"Anak, Asia maglalalabas ka naman ng bahay" sabi ng mama ni Asia
"Ayoko mama, dito nalang ako manunuod ako ng TV tsaka mag d-drawing" sagot ni Asia
"Sige na, lumabas ka naman ng bahay, para matuto ka na makihalubilo sa labas" pang-aaya ng mama niya
"Sunod nalang ako mama, tapusin ko nalang pinapanood ko."
Ngunit natapos ang pinapanood ni Asia, ngunit di siya lumabas. Nasaktan ang damdamin niya ng sa sinabi ng ina na tila di siya marunong makipag usap sa tao. Dinadamdam ni Asia ito, sa murang edad, umiiyak siya mag isa sa sulok ng knilang maliit na bahay na ang kasya lamang ay 3-4 na malalaking tao.
Araw-araw lumuluha siya kapag siya ay mag isa lamang dahil sa mga pang aasar, at tingin ng ibang mga tao sa kanya na tila siya ay di normal sa lahat ng kanyang gawi. Di maintindihan ni Asia kung bakit para bang ayaw sa kanya ng lahat ng tao, kahit ang kanyang mga magulang na alam niya naman na mahal siya ngunit sa tuwing mag susumbong siya sa pang-aasar ng kanyang kuya ay di siya pinaniwalaan ni isang beses.
Sa tanghali, kapag may tao sa loob ng bahay nila Asia at di siya makapag-isa, siya ay nagtatago at umuupo sako ng buhangin sa madilim na sulok na nasa tabi lang ng kanilang pinto upang dun makapag-isa na umiyak.
Tila naging bisyo na niya ang umiyak araw araw mag-isa at kaawaan ang sarili niya.
"Jesus, bakit po ganto, hirap na hirap na po ako, gusto ko nalang pong mawala, wala pong nagmamahal sa akin tsaka nakakaintindi sa'akin" dasal ni Asia habang nakatalukbong ng kumot."
"Maglayas kaya ako o kaya mawala nalang para wala na silang aasarin tska kakagalitan." ani ni Asia sa kanyang Isip
tok! tok! tok!
Katok na nagmula sa pinto ng bahay nila Asia, kumakatok ang kanyang mama at papa