Story By Miss Kiffy
author-avatar

Miss Kiffy

bc
Play Boys Dont Cry
Updated at Nov 1, 2024, 05:47
"Falling star!" sigaw niya, sabay turo sa madilim na kalangitan.Napangisi si Zake. "Meteor 'yan, hindi falling star."Kumunot ang noo ng babae, bahagyang naiinis ang tono ng boses niya. "Paano mo nalaman?"Nagkibit-balikat lang si Zake. Kinukulit niya lang ito, gaya ng lagi niyang ginagawa. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niyang asarin ang babae. Parang naaakit siya rito, sa paraan ng pagkislap ng mga mata nito, na puno ng kuryosidad at paghamon."Niloko mo lang ako. Falling star talaga 'yon."Pinikit ng babae ang mga mata niya at tumingala sa itaas."Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Zake, kunot ang noo."Nagwiwish," sagot ng babae, mahina ang boses."Nagwiwish?"Tumango lang siya, bahagyang nakangiti."Ano ba ang wish mo?" Hindi maintindihan ni Zake kung bakit bigla siyang na-excite sa sinabi ng babae.Hindi sumagot ang babae. Nakatitig lang siya kay Zake, nakangiti ng nakakaakit. Ang ganda niya. Siguro iyon ang dahilan kung bakit parang biglang nagkagulo ang tahimik niyang puso..."Zake boy!"Biglang hinampas ni Tyron ang balikat ni Zake, halos ikahulog niya sa inuupuan."Ano ba'ng problema mo?" angil ni Zake."Ikaw na," sabi ni Riley, sabay abot ng baso kay Zake. "Nakadalawang shot na kami ni Tyron, ikaw naman, tulala ka diyan. Saan ba naglalakbay ang isip mo?""A carnal thought?" nakangisi na tanong ni Zake."Gag*!" Binato ni Tyron si Zake ng potato chips na nakita niya. "Ano'ng akala mo sa akin, manyak? Hindi ako katulad mo!""Look who's talking." Gumanti si Tyron ng bato. Pero ice cube ang nadampot niya. Mabuti na lang at nakailag si Zake. Kung ibato kaya niya sa kaibigan ang hawak niyang baso?"May problema ba, Zake?" nag-aalalang tanong ni Riley."Isa lang naman ang pinoproblema ni Zake Boy—ang long lost first love niya."Tinignan ng masama ni Zake si Tyron. Napakadaldal talaga ng kaibigan."Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin siya nahahanap?" tanong ulit ni Riley.Hindi sumagot si Zake at pinagmasdan ang laman ng hawak niyang baso. Paano niya naman mahahanap ang babae kung hanggang ngayon, hindi niya maalala ang mukha nito? Kahit sa mga panaginip at alaalang sumisingit sa isip niya, blurred ang mukha ng babae. Parang missing piece ng puzzle na hindi niya mabuo-buo sa isip niya."Gamitin mo ito sa paghahanap sa kanya." Tinuro ni Riley ang dibdib ni Zake. "Baka sakaling matagpuan mo na siya."Naiintindihan ni Zake ang punto ni Riley. Iyon din naman ang payo sa kanya noon ng kaibigan niyang si Mark. Pero hindi niya magawang mag-concentrate, lalo na kapag nakakakita siya ng mga magaganda at sexy na babae."Basta ako, alam ko kung nasaan ang first love mo at hindi ko sasabihin sa'yo," panunukso ni Tyron, parang bata. Sa tingin ni Zake, lasing na ang kaibigan. Ibang level na kasi ang pangungulit nito. Hindi na lang siya nagsalita dahil kung papatulan niya si Tyron, magtatalo lang silang dalawa. O mas masama, baka maulit ulit ang minsang pagre-wrestling nila sa gitna ng kalsada."Kumusta na kaya sina Jared at Trishia?" biglang tanong ni Tyron. "Wala ba talaga kayong balak sabihin sa akin kung nasaan na sila ngayon?""Wala!" sabay na sagot nina Zake at Riley."Ang daya n'yo! Para naman kayong walang tiwala sa akin!""Wala nga, kaya huwag ka nang magtaka."Sa mga oras na ito, nakarating na siguro ang magkasintahan sa family rest house nila sa La Union. Kung hanggang kailan nila gustong manatili roon, bahala na silang dalawa. Matagal na ring tanggap ni Zake na para talaga sila sa isa't isa. Bukod pa roon, hindi naman ganon kalalim ang nararamdaman niya para kay Trishia kaya hindi naman siya gaanong nasaktan. Ang totoo, masaya siya para sa kaibigan niyang si Jared. Napayuko si Zake nang may kung anong kumiskis sa mga binti niya. Ang aso pala ni Riley. "Hello, Oreo...?" Akma niyang hahawakan ang ulo ng aso pero laking gulat niya nang bigla na lang itong sumunggab sa kamay niya. Agad din namang binitawan ng aso ang kamay niya at saka lumayo na parang walang nangyari. Nagulat si Zake. Napatitig siya sa kamay niyang puno ng laway ni Oreo."N-nagdurugo ang kamay mo..." Nanlaki ang mga mata ni Tyron."Oh, shit!" Biglang napatayo si Riley at lumapit kay Zake. "Tyron, dalhin natin si Zake sa ospital!""PARE, hold on. Malapit na tayo sa ospital," eksaheradong sabi ni Tyron sa tabi ni Zake, na para bang mamamatay na siya. Halos paliparin naman ni Riley ang sinasakyan nilang kotse sa kalsada."Riley, dahan-dahan sa pagda-drive. Baka naman imbes na ospital ang mapuntahan natin, eh bumagsak tayo sa morgue. I'm doing fine. Kagat lang naman ito ng aso. Malayo ito sa bituka." Hindi maintindihan ni Zake kung bakit ganon na lang ang pagpapanic ng mga kaibigan niya."Tyron, tingnan mo nga kung bumubula na ang bibig ni Zake," utos ni Riley. "Nakalimutan kong ipa-vaccine this year si Oreo. Baka may rabies na siya." Hinawakan ni Tyron ang baba ni Zake at pilit na ibinuka ang bibig nito."Ano ba?" Sabay tulak ni Zake sa kaibigan. "Sasapukin na talaga kita kung hindi ka titi-"
like