
Si Juan Asuncion Rodriguez ay isang estudyanteng tamad at burara sa lahat ng bagay. Tamad siya pumasok, tamad magreview, tamad sa lahat ng bagay. Papasok lamang siya sa paaralan para matulog. Ngunit nagbago ang lahat matapos niyang mapanaginipan ang isang dilag na nagngangalang 'Mayumi'.
Isang gabi habang hinahanap niya ang nawawala niyang bag ay natagpuan niya ang isang kakaibang orasan sa ilalim ng kaniyang kama. Ang orasang ito ang nagdala sa kaniya sa kakaibang panahon kung saan naroroon ang dalaga. At magigising siya sa katauhang kabaliktaran niya. Sa panahong ding 'yon ay kasalukuyang nagaganap ang himagsikan sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila.
Makababalik pa kaya siya sa kaniyang panahon kung saan siya nabubuhay? Paano kung mabihag siya sa isang pag-ibig? Pipiliin pa kaya niyang bumalik sa kaniyang panahon? O mananatili na lamang siya sa lumang panahon kung saan siya naroon?
Halina't sama-sama nating lakbayin ang makalumang panahon!
Isinulat ni: Johnrey Rodriguez a.k.a Ginoong_leklek
Date published: May 20, 2020
Date started: April 1, 2020
Date finished:
Book cover by: Mary Ann Lee

