"Asia, galingan mo mag-aral para maging mayaman tayo pag laki mo" laging pangaral ng magulang ni Asia.
"Mayaman sila tita, mga tito ko nag-A-amerika, tsaka may bahay tayo sa probinsya, bakit di tayo mayaman?" tanong ni Asia sa kanyang mama at papa.
Totoong mayaman tita ni Asia gawi ng kanyang mama, kundi man mayaman na mayaman, mas nakakarangya sa buhay. Habang sa gawi naman ng kanyang papa ay pawang mga nag-aabroad at magaganda ang hanap-buhay ng kanyang mga tito at karamihan sa mga pininsan ng kanyang papa. Sa tuwing pupunta sila sa probinsya laging may nakahandang bahay sa kanila para tuluyan.-- Sapat na para isipin ng isang musmos na sila ay pareho din sa buhay.
Sa isang bata na wala pang limang taon, paulit ulit na pinapangaralan si Asia ng kanyang mga magulang na mag-aral mabuti upang sila ay yumaman kapag nakatapos itong mag-aral; kaya sa murang edad palang tumatak na sa isip nya kailangan niyang maging magaling sa pag-aaral--kahit di pa siya nag-aaral.
Kahit wala pa sa hustong gulang naintindihan na niya agad na sila ay di mayaman ngunit di rin naman sobrang hirap dahil sa murang edad bukas na agad ang isip niya sa hirap ng ibang tao at pamilya na nasa paligid niya.
Siguro, ito lang talaga ang talento ng mga taong isang baitang na nakaangat sa kahirapan at walong baitang na mas mabababa sa karangyaan-- "ang maging palaobserba sa paligid at mabilis makabasa sa lugar niya sa lipunan at sitwasyon."
Lumaki si Asia sa panood sa jumper na cable. Siya ay nahilig sa anime, cartoons, at documentary channels. Kasama sa paglaki ang kanyang kuya na tila naging mortal enemy niya dahil ito ang numero uno sa pang-aasar at pangungutya sa kanya.
Pinakatumatak sa isip at imahinasyon ni Asia ang mga cartoons at anime na Princess Sarah, Daddy Long Legs, Julio at Julia Kambal ng tadhana at Cedie and munting prinsipe. Naniniwala siya na bagamat maituturing na mahirap ang pamilya niya sa kasalukuyan ay tinadhana sila na maging marangya. Kundi dahil sa may malayong kamag anak na mag aampon sa kanila o mag aahon sa kanila sa hirap o di naman kaya sila ay may natatagong dugong bughaw.
Umasa siya na magkakaroon ng isang prinsipe o gwapong mayaman na magkakaroon ng gusto sa kanya upang maging mayaman sila.
Basta kailangan niya lang na maging mabait katulad ng mga napapanood niya sa TV at maganda???