Story By Anna
author-avatar

Anna

ABOUTquote
I love reading and writing horror stories. I\'m 23 years old and my dream is to be one of the best writer.
bc
Ang Lihim ng Baryo
Updated at Jul 15, 2024, 09:13
"ANG LIHIM NG BARYO"Sa isang maliit na bayan sa Bayan ng San Sebastian, may bukod tanging baranggay ang hindi pinupuntahan ng mga dayuhan sa mga sabi sabi. Mga kwentong wala pang nagpapa totoo pero kinakatakotan ng marami. Lahat daw ng nakatira sa baranggay na yun ay hindi na nakita kailanman man, wala ng sumubok pang umalam kung ano ang nangyare doon kahit na mga pulis at mga taohan ng gobyerno, dahil lahat din ng sumubok humanap ng kasagotan sa lugar na yun ay hindi na rin nakita. Walang bakas ng kahit na sino, kahit na mga hayop. Tanging mga ibon na lamang at karamihan ay mga uwak ang nakikitang nakakapunta doon. Kahit ang mga aso at pusa at iba pang mga hayop na naliligaw dun ay di na rin nakakabalik. Napagkasunduan ng mga tao na bakuran na ang lugar na yun para mabalaan na din ang lahat lalo na ang mga bago lamang doon. Nagtulong tulong ang lahat para lahat ng sulok ay maharangan. Sa isang maliit na daanan ay may nakasabit na karatula, nakasulat ang mga babalang .."BAWAL PUMASOK SA LUGAR NA ITO, HINDI NA MAKALALABAS" Isang babalang tinawanan lang ng mga magkakaibigang dayo."HAHAHA mga taga probinsya talaga oh, hindi nauubusan ng mga nakakatakot na lugar at kwento."Sabi ni Ivan habang suot ang kanyang cargo short at polo habang may nakasakbat na bag at may dalang camera. Nibi-video nito ang paligid. Nagtawanan din ang iba pa nilang kasama, sina Kyle, Steve, Kysler, Sheena, Jane at maliban sa isa na si Carla na syang taga roon sa kalapit na baranggay kayat alam nya ang kwento tungkol sa lugar na yun."Ano ba guy's. Pwede bang iba nalang? Wag dito please. Totoo ang kwento maniwala kayo. Kung gusto nyo pang mabuhay please makinig kayo sakin--"Hindi na neto natapos ang sasabihin neto ng akybayan sya ni Sheena. Nakangiti ito ng nakakaloko sa kanya."Kung ayaw mong sumama pwede naman, pero bago kami pumasok sa lugar na to, tatawagan ko na si Ma'am Cantos dahil sa pandadaya mo para makapasa sa exam para makasama ka sa gagraduate this year. Gusto mo ba nun?"Natahimik ang paligid habang nakangiti ang lahat na nakatingin kay Carla na nakatungo at naiiyak. Totoong sinabi ni Sheena, nalaman ng mga ito ang ginawa nya kaya andito sya sa sitwasyon na kinakatakotan nya, pero takot din sya na mabuking at mapahiya sa lahat pag nalaman ng lahat ang ginawa nya. Hindi nya naman talaga mga kaibigan ang mga kasama. Ang totoo e mga bully ito sa school at sya ang pinagdidiskitahan ng mga ito. Wala syang magawa para tanggihan ang mga ito sa mga gusto nilang gawin kasama sya lalo na ang pagpunta sa lugar na to." S-sasama na ko.."Mahinang sabi nya habang nanggigilid ang luha. Tawang tawa naman ang mga kasama nya.Sinipa ng mga kalalakihan ang malaking nabubulok ng plywood para magkaroon sila ng dadaanan. Papasok na sila ng may pumigil sa kanila."HOY! Anong ginagawa nyo!? Bawal dyan! Mapapahamak kayo!"Sigaw ng isang may edarang babae na may bitbit na mga kahoy na itinali nya para madali nya itong madala. May takot at galit ito sa ekpresyon ng mukha. Ibinaba neto ang dala at lumapit sa kanila."Hindi kayo mga taga dito. Paano nyo nalaman ang lugar na to at napadpad kayo dito? Hindi nyo ba alam ang kwento?"Nanlalaki ang mata neto."Alam namin manang. Kaya nga kami nandito kase gusto namin ng adventure HAHAHA"Si Steve ang sumagot at nakipag apir pa kay Kyle. Napailing ang matanda at napatingin kay Carla."C-carla??"Lalong napayuko si Carla at pilit tinatago ang mukha."Anong ginagawa mo dito? Alam ba to ng mga magulang mo?! Hindi bat nasa maynila ka--"Dali daling lumapit si Carla sa Ale, at hinawakan ito sa mga kamay. Nakikiusap."Pakiusap Aleng Behil, wag nyo na ho sabihin kina nanay at tatay. Magagalit sila. Hindi nila alam. Kailangan ko po itong gawin."Hindi na nakasagot ang matanda ng dali dali si carlang pumasok sa lagusan na ginawa ng mga kasama nya. Nagsunuran ang lahat sa kanya at nagpakawala pa ng mga nakakalokong ngisi kay aling Behil. Napatandang krus si mang behil at pinagmasdan ang malaking lagusan na pinasukan ng mga kabataan. Halos hindi nya makita ang loob dahil sa may kadiliman ito kahit mainit naman at tirik na tirik ang araw. Napapaluha ang matanda sa takot at dali daling tumakbo papunta sa baryo at naiwan na ang dala dala nyang mga kahoy. Kailangan tong malaman ng kanyang mga kasama bago mahuli ang lahat.
like