Story By ohnotageh
author-avatar

ohnotageh

ABOUTquote
I\'ll be making my writing hobby alive again. Please support my writings. I want my writings be a memento or something that will remind people somehow that I existed and was able to do something before leaving earth. NOT SUICIDAL!!! I just want to be remembered and not be forgotten.
bc
Asia (Filipino)
Updated at Nov 24, 2022, 23:01
"Ang leader namin sexy, walang makakatalo, Boom! wala kayo! Boom wala kami! Boom! wala kayong lider na sexy!" Awit ng mga ka-grupo ni Asia habang siya ay nakatayo lamang at walang magawa kung hindi makitawa na lamang kunwari at ngumiti ngiti sa harapan ng iba nilang mga kaklase habang kinakantahan ng kanyang mga kagrupo sa gitna para sa kanilang "cheerleading presentation". Napapahiya at pinagtatawanan, bilang isang Grade 3 student wala na lamang nagawa si Asia kung hindi makisama at makitawa nalang sa ginagawang katatawananan sa kanya ng kanyang mga kagrupo. Ayaw niyang ipakita na siya ay napahiya dahil ang buong klase ay tawa ng tawa. "Bakit kaya ganito ang ginagawa nila sa akin? Akala ko pa naman pinili nila akong leader kasi ako pinaka magaling sa grupo" ani sa isip ni Asia Habang nag-chi-cheer ang grupo, iniiwasan ni Asia na tumingin sa direksyon ng kanilang guro, natatakot siya na makita na baka ito rin ay nakikitawa at tuluyang lamunin siya ng lungkot pag sapit ng uwian. Nang matapos ang mga "Group Cheering" binigay na sa mga kanya-kanyang grupo ang kanilang mga gagawin na report. "Asia, kami na nag isip ng cheering! di namin maintindihan yung pinapagawa ni ma'am" "Uy Asia! Ikaw na magsulat sa Manila Paper." "Basta ako ayoko mag report sa harapan" "Yung maigsi lang irereport ko ha, ikaw na bahala sa iba" "Kayang kaya mo na yan Asia, kami nalang ni Dave maghahawak ng manila paper para may contribution kami" Wala na lamang nagawa si Asia kundi ngumiti at umayon sa mga sinasabi ng mga ka grupo niya.
like