It's her

1742 Words
ZAKE NAPABALIKWAS ako sa pagkakadapa nang may biglang humampas sa puwitan ko. "Aaah!" sigaw ko. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang itinurok sakin kahapon. "Mama, naman!" Nanlulumo na isinubsob ko uli ang mukha ko sa unan nang makita siya. "Bakit naman kayo nandito?" "Nandito ako dahil na-miss ko ang anak ko na mag-iisang buwan nang hindi umuuwi sa bahay." "Hindi ko kailangang umuwi sa atin dahil may sarili akong bahay," halos hindi maintindihan sa na sabi ko dahil sa patuloy na pagkakasubsob sa unan. "Bahay bang matatawag itong condo mo? My God, Zake! Ang kalat-kalat ng buong paligid. Sigurado ako na ka-jamming mo na dito ang mga daga at ipis sa sobrang dumi ng lugar mo." Napaungol ako. Ang OA ni Mama. Hindi ko lang nailigpit ang mga nakalat kong magazine sa sala, marumi na agad para sa kanya. "Zake, nakikinig ka ba sa akin?" Hindi ako sumagot. Mas gusto kung matulog kaysa makipagtalo sa kanya. "Aaah!" Muli kung sigaw nang hampasin uli niya ako sa puwit. Napabangon na tuloy ako. "Ano'ng nangyari sayo? May pinsala ka ba?" nagtatakang tanong ni Mama. "I'm fine, Ma!" pagkakaila ko. "Bakit nga papa kayo nandito? May kailangan na naman ba kayo sakin?" She nodded. With this smitten smile on her face. "What is it?" labas sa ilong na tanong ko. Parang nahulaan ko na ang tumatakbo sa isip niya. "I'm going to London for-" "For Bon Jovi world tour concert," agap ko sa sasabihin niya. Nabasa ko sa Internet ang tungkol doon. At hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman iyon. "Mama! Kaaalis nyo last month para manood ng concert niya, tapos manonood na naman kayo? Hindi ba ba kayo nagsasawa sa pagmumukha ng Bon Jovi na iyon?" "You know how much I love him. Mas mahal ko pa siya sa papa mo." I rolled my eyes. Hindi pa yata ako ipinanganak, adik na si Mama kay Bon Jovi. Sa sobrang pagkaadik niya, muntikan nang maging Bon Jovi ang pangalan ko, mabuti nalang at to the rescue si Papa. Every morning, parang national anthem na sa bahay ang mga kanta ng paborito niyang singer. Paulit-ulit na lang. Kaya tuloy minsan, napagtripan kong ibaon sa ilalim ng lupa ang mga CD niya sa likod-bahay. Mabuti na lang at hanggang ngayon ay hindi pa niya nalalaman ang tungkol doon. "Fine!" I crossed my arms. "You may go if that's what you want. Hindi ka rin naman magpapapigil kahit pigilan ka namin." "I'm not here to ask for your permission. Besides, pinayagan na ako ng papa mo. I came here para ibilin sayo ang nakababata mong kapatid." "What about Cyrhel?" Pakiramdam ko ay biglang kumirot ang sentido ko sa pagkarinig sa pangalan ng pasaway kung kapatid. "I want you to keep your eyes on her. Grounded sya ngayon sa bahay. Isang buwan siyang hindi pwedeng lumabas." "Ano'ng akala nyo sakin, babysitter?" reklamo ko. She's old enough, "Ma, let her be." "Basta! Ikaw lang ang maaasahan kong magbantay sa kanya. Alam mo naman ang papa mo, sanggang-dikit sila ni Cyrhel. Sigurado ako na kukunsintihin na naman niya ang kanyang bunso." "Pero, Mama..." "Sige na, Anak, pagbigyan mo na ako," paglalambing niya at niyakap ako nang mahigpit. Napa-oo na lang ako. No dice! Kahit naman tumutol ako, wala rin naman akong choice. "I love you, son!" Hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang binitawan. "Got to go! Mag sho-shopping pa ako." At bago siya tuluyang umalis ay muli niya akong hinampas sa puwit. Napaigtad ako. "Ma!" "MAUNA na ako, Henry!" paalam ko sa aking copilot bago tuluyang lumabas ng cabin. Kagagaling lang namin sa Singapore at mamaya pang hapon ang susunod kung flight. Palabas na ako ng arrival area nang madaanan ang isang kumpol ng mga stewardess. Ngumiti ako sa kanila and they giggled in response. My smile alone was enough to drive a woman crazy. Hirap maging gwapo! Napapailing na nilagpasan ko sila nang tumunog ang cellphone ko. Pinipigilan ko ang mga mata ko sa pag-ikot nang mag register ang pangalan ni Mark sa screen. "Yeah..." tinamad na sagot ko. "Just want to remind you that you need to come back here the day after tomorrow. May tatlong session ka pa ng anti-rabies vaccination." "I know," sabi ko nalang. Pero ang totoo, wala akong balak na bumalik sa kanya. Hinding-hindi na uli ako magpapa-injection. "And, Zake..." "What?" "Kapag hindi ka nagpakita, ako mismo ang pumunta sayo!" Aba! Nanakot pa ang loko. Tingnan ko lang kung ma-hunting pa niya ako sa mga susunod na araw. Naka-schedule na kaya akong magbakasyon sa Bangkok. KARA OH, GOD! Male-late na ako sa flight ko. Kasi naman, hindi tumunog ang alarm clock sa cellphone ko. Tinanghali tuloy ako ng gising. Papunta ako ngayon sa Cebu para magbakasyon. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na makauwi sa amin pagkatapos ng isang taong pananatili sa Manila. Sa sobrang pagmamadali, hindi ko na naipusod ang mahaba kung buhok at basta na lang inipitan ng hairpin. Hindi na rin ako nakapagsuot ng contact lens at nagsuot na lang ng eyeglasses. Wala na akong pakialam kung anuman ang maging hitsura ko dahil alam ko naman na maganda pa rin ako. Lalo na kong binilisan ang paglalakad nang marinig ang final boarding announcement ng flight ko. Geez! Five minutes na lang at aalis na ang eroplano. Halos tumakbo na ako sa sobrang pagmamadali. Mabuti na lang at nakasuot ako ng flat shoes. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang paglipad sa ere ng kapares ng sapatos ko. Napahinto ako at pinanood kung saan iyon babagsak. Pero sa kasamaang-palad, nag landing iyon sa kamay ng isang nakaunipormeng lalaki. Nagtataka na napatingala pa siya sa itaas. Pagkatapos ay luminga siya sa paligid at nakita ako. Parang gusto kong kumaripas ng takbo dahil sa kahihiyan. Oh, my! Ano'ng gagawin ko? And to my horror, naglakad ang lalaki patungo sa kinaroroonan ko. Teka! Si Zake ba iyon? "I guess this is yours," he said, smiling from ear to ear. At sa pagkamangha ko, bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko at in-offer sakin ang hawak niyang sapatos. Parang eksena lang sa isang fairy tail book. Ako si Cinderella at sya naman si Prince Charming. Napatulala na lang ako kay Zake. Gravity! Parang gusto kung himatayin sa sobrang kilig. But wait, ang flight ko pala! Pahablot kung kinuha sa kanya ang sapatos at basta lang isinuot iyon bago muling nagtatakbo sa departure area. But it was too late. Kaaalis lang ng eroplano na sasakyan ko dapat. Nanlulumo na napaupo ako sa waiting bench. Haggard na nga ang hitsura ko, hindi pa ako nakakaabot. Parang gusto kong maiyak. Peak season pa naman at siguradong mahihirapan uli akong magpa-book ng flight. Ang tagal kung hinintay na makauwi uli. Tapos... Napigil ang pag-iyak ko nang may mag-abot ng panyo sakin. Pagtingala ko ay ang nakangiting Zake ang nasilayan ko. "It's okay. May available pa namang ibang flight. Kung gusto mo, pwede kitang tulungan." Pagkatapos ay kumunot ang noo niya. "Have we met before? Pamilyar ka kasi sakin." "Ewan ko sayo," I snapped at biglang tumayo. Nakakainis siya. Iyon at iyon ang itinatanong niya tuwing magkikita kami. "Miss..." muling tawag niya pero dere-deretso ako sa paglalakad palayo. Asa pa ako na maaalala niya ako. ZAKE NAGUGULUHANG sinundan ko ng tingin ang babae. Hindi ko malaman kung snob lang ba talaga siya o malabo lang ang mga mata at hindi niya nakita ang kagwapuhan ko. Kunsabagay, nakasuot siya ng eyeglasses kaya malamang na malabo nga ang mga mata niya. Pero gayunman, maganda pa rin siya. Simple pero malakas ang dating. Kahit sa sarili ko, hindi mo maipaliwanag ang ginawang pagluhod sa harap niya kanina. Never in my life, sa kanya ko lang ginawa iyon. Minan lang akong makasalo ng isang sapatos na inakala kong nanggaling sa kalangitan. Muli kung tinanaw ang papalayong babae nang biglang magsalubong ang mga kilay ko. I knew it! Kaya pala pamilyar sakin ang mukha niya dahil siya ang pasaway na nurse na naglakas-loob na injectionan ako sa puwit. Bakit hindi ko siya nakilala agad? "Kara..." wala sa loob na bulong ko sa sarili hanggang tuluyan siyang maglaho sa paningin ko. Of all people, siya pa ang may kapareho ng pangalang iyon. The name I couldn't forget kahit pa siguro ilang bears na maalog ang utak ko. Kaya noong ipinakilala siya sakin ni Mark bilang kanyang assistant nurse, agad akong nagduda na baka siya na ang babaeng matagal ko nang hinahanap. I even asked him to do a background check on her but the result was not that I expected. For the third time, I failed to find that special girl. How I wish I could remember her face and what she looked like. Sa paraang iyon, baka sakaling mahanap ko na siya nang tuluyan. Napasinghap ako nang may maupuan na matigas na bagay sa waiting bench. At dahil sariwa pa ang turok sa puwit ko, hindi ko maiwasang pamangiwi sa sakit. Ang salarin- ang kulay pink na hairpin na pakalat-kalat doon. Wala sa loob na dinampot ko iyon at kunot-noong pinagmasdan. Nang biglang may sumingit na alala sa isip ko... "Happy birthday!" sabay abot sa kanya ng maliit na kahon. "Hmm...what is this?" Nangingiting pinagmasdan niya ang regaling ibinigay ko. "See for yourself." I smiled sheepishly in return. Nae-excite na binuksan niya iyon. "Oh! Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Ang kulay pink na hairpin na madalas niyang balik-balikan sa isang mamahaling boutique. "Thank you, Zake. I really love it." "Let me." Kinuha ko iyon sa kanya at inipit sa mahaba niyang buhok. "You don't know how lovely you look," sabi ko habang pinagmasdan ang maganda niyang mukha. Namumula ang mga pisngi na nag-iwas siya ng tingin at inayos ang kanyang eyeglasses... Ang tunog ng cellphone ang nagpapabalik ng isip ko sa realidad. "My flight ka ba mamaya?" tanong ni Tyron sa kabilang linya. "Birthday ngayon ni Tanya at invited tayo sa party niya. Dude, sigurado akong maraming chikababes don!" Hindi ako umimik. Halos wala akong maintindihan sa sinabi niya. "Zake Boy, are you still there? Naririnig mo na ako?" "Tyron... I-I think I found her." "Who?" "S-si first love." "What?" Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. "Na-recognize mo na siya? Saan mo siya nakita?" "Hindi ako sigurado pero..." Nilingon ko ang direksiyong tinahak ni Kara. "Tyron, I'll call later," sabi ko, sabay pindot ng End call. I needed to find her. Kung kinakailangang ipahaluglog ang buong airport, gagawin ko. Gusto kong makasiguro at baka tama ang hinala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD