Baboy na Pink ang Balat

307 Words
"Ang ganda ni Asia! iba yung ganda niya, mature na yung mukha." kwento ng papa ni Asia sa kanyang mga kainuman. "Ang ganda ganda ng baby ko e, mukha nang mature pero baby ko pa yan" dagdag ng kanyang ama. Habang inaalala ang mga salitang ito na tuwinang sinasabi ng kanyang ama, humaharap si Asia sa salamin at tinitignan ang kanyang mukha.  "Totoo nga! ang ganda ko, di ako pango, di malaki ang mata ko, di malapad ang noo ko, di mahaba ang baba ko, ang ganda ng kilay ko, at ng labi ko, maganda, makapal at diretso ang aking mahabang buhok di katulad sa ibang bata." banggit ni Asia sa kanyang isip. Kung di lamang sa papuri na tinatanggap niya mula sa kanyang papa,  marahil ay talagang wala na siyang magiging pampalakas ng loob at tuluyan na siyang nawalan ng kumpiyansa sa kanyang sarili dahil sa madalas na pangungutya ng kanyang mga kalaro, mga pinsan at higit sa lahat ang kanyang kapatid at kuya na si Roman. Ang kuya Roman ni Asia ay maraming kaibigan at magaling makisama sa mga ibang bata, matatanda at kanilang mga pinsan. Madalas dahil sa personalidad nito, di napipigilan ni Asia na mainggit sa kanyang kuya dahil tila siya ay kinagigiliwan ng lahat at paborito kumpara sa kanya. "Gusto ko nang baboy! yung kulay pink ang balat. Gusto ko ng baboy yung mahaba ang buhok, Gusto ko ng baboy, yung may bell sa leeg." Pang-aasar ng kanyang nakakatandang kapatid na si Roman kay Asia. Magiging maayos sana kahit papano ang kabataan ni Asia kung di lang sobrang mapang-asar sakanya ng kanyang kuya na parang ito pa ang promotor sa pang bubully sa kanya ng ibang bata sa tuwing aapak siya sa labas ng tahanan. Buong akala ni Asia, sa pagiging mataba at kaitiman lamang siya mapipintasan at masasaktan ng ibang mga bata at tao sa paligid niya hanggang sa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD