bc

Asia (Filipino)

book_age12+
10
FOLLOW
1K
READ
others
family
drama
twisted
no-couple
loser
betrayal
naive
like
intro-logo
Blurb

"Ang leader namin sexy, walang makakatalo, Boom! wala kayo! Boom wala kami! Boom! wala kayong lider na sexy!"

Awit ng mga ka-grupo ni Asia habang siya ay nakatayo lamang at walang magawa kung hindi makitawa na lamang kunwari at ngumiti ngiti sa harapan ng iba nilang mga kaklase habang kinakantahan ng kanyang mga kagrupo sa gitna para sa kanilang "cheerleading presentation".

Napapahiya at pinagtatawanan, bilang isang Grade 3 student wala na lamang nagawa si Asia kung hindi makisama at makitawa nalang sa ginagawang katatawananan sa kanya ng kanyang mga kagrupo. Ayaw niyang ipakita na siya ay napahiya dahil ang buong klase ay tawa ng tawa.

"Bakit kaya ganito ang ginagawa nila sa akin? Akala ko pa naman pinili nila akong leader kasi ako pinaka magaling sa grupo" ani sa isip ni Asia

Habang nag-chi-cheer ang grupo, iniiwasan ni Asia na tumingin sa direksyon ng kanilang guro, natatakot siya na makita na baka ito rin ay nakikitawa at tuluyang lamunin siya ng lungkot pag sapit ng uwian.

Nang matapos ang mga "Group Cheering" binigay na sa mga kanya-kanyang grupo ang kanilang mga gagawin na report.

"Asia, kami na nag isip ng cheering! di namin maintindihan yung pinapagawa ni ma'am"

"Uy Asia! Ikaw na magsulat sa Manila Paper."

"Basta ako ayoko mag report sa harapan"

"Yung maigsi lang irereport ko ha, ikaw na bahala sa iba"

"Kayang kaya mo na yan Asia, kami nalang ni Dave maghahawak ng manila paper para may contribution kami"

Wala na lamang nagawa si Asia kundi ngumiti at umayon sa mga sinasabi ng mga ka grupo niya.

chap-preview
Free preview
'Di Ba Tayo Dugong Bughaw?
"Asia, galingan mo mag-aral para maging mayaman tayo pag laki mo" laging pangaral ng magulang ni Asia. "Mayaman sila tita, mga tito ko nag-A-amerika, tsaka may bahay tayo sa probinsya, bakit di tayo mayaman?" tanong ni Asia sa kanyang mama at papa. Totoong mayaman tita ni Asia gawi ng kanyang mama, kundi man mayaman na mayaman, mas nakakarangya sa buhay. Habang sa gawi naman ng kanyang papa ay pawang mga nag-aabroad at magaganda ang hanap-buhay ng kanyang mga tito at karamihan sa mga pininsan ng kanyang papa. Sa tuwing pupunta sila sa probinsya laging may nakahandang bahay sa kanila para tuluyan.-- Sapat na para isipin ng isang musmos na sila ay pareho din sa buhay. Sa isang bata na wala pang limang taon, paulit ulit na pinapangaralan si Asia ng kanyang mga magulang na mag-aral mabuti upang sila ay yumaman kapag nakatapos itong mag-aral; kaya sa murang edad palang tumatak na sa isip nya kailangan niyang maging magaling sa pag-aaral--kahit di pa siya nag-aaral. Kahit wala pa sa hustong gulang naintindihan na niya agad na sila ay di mayaman ngunit di rin naman sobrang hirap dahil sa murang edad bukas na agad ang isip niya sa hirap ng ibang tao at pamilya na nasa paligid niya. Siguro, ito lang talaga ang talento ng mga taong isang baitang na nakaangat sa kahirapan at walong baitang na mas mabababa sa karangyaan-- "ang maging palaobserba sa paligid at mabilis makabasa sa lugar niya sa lipunan at sitwasyon."   Lumaki si Asia sa panood sa jumper na cable. Siya ay nahilig sa anime, cartoons, at documentary channels. Kasama sa paglaki ang kanyang kuya na tila naging mortal enemy niya dahil ito ang numero uno sa pang-aasar at pangungutya sa kanya. Pinakatumatak sa isip at imahinasyon ni Asia ang mga cartoons at anime na Princess Sarah, Daddy Long Legs, Julio at Julia Kambal ng tadhana at Cedie and munting prinsipe. Naniniwala siya na bagamat maituturing na mahirap ang pamilya niya sa kasalukuyan ay tinadhana sila na maging marangya. Kundi dahil sa may malayong kamag anak na mag aampon sa kanila o mag aahon sa kanila sa hirap o di naman kaya sila ay may natatagong dugong bughaw. Umasa siya na magkakaroon ng isang prinsipe o gwapong mayaman na magkakaroon ng gusto sa kanya upang maging mayaman sila. Basta kailangan niya lang na maging mabait katulad ng mga napapanood niya sa TV at maganda???

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.2K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
435.5K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
549.2K
bc

Wandering One

read
23.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook