ann Lee
Beginning on the morning of April 10, 1942, the tadpole-shaped fortress island of Corregidor—known as the Rock to every American soldier, sailor, and Marine who served there—stood alone against the Japanese juggernaut that had just consumed the Bataan Peninsula two miles away. Japanese troops were busily moving 75 of the same powerful artillery pieces that had smashed the American-Filipino lines on the peninsula a few days earlier, positioning them to bear on Corregidor from what amounted to point-blank range.