Di Pwedeng Maramdamin

290 Words
"Umiiyak ka ba Asia" tanong ng kanyang papa nang pagbuksan sila ng pinto ni Asia. Inisip ni Asia na ang tanong na ito ang magiging daan upang masabi na niya ang kanyang mga saloobin, ngunit... "Iiyak ka, wala naman tayong problema, tigilan mo na ang pagkukulong dito sa bahay." ani ng mama ni Asia "Dun ka anak oh, nand'yan mga pinsan mo makipaglaro ka sa kanila." paalala ng papa niya. Nakikipaglaro naman si Asia sa mga pinsan niya at ibang mga bata sa labas ngunit sa paulit ulit na pagpapaalala ng kanyang mga magulang, para bang naging responsibilidad na niya ang makipaglaro. "Ma, nakikipaglaro naman ako e, minsan ayaw lang nila ako kalaro, inaasar nila ako. tapos pinag uusapan nila palagi na di ako kasali." paliwanag ni Asia. "Yan, yan, kasi dapat matuto kang tumanggap ng pangungutya sa'yo e. binibiro ka lang dinadamdam mo na agad. Anak di palaging pwedeng ganun." Sagot ng mama ni Asia. "Tsaka wag ka masungit at lagi nakasimangot pag lumalabas, nun kanina daw binati ka ng tito mo, dire-diretso ka lang daw para kang walang narinig. Ano nalang iisipin ng ibang tao sa'yo?" dagdag ng mama niya "Yung iba nga nagsasabi sakin na baka nababaliw ka na daw, lumabas ka anak, makisalamuha ka sa kanila." bilin ng kanyang ina. Di na umasa si Asia, naintindihan na niya na pag pinaliwanag pa niya ang kanyang nararamdaman ay wala din patutunguhan. Sinunod na lamang niya ang kanyang mga magulang at lumabas para makipag laro sa sa mga bata sa labas.  Sa isip ni Asia, mali pala ang kanyang nararamdaman. Siguro mali lang ang naiisip niya pero sa puso niya ay nasasaktan pa rin siya. "Sana pinakinggan manlang muna ako nila mama." "Akala ko sila magiging kakampi ko." "Wala na talagang makakaintindi sa'kin." Mga bagay na nasa likod ng isip ni Asia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD