KARA
"WHY ARE you here?"
Napakislot ako sa pagsulpot ni Dr.Mendoza sa likuran ko. Hindi ko inaasahan ang maaga niyang pagdating. "Good Morning," walang siglang bati ko at muling ipinagpatuloy ang pag-aayos mga mga gamit sa table niya.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Bakit nandito ka pa? I thought you were in a vacation."
"Hindi ako natuloy."
"Something came up? May pumigil ba sayo?
Nang lumingon ako ay nakita ko ang pilyong ngiti sa mga labi niya. "Naiwan ako ng eroplano," halos pabulong na sagot ko. Nalulungkot ako tuwing maaalala ang katangahang iyon. Pero kaysa magmukmok mag-isa sa tinutuluyan kong apartment naisip ko na lang na pumasok sa trabaho. Nagbabaka sakaling maka get-over ako sa katangahan ko.
"Poor Kara, kung alam ko lang na maiiwan ka ng eroplano, hindi ko na sana pinirmahan ang vacation leave mo." Katulad ng inaasahan ko ay pinagtawanan ako ni Mark. "Better luck next year."
"Next year? Nanlaki ang mga mata ko.
Tumango siya. "Dahil hindi mo na consume ang vacation leave mo ngayon, next year mo na uli magamit iyon."
"Per, Mark..."
"Kar, may usapan tayo. By next month, magiging abala na tayo sa medical mission at nangako ka sakin na samahan mo ako."
Hindi na ako nagprotesta. Isa iyon sa mga kondisyon ni Mark kung bakit niya ako pinayagang magbakasyon.
"Ipa-rebook mo na lang ang flight mo. Sayang naman kung hindi ka makakauwi."
"Iyon nga ang ginawa ko kahapon at kaninang umaga. Tumawag ako at nagbaba-sakali na may available seat pero wala pa rin."
Ilang sandali akong tinitigan ni Mark. "I can ask a friend for a little favor. Zake's family owns an airline. Matutulungan ka niya. Iyon ay kung...okay lang say?
Bahagya akong natigilan. I don't think it's a good idea. Pero bago pa ako makasagot, dinukot na niya ang cellphone sa bulsa.
"Hello, Zake, I need your help." Pagkaraan ay biglang kumunot ang noo ni Mark. "Busy with what? You've already found her?" Tumingin siya sakin.
"Sigurado ka ba na siya iyon? Paano? Bumalik na ba ang alaala mo?"
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong NAKARAMDAM ng kaba sa mga narinig.
"No, she's not here." Hindi inaalis ni Mark ang tingin sakin. "She's in a vacation for one month...No, hindi ko alam kung saang probinsya sya umuwi....
Stop asking questions. Kung wala ka namang katibayan na siya nga ang matagal mo nang hinahanap, ngayon pa lang, eh, itigil mo na ang kalokohang ito." Agad niyang ini-off ang cellphone bago ako muling hinarap.
"In the meantime, ililipat muna kita sa nurses station sa kabilang building hangga't hindi ka nakakakuha ng flight pauwi sa inyo."
"Huh? P-pero bakit?"
"Basta!" tanging sagot ni Mark bago nagmamadaling lumabas ng opisina at naiwan akong NAGUGULUHAN.
"Akala ko ba naka-vacation leave siya?"
"Naiwan daw ng eroplano." At sabay-sabay silang nagtawanan.
Deadma lang ako at tuloy-tuloy na naglakad. Sanay na ako sa co-nurses ko na walang pinagkakaabalahan kundi ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Actually, mababait naman sila. Iyon na lang, hindi na nila maiwasan ang kasanayan. Mabuti na lang at wala akong kaibigan sa grupo nila.
"Sa lahat ng mga nakasimangot, ikaw ang pinakamaganda."
Awtomatiko akong napangiti at mabilis na lumingon. "Nambola ka na naman."
"Who? Me? Kailan ba kita binola?"
Napailing na nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang totoo, sanay na ako sa mga tirada Louie. Kung hindi nga lang siya committed ay iisipin ko na may gusto siya sakin. Kunsabagay, lahat naman ng staff sa hospital ay binibiro niya. Tuloy, iyong iba ay nami-misinterpret siya. Pareho sila ng pinsan niyang si Mark. Masyado silang mabait, lalo na pagdating sa mga babae. Pero mas mabait pa rin si Louie. Minsan kasi ay may pagka-moody si Mark at lately, madalas na siyang nagsusungit.
Hanggang sa makarating ako sa nurses station ay nakasunod pa rin siya sakin. "Louie, kung wala kang ginagawa, huwag kang mang-istorbo ng iba."
Tinatawag ko lang siya sa first name niya kapag kaming dalawa lang ang magkaharap. Isa rin siyang doctor sa hospital na iyon.
Ngumisi siya. "Wala nga akong ginagawa kaya naghahanap ako ng karamay. Do you know why I close to be a psychiatrist instead of a physician like Mark?"
"Dahil less hassle sa part mo at walang gaanong pasyente," mabilis kong sagot. "At iyon din ang dahilan kung bakit madalas na wala kang ginagawa."
"You're a genius. That's why I really like you."
I rolled my eyes. Nambola na naman siya.
"Kara!" Humahangos na dumating si Mildred at nilapitan ako. Sa lahat ng con-nurses ko ay siya ang pinaka-close sakin. "Alam mo ba kung ka-"
Napigil niya ang sasabihin nang napansin si Louie.
Biglang nagningning ang mga mata niya. "H-hello, Dr.Mendoza!"
Gumanti ng bati ang binata at hindi nagdamot ng ngiti. Kinikilig na kumapit si Mildred sa braso ko.
"Shet, Mare! ang gwapo talaga niya."
Nagngingiting sinulyapan ko si Louie. Nakangiti rin siya. Nakarating yata sa pandinig niya ang ibinulong ni Mildred.
"Oo nga pala, may nagpapatanong kung kailan daw babalik dito iyong mamang gwapo na in-injectionan mo sa puwit."
Umangat ang kilay ko. "Sino'ng nagpapatanong, ikaw?"
"Hindi, no! Inutusan lang ako ng mga taga-ER."
Nagdudang tinitigan ko si Mildred.
"Excuse me, hindi ko siya type. Alam mo naman kung sino ang gusto ko," sabi niya at pasimpleng sinulyapan si Louie. "So, kailan ang balik dito ni Mamang gwapo?"
"Siya iyong takot magpa-injection, hindi ba?" Sabad ni Louie. "I know that guy. He's one of Mark's friend. Zake Boy yata ang pangalan niya."
"It's Zake, not Zake Boy," pagtatama ko.
"Iyon ang narinig kong tawag sa kanya ng mga kaibigan niya," pagdadahilan niya. "Do you think, babagay sakin ang tawag na Louie Boy?"
Napahagikgik si Mildred. "Ang sagwa, Dok.
Parang katunog ng Mama's boy?"
"You think so?"
Mabilis na tumango si Mildred. Alam kung ito na ang pagkakataong hinihintay ng kaibigan ko...
Ang magka-moment kasama ang kanyang ultimate crush. Naisip kung iwan muna silang dalawa. Eeskapo na muna ako dahil mayroon pa akong daraanang pasyente."
Bago matapos ang duty ko sa araw na iyon ay naisipan kung sumaglit sa opisina ni Mark. Bigla kong naalala na ngayon ang balik ni Zake para sa second shot niya ng anti-rabies. Siguradong kakailanganin ni Dr.Mendoza ang tulong ko para i-assist ang pasaway niyang kaibigan.
"Kara, akala ko ba umuwi ka na?" parang gulat na gulat na tanong ni Mark nang bumungad ako sa pintuan.
"Pauwi na sana ako pero naalala ko na ngayon pala ang second shot ni Zake."
"You may go. I can handle it myself."
"Are you sure"
Sa halip sumagot ay marahan akong itinulak ni Mark palabas ng opisina. "Umuwi kana at mag-beauty rest. Marami pa tayong trabaho na gagawin bukas."
*Ano'ng koneksyon non?" nakaangat ang kilay na tanong ko.
"Basta!" sabi niya na pilit hinaharang ang katawan sa tapat ng pintuan na para bang mayroon siyang itinatago sa loob.
"Teka, alam mo ba kung saan nakalagay iyong mga gamot na kakailanganin mo?"
"Kara!" Pinanlakihan ako ni Mark ng mga mata.
"Ang sabi ko, umuwi ka na. Go home! Tsu!
Kung makapagtaboy siya ay para siyang nagpapaalis ng bata.
Hindi ako nagpumilit at naglakad na palayo. I could smell something fishy. Hindi aakto nang ganon si Mark kung wala siyang itinatago. Ano na naman kayang kalokohan ang naglalaro sa isip niya?
ZAKE
"ARE YOU sure?" nakakunot-noong tanong ko sa kabilang linya.
"Yes, sir. I already checked it twice. Miss Kara Davis is in the passenger's list but she didn't show up on the time of arrival. She didn't cancel her flight either."
Nanlulumong napasandal ako sa swivel chair. Iyon din ang pagkakaalam ko. Hindi nakaabot si Kara sa flight niya. Nag-offer pa nga ako ng tulong pero tinalikuran lang niya ako.
"Sir, are you still there?"
"Yes. Thanks for everything." Mabigat ang loob na ibinaba ang telepono. Magmula kahapon ay wala na akong nagawang matinong trabaho. I was busy looking for her. Ginamit ko ang lahat ng koneksyon ko para makakuha ng kahit na ano'ng impormasyon tungkol sa kanya. Pero nakakapagtaka na hindi magkakatugma ang mga iyon.
Muli kong pinanood ang kopya ng CCTV footage sa desktop ko. Sa unang video ay makikitang nakikipag-usap si Kara sa isang immigration officer. Nagbabaka-sakali siguro na makakuha uli ng flight.
Sa pangalawang video naman ay nakaupo lang siya sa waiting bench habang gumagamit ng cellphone. Sa huling video naman ay nakunan siyang naglakad palabas ng airport bitbit ang maleta niya.
Kung wala si Kara sa hospital at hindi naman siya nakauwi sa Cebu, nasaan siya ngayon? I needed to find her. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakakausap nang personal. May mga bagay akong gustong alamin mula mismo sa kanya. Siya lang ang makakapagbigay-linaw sa mga katanungan na gumugulo sa isip ko.
Lihim akong napaungol nang makita ang reminder sa cellphone ko. Ngayon nga pala naka-schedule ang second anti-rabies shot ko. Pero kung inakala ni Mark na babalik ako sa hospital para lang magpaturok sa kanya ng kinakatakutan ko, puwes mamumuti ang mga mata niya sa kahihintay dahil hinding-hindi na ako magpapakita sa kanya. Sa halip ay tinawagan ko si Tyron.
"Busy ka ba?" bungad ko sa kabilang linya.
"Katatapos lang ng practice game ko. Bakit?"
"Good. Magkita tayo sa tambayan. Papunta na ako," sabi ko at mabilis na pinindot ang End call at iniligpit ang mga gamit sa misa. Ilang sandali pa ay naglalakad na ako palabas ng opisina.
"KATANGAHAN ang tawag diyan, bro!" Inabot ni Tyron ang bote ng alak at saka nagsalin sa baso niya.
"Nasa harap mo na, pinakawalan mo pa."
Hindi ako kumibo. Aminado naman ako sa katangahan ko. Sana pala ay hinabol ko agad si Kara bago pa siya tuluyang maglaho sa paningin ko.
"Mabuti na lang at naiwan niya ito." Kinuha niya sa kamay ko ang hairpin. "Ito ang naging susi kung bakit nakilala mo soya. Pero sigurado ka ba talaga na ito ang hairpin na ibinigay mo sa kanya noon?"
Tumango ako. "Hindi ako puwedeng magkamali. It's the same hairpin na nag-flashback sa isip ko."
"Huwag kang mag-alala, Zake Boy. Muli ring magtatagpo ang mga landas nyo ng first love mo. Sana lang kapag dumating ang pagkakataong iyon, utang-na loob!
Huwag mo nang pairalin ang katangahan mo."
Magsalin sana uli ng alak si Tyron nang pigilan ko. "Pre, nakakarami ka na. Sa pagkakaalam ko, ako ang may problema at hindi ikaw."
"Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang magkaproblema?" Inagaw niya sakin ang bote. Doon ko lang napansin na parang may kakaiba sa kanya. Tumunog ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Riley ay nagulat ako sa nabasa.
"Nandito na pala sina Jared at Trishia sa Manila.
And guess what? Nagpakasal daw ang dalawa sa munisipyo." Hindi ko malaman kung matutuwa ako o matatawa sa naging desisyon ng magkasintahan.
Sigurado ako na si Jared ang may pakana niyon.
"Iyon nga ang ipinagsisintar ko. Mabuti pa sila, masaya ang love life. Ikaw, malapit-lapit na rin. Pero laman ng baso. Nagulat ako sa pag e-emote niya. Hindi ako sanay na makita siya sa ganitong sitwasyon.
"Paano ka naman magkaka-love life kung hindi ka naman nagseseryoso?"
"Look who's talking." Binigyan niya ako ng matalim na sulyap. "Nagagaya lang ako sayo dahil ikaw ang palagi kong kasama."
Naisip ko, sa tagal ng pagkakaibigan namin ay parang hindi pa yata nai-inlove si Tyron sa isang seryosong relasyon. Wala akong natatandaan na nagkwento siya tungkol sa babae na gustong-gusto niya. Malibat na lang kung...saka ko lang napansin ang hairpin ng buhok niya. Parang gusto ko tuloy maniwala sa naiisip ko.
"Bagay ba?" Umakto si Tyron na parang bakla.
"Akin na nga iya!" Basta ko na lang kinuha ang hairpin sa buhok niya.
"You're bad!" Nag-pout pa ang loko. Pero sa tingin ko, tinamaan na sya ng espirito ng alak. Mas marami pa siyang nainom kaysa akin.
"Umuwi na tayo." Tumayo ako at hinila siya.
"Ihahatid na kita sa inyo."
Ngumisi si Tyron. "Ang sweet naman ng boyfriend ko." Kumapit sya sa braso ko at inihilig ang ulo sa balikat ko.
"Umayos ka nga! Kapag ako hindi nakapagpigil, baka maupakan kita!" Hindi niya ako pinansin. Lalo lang siyang dumikit sakin. Hanggang sa makalabas kami ng bar at nakakapit pa rin si Tyron sa braso ko.
Para siyang pusa na naglalambing.
"Tyron!" saway ko. "Hindi ka ba talaga titigil? Ihuhulog kita sa hukay!" Ang tinutukoy ko ay ang may-kalaliman na hukay sa gilid ng kalsada. Basta na lang iyong iniwan ng mga nag-aayos ng tubig ng wala man lang safety caution.
Mukhang effective naman ang banta ko dahil agad akong binitawan ni Tyron at pasuray-suray na naglakad. Nakasunod lang ako sa likuran niya. Ang totoo, medyo NAKARAMDAM na rin ako ng pagkahilo.
Pero hindi ko inaasahan nang bigla na lang may sumulpot na pusang itim sa daraanan ko. Sa gulat ko ay napaatras ako at dumadausdos ang isa kong para sa malalim na hukay at tuluyang nahulog
"Zake?" Lumingon si Tyron at lumingon sa paligid.
"Nasaan na yon?"