bc

Play Boys Dont Cry

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
time-travel
heir/heiress
drama
no-couple
campus
mythology
like
intro-logo
Blurb

"Falling star!" sigaw niya, sabay turo sa madilim na kalangitan.Napangisi si Zake. "Meteor 'yan, hindi falling star."Kumunot ang noo ng babae, bahagyang naiinis ang tono ng boses niya. "Paano mo nalaman?"Nagkibit-balikat lang si Zake. Kinukulit niya lang ito, gaya ng lagi niyang ginagawa. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niyang asarin ang babae. Parang naaakit siya rito, sa paraan ng pagkislap ng mga mata nito, na puno ng kuryosidad at paghamon."Niloko mo lang ako. Falling star talaga 'yon."Pinikit ng babae ang mga mata niya at tumingala sa itaas."Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Zake, kunot ang noo."Nagwiwish," sagot ng babae, mahina ang boses."Nagwiwish?"Tumango lang siya, bahagyang nakangiti."Ano ba ang wish mo?" Hindi maintindihan ni Zake kung bakit bigla siyang na-excite sa sinabi ng babae.Hindi sumagot ang babae. Nakatitig lang siya kay Zake, nakangiti ng nakakaakit. Ang ganda niya. Siguro iyon ang dahilan kung bakit parang biglang nagkagulo ang tahimik niyang puso..."Zake boy!"Biglang hinampas ni Tyron ang balikat ni Zake, halos ikahulog niya sa inuupuan."Ano ba'ng problema mo?" angil ni Zake."Ikaw na," sabi ni Riley, sabay abot ng baso kay Zake. "Nakadalawang shot na kami ni Tyron, ikaw naman, tulala ka diyan. Saan ba naglalakbay ang isip mo?""A carnal thought?" nakangisi na tanong ni Zake."Gag*!" Binato ni Tyron si Zake ng potato chips na nakita niya. "Ano'ng akala mo sa akin, manyak? Hindi ako katulad mo!""Look who's talking." Gumanti si Tyron ng bato. Pero ice cube ang nadampot niya. Mabuti na lang at nakailag si Zake. Kung ibato kaya niya sa kaibigan ang hawak niyang baso?"May problema ba, Zake?" nag-aalalang tanong ni Riley."Isa lang naman ang pinoproblema ni Zake Boy—ang long lost first love niya."Tinignan ng masama ni Zake si Tyron. Napakadaldal talaga ng kaibigan."Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin siya nahahanap?" tanong ulit ni Riley.Hindi sumagot si Zake at pinagmasdan ang laman ng hawak niyang baso. Paano niya naman mahahanap ang babae kung hanggang ngayon, hindi niya maalala ang mukha nito? Kahit sa mga panaginip at alaalang sumisingit sa isip niya, blurred ang mukha ng babae. Parang missing piece ng puzzle na hindi niya mabuo-buo sa isip niya."Gamitin mo ito sa paghahanap sa kanya." Tinuro ni Riley ang dibdib ni Zake. "Baka sakaling matagpuan mo na siya."Naiintindihan ni Zake ang punto ni Riley. Iyon din naman ang payo sa kanya noon ng kaibigan niyang si Mark. Pero hindi niya magawang mag-concentrate, lalo na kapag nakakakita siya ng mga magaganda at sexy na babae."Basta ako, alam ko kung nasaan ang first love mo at hindi ko sasabihin sa'yo," panunukso ni Tyron, parang bata. Sa tingin ni Zake, lasing na ang kaibigan. Ibang level na kasi ang pangungulit nito. Hindi na lang siya nagsalita dahil kung papatulan niya si Tyron, magtatalo lang silang dalawa. O mas masama, baka maulit ulit ang minsang pagre-wrestling nila sa gitna ng kalsada."Kumusta na kaya sina Jared at Trishia?" biglang tanong ni Tyron. "Wala ba talaga kayong balak sabihin sa akin kung nasaan na sila ngayon?""Wala!" sabay na sagot nina Zake at Riley."Ang daya n'yo! Para naman kayong walang tiwala sa akin!""Wala nga, kaya huwag ka nang magtaka."Sa mga oras na ito, nakarating na siguro ang magkasintahan sa family rest house nila sa La Union. Kung hanggang kailan nila gustong manatili roon, bahala na silang dalawa. Matagal na ring tanggap ni Zake na para talaga sila sa isa't isa. Bukod pa roon, hindi naman ganon kalalim ang nararamdaman niya para kay Trishia kaya hindi naman siya gaanong nasaktan. Ang totoo, masaya siya para sa kaibigan niyang si Jared. Napayuko si Zake nang may kung anong kumiskis sa mga binti niya. Ang aso pala ni Riley. "Hello, Oreo...?" Akma niyang hahawakan ang ulo ng aso pero laking gulat niya nang bigla na lang itong sumunggab sa kamay niya. Agad din namang binitawan ng aso ang kamay niya at saka lumayo na parang walang nangyari. Nagulat si Zake. Napatitig siya sa kamay niyang puno ng laway ni Oreo."N-nagdurugo ang kamay mo..." Nanlaki ang mga mata ni Tyron."Oh, s**t!" Biglang napatayo si Riley at lumapit kay Zake. "Tyron, dalhin natin si Zake sa ospital!""PARE, hold on. Malapit na tayo sa ospital," eksaheradong sabi ni Tyron sa tabi ni Zake, na para bang mamamatay na siya. Halos paliparin naman ni Riley ang sinasakyan nilang kotse sa kalsada."Riley, dahan-dahan sa pagda-drive. Baka naman imbes na ospital ang mapuntahan natin, eh bumagsak tayo sa morgue. I'm doing fine. Kagat lang naman ito ng aso. Malayo ito sa bituka." Hindi maintindihan ni Zake kung bakit ganon na lang ang pagpapanic ng mga kaibigan niya."Tyron, tingnan mo nga kung bumubula na ang bibig ni Zake," utos ni Riley. "Nakalimutan kong ipa-vaccine this year si Oreo. Baka may rabies na siya." Hinawakan ni Tyron ang baba ni Zake at pilit na ibinuka ang bibig nito."Ano ba?" Sabay tulak ni Zake sa kaibigan. "Sasapukin na talaga kita kung hindi ka t**i-"

chap-preview
Free preview
It's her
ZAKE NAPABALIKWAS ako sa pagkakadapa nang may biglang humampas sa puwitan ko. "Aaah!" sigaw ko. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang itinurok sakin kahapon. "Mama, naman!" Nanlulumo na isinubsob ko uli ang mukha ko sa unan nang makita siya. "Bakit naman kayo nandito?" "Nandito ako dahil na-miss ko ang anak ko na mag-iisang buwan nang hindi umuuwi sa bahay." "Hindi ko kailangang umuwi sa atin dahil may sarili akong bahay," halos hindi maintindihan sa na sabi ko dahil sa patuloy na pagkakasubsob sa unan. "Bahay bang matatawag itong condo mo? My God, Zake! Ang kalat-kalat ng buong paligid. Sigurado ako na ka-jamming mo na dito ang mga daga at ipis sa sobrang dumi ng lugar mo." Napaungol ako. Ang OA ni Mama. Hindi ko lang nailigpit ang mga nakalat kong magazine sa sala, marumi na agad para sa kanya. "Zake, nakikinig ka ba sa akin?" Hindi ako sumagot. Mas gusto kung matulog kaysa makipagtalo sa kanya. "Aaah!" Muli kung sigaw nang hampasin uli niya ako sa puwit. Napabangon na tuloy ako. "Ano'ng nangyari sayo? May pinsala ka ba?" nagtatakang tanong ni Mama. "I'm fine, Ma!" pagkakaila ko. "Bakit nga papa kayo nandito? May kailangan na naman ba kayo sakin?" She nodded. With this smitten smile on her face. "What is it?" labas sa ilong na tanong ko. Parang nahulaan ko na ang tumatakbo sa isip niya. "I'm going to London for-" "For Bon Jovi world tour concert," agap ko sa sasabihin niya. Nabasa ko sa Internet ang tungkol doon. At hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman iyon. "Mama! Kaaalis nyo last month para manood ng concert niya, tapos manonood na naman kayo? Hindi ba ba kayo nagsasawa sa pagmumukha ng Bon Jovi na iyon?" "You know how much I love him. Mas mahal ko pa siya sa papa mo." I rolled my eyes. Hindi pa yata ako ipinanganak, adik na si Mama kay Bon Jovi. Sa sobrang pagkaadik niya, muntikan nang maging Bon Jovi ang pangalan ko, mabuti nalang at to the rescue si Papa. Every morning, parang national anthem na sa bahay ang mga kanta ng paborito niyang singer. Paulit-ulit na lang. Kaya tuloy minsan, napagtripan kong ibaon sa ilalim ng lupa ang mga CD niya sa likod-bahay. Mabuti na lang at hanggang ngayon ay hindi pa niya nalalaman ang tungkol doon. "Fine!" I crossed my arms. "You may go if that's what you want. Hindi ka rin naman magpapapigil kahit pigilan ka namin." "I'm not here to ask for your permission. Besides, pinayagan na ako ng papa mo. I came here para ibilin sayo ang nakababata mong kapatid." "What about Cyrhel?" Pakiramdam ko ay biglang kumirot ang sentido ko sa pagkarinig sa pangalan ng pasaway kung kapatid. "I want you to keep your eyes on her. Grounded sya ngayon sa bahay. Isang buwan siyang hindi pwedeng lumabas." "Ano'ng akala nyo sakin, babysitter?" reklamo ko. She's old enough, "Ma, let her be." "Basta! Ikaw lang ang maaasahan kong magbantay sa kanya. Alam mo naman ang papa mo, sanggang-dikit sila ni Cyrhel. Sigurado ako na kukunsintihin na naman niya ang kanyang bunso." "Pero, Mama..." "Sige na, Anak, pagbigyan mo na ako," paglalambing niya at niyakap ako nang mahigpit. Napa-oo na lang ako. No dice! Kahit naman tumutol ako, wala rin naman akong choice. "I love you, son!" Hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang binitawan. "Got to go! Mag sho-shopping pa ako." At bago siya tuluyang umalis ay muli niya akong hinampas sa puwit. Napaigtad ako. "Ma!" "MAUNA na ako, Henry!" paalam ko sa aking copilot bago tuluyang lumabas ng cabin. Kagagaling lang namin sa Singapore at mamaya pang hapon ang susunod kung flight. Palabas na ako ng arrival area nang madaanan ang isang kumpol ng mga stewardess. Ngumiti ako sa kanila and they giggled in response. My smile alone was enough to drive a woman crazy. Hirap maging gwapo! Napapailing na nilagpasan ko sila nang tumunog ang cellphone ko. Pinipigilan ko ang mga mata ko sa pag-ikot nang mag register ang pangalan ni Mark sa screen. "Yeah..." tinamad na sagot ko. "Just want to remind you that you need to come back here the day after tomorrow. May tatlong session ka pa ng anti-rabies vaccination." "I know," sabi ko nalang. Pero ang totoo, wala akong balak na bumalik sa kanya. Hinding-hindi na uli ako magpapa-injection. "And, Zake..." "What?" "Kapag hindi ka nagpakita, ako mismo ang pumunta sayo!" Aba! Nanakot pa ang loko. Tingnan ko lang kung ma-hunting pa niya ako sa mga susunod na araw. Naka-schedule na kaya akong magbakasyon sa Bangkok. KARA OH, GOD! Male-late na ako sa flight ko. Kasi naman, hindi tumunog ang alarm clock sa cellphone ko. Tinanghali tuloy ako ng gising. Papunta ako ngayon sa Cebu para magbakasyon. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na makauwi sa amin pagkatapos ng isang taong pananatili sa Manila. Sa sobrang pagmamadali, hindi ko na naipusod ang mahaba kung buhok at basta na lang inipitan ng hairpin. Hindi na rin ako nakapagsuot ng contact lens at nagsuot na lang ng eyeglasses. Wala na akong pakialam kung anuman ang maging hitsura ko dahil alam ko naman na maganda pa rin ako. Lalo na kong binilisan ang paglalakad nang marinig ang final boarding announcement ng flight ko. Geez! Five minutes na lang at aalis na ang eroplano. Halos tumakbo na ako sa sobrang pagmamadali. Mabuti na lang at nakasuot ako ng flat shoes. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang paglipad sa ere ng kapares ng sapatos ko. Napahinto ako at pinanood kung saan iyon babagsak. Pero sa kasamaang-palad, nag landing iyon sa kamay ng isang nakaunipormeng lalaki. Nagtataka na napatingala pa siya sa itaas. Pagkatapos ay luminga siya sa paligid at nakita ako. Parang gusto kong kumaripas ng takbo dahil sa kahihiyan. Oh, my! Ano'ng gagawin ko? And to my horror, naglakad ang lalaki patungo sa kinaroroonan ko. Teka! Si Zake ba iyon? "I guess this is yours," he said, smiling from ear to ear. At sa pagkamangha ko, bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko at in-offer sakin ang hawak niyang sapatos. Parang eksena lang sa isang fairy tail book. Ako si Cinderella at sya naman si Prince Charming. Napatulala na lang ako kay Zake. Gravity! Parang gusto kung himatayin sa sobrang kilig. But wait, ang flight ko pala! Pahablot kung kinuha sa kanya ang sapatos at basta lang isinuot iyon bago muling nagtatakbo sa departure area. But it was too late. Kaaalis lang ng eroplano na sasakyan ko dapat. Nanlulumo na napaupo ako sa waiting bench. Haggard na nga ang hitsura ko, hindi pa ako nakakaabot. Parang gusto kong maiyak. Peak season pa naman at siguradong mahihirapan uli akong magpa-book ng flight. Ang tagal kung hinintay na makauwi uli. Tapos... Napigil ang pag-iyak ko nang may mag-abot ng panyo sakin. Pagtingala ko ay ang nakangiting Zake ang nasilayan ko. "It's okay. May available pa namang ibang flight. Kung gusto mo, pwede kitang tulungan." Pagkatapos ay kumunot ang noo niya. "Have we met before? Pamilyar ka kasi sakin." "Ewan ko sayo," I snapped at biglang tumayo. Nakakainis siya. Iyon at iyon ang itinatanong niya tuwing magkikita kami. "Miss..." muling tawag niya pero dere-deretso ako sa paglalakad palayo. Asa pa ako na maaalala niya ako. ZAKE NAGUGULUHANG sinundan ko ng tingin ang babae. Hindi ko malaman kung snob lang ba talaga siya o malabo lang ang mga mata at hindi niya nakita ang kagwapuhan ko. Kunsabagay, nakasuot siya ng eyeglasses kaya malamang na malabo nga ang mga mata niya. Pero gayunman, maganda pa rin siya. Simple pero malakas ang dating. Kahit sa sarili ko, hindi mo maipaliwanag ang ginawang pagluhod sa harap niya kanina. Never in my life, sa kanya ko lang ginawa iyon. Minan lang akong makasalo ng isang sapatos na inakala kong nanggaling sa kalangitan. Muli kung tinanaw ang papalayong babae nang biglang magsalubong ang mga kilay ko. I knew it! Kaya pala pamilyar sakin ang mukha niya dahil siya ang pasaway na nurse na naglakas-loob na injectionan ako sa puwit. Bakit hindi ko siya nakilala agad? "Kara..." wala sa loob na bulong ko sa sarili hanggang tuluyan siyang maglaho sa paningin ko. Of all people, siya pa ang may kapareho ng pangalang iyon. The name I couldn't forget kahit pa siguro ilang bears na maalog ang utak ko. Kaya noong ipinakilala siya sakin ni Mark bilang kanyang assistant nurse, agad akong nagduda na baka siya na ang babaeng matagal ko nang hinahanap. I even asked him to do a background check on her but the result was not that I expected. For the third time, I failed to find that special girl. How I wish I could remember her face and what she looked like. Sa paraang iyon, baka sakaling mahanap ko na siya nang tuluyan. Napasinghap ako nang may maupuan na matigas na bagay sa waiting bench. At dahil sariwa pa ang turok sa puwit ko, hindi ko maiwasang pamangiwi sa sakit. Ang salarin- ang kulay pink na hairpin na pakalat-kalat doon. Wala sa loob na dinampot ko iyon at kunot-noong pinagmasdan. Nang biglang may sumingit na alala sa isip ko... "Happy birthday!" sabay abot sa kanya ng maliit na kahon. "Hmm...what is this?" Nangingiting pinagmasdan niya ang regaling ibinigay ko. "See for yourself." I smiled sheepishly in return. Nae-excite na binuksan niya iyon. "Oh! Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Ang kulay pink na hairpin na madalas niyang balik-balikan sa isang mamahaling boutique. "Thank you, Zake. I really love it." "Let me." Kinuha ko iyon sa kanya at inipit sa mahaba niyang buhok. "You don't know how lovely you look," sabi ko habang pinagmasdan ang maganda niyang mukha. Namumula ang mga pisngi na nag-iwas siya ng tingin at inayos ang kanyang eyeglasses... Ang tunog ng cellphone ang nagpapabalik ng isip ko sa realidad. "My flight ka ba mamaya?" tanong ni Tyron sa kabilang linya. "Birthday ngayon ni Tanya at invited tayo sa party niya. Dude, sigurado akong maraming chikababes don!" Hindi ako umimik. Halos wala akong maintindihan sa sinabi niya. "Zake Boy, are you still there? Naririnig mo na ako?" "Tyron... I-I think I found her." "Who?" "S-si first love." "What?" Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. "Na-recognize mo na siya? Saan mo siya nakita?" "Hindi ako sigurado pero..." Nilingon ko ang direksiyong tinahak ni Kara. "Tyron, I'll call later," sabi ko, sabay pindot ng End call. I needed to find her. Kung kinakailangang ipahaluglog ang buong airport, gagawin ko. Gusto kong makasiguro at baka tama ang hinala ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook