bc

Ang Lihim ng Baryo

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
mystery
another world
like
intro-logo
Blurb

"ANG LIHIM NG BARYO"Sa isang maliit na bayan sa Bayan ng San Sebastian, may bukod tanging baranggay ang hindi pinupuntahan ng mga dayuhan sa mga sabi sabi. Mga kwentong wala pang nagpapa totoo pero kinakatakotan ng marami. Lahat daw ng nakatira sa baranggay na yun ay hindi na nakita kailanman man, wala ng sumubok pang umalam kung ano ang nangyare doon kahit na mga pulis at mga taohan ng gobyerno, dahil lahat din ng sumubok humanap ng kasagotan sa lugar na yun ay hindi na rin nakita. Walang bakas ng kahit na sino, kahit na mga hayop. Tanging mga ibon na lamang at karamihan ay mga uwak ang nakikitang nakakapunta doon. Kahit ang mga aso at pusa at iba pang mga hayop na naliligaw dun ay di na rin nakakabalik. Napagkasunduan ng mga tao na bakuran na ang lugar na yun para mabalaan na din ang lahat lalo na ang mga bago lamang doon. Nagtulong tulong ang lahat para lahat ng sulok ay maharangan. Sa isang maliit na daanan ay may nakasabit na karatula, nakasulat ang mga babalang .."BAWAL PUMASOK SA LUGAR NA ITO, HINDI NA MAKALALABAS" Isang babalang tinawanan lang ng mga magkakaibigang dayo."HAHAHA mga taga probinsya talaga oh, hindi nauubusan ng mga nakakatakot na lugar at kwento."Sabi ni Ivan habang suot ang kanyang cargo short at polo habang may nakasakbat na bag at may dalang camera. Nibi-video nito ang paligid. Nagtawanan din ang iba pa nilang kasama, sina Kyle, Steve, Kysler, Sheena, Jane at maliban sa isa na si Carla na syang taga roon sa kalapit na baranggay kayat alam nya ang kwento tungkol sa lugar na yun."Ano ba guy's. Pwede bang iba nalang? Wag dito please. Totoo ang kwento maniwala kayo. Kung gusto nyo pang mabuhay please makinig kayo sakin--"Hindi na neto natapos ang sasabihin neto ng akybayan sya ni Sheena. Nakangiti ito ng nakakaloko sa kanya."Kung ayaw mong sumama pwede naman, pero bago kami pumasok sa lugar na to, tatawagan ko na si Ma'am Cantos dahil sa pandadaya mo para makapasa sa exam para makasama ka sa gagraduate this year. Gusto mo ba nun?"Natahimik ang paligid habang nakangiti ang lahat na nakatingin kay Carla na nakatungo at naiiyak. Totoong sinabi ni Sheena, nalaman ng mga ito ang ginawa nya kaya andito sya sa sitwasyon na kinakatakotan nya, pero takot din sya na mabuking at mapahiya sa lahat pag nalaman ng lahat ang ginawa nya. Hindi nya naman talaga mga kaibigan ang mga kasama. Ang totoo e mga bully ito sa school at sya ang pinagdidiskitahan ng mga ito. Wala syang magawa para tanggihan ang mga ito sa mga gusto nilang gawin kasama sya lalo na ang pagpunta sa lugar na to." S-sasama na ko.."Mahinang sabi nya habang nanggigilid ang luha. Tawang tawa naman ang mga kasama nya.Sinipa ng mga kalalakihan ang malaking nabubulok ng plywood para magkaroon sila ng dadaanan. Papasok na sila ng may pumigil sa kanila."HOY! Anong ginagawa nyo!? Bawal dyan! Mapapahamak kayo!"Sigaw ng isang may edarang babae na may bitbit na mga kahoy na itinali nya para madali nya itong madala. May takot at galit ito sa ekpresyon ng mukha. Ibinaba neto ang dala at lumapit sa kanila."Hindi kayo mga taga dito. Paano nyo nalaman ang lugar na to at napadpad kayo dito? Hindi nyo ba alam ang kwento?"Nanlalaki ang mata neto."Alam namin manang. Kaya nga kami nandito kase gusto namin ng adventure HAHAHA"Si Steve ang sumagot at nakipag apir pa kay Kyle. Napailing ang matanda at napatingin kay Carla."C-carla??"Lalong napayuko si Carla at pilit tinatago ang mukha."Anong ginagawa mo dito? Alam ba to ng mga magulang mo?! Hindi bat nasa maynila ka--"Dali daling lumapit si Carla sa Ale, at hinawakan ito sa mga kamay. Nakikiusap."Pakiusap Aleng Behil, wag nyo na ho sabihin kina nanay at tatay. Magagalit sila. Hindi nila alam. Kailangan ko po itong gawin."Hindi na nakasagot ang matanda ng dali dali si carlang pumasok sa lagusan na ginawa ng mga kasama nya. Nagsunuran ang lahat sa kanya at nagpakawala pa ng mga nakakalokong ngisi kay aling Behil. Napatandang krus si mang behil at pinagmasdan ang malaking lagusan na pinasukan ng mga kabataan. Halos hindi nya makita ang loob dahil sa may kadiliman ito kahit mainit naman at tirik na tirik ang araw. Napapaluha ang matanda sa takot at dali daling tumakbo papunta sa baryo at naiwan na ang dala dala nyang mga kahoy. Kailangan tong malaman ng kanyang mga kasama bago mahuli ang lahat.

chap-preview
Free preview
Unang Kabanata
*** "Shesshhh! Ito na yun Carla? Wala namang nakakatakot dito e. Niloloko mo ba kami?" Mataray na wika sa kanya ni Jane. Kinuha neto ang cellphone sa bulsa ng pants nya at naghanap ng cignal. "Ano ba yan!? Walang cignal?!" Bulalas nya pa. Nilapitan naman sya ni Steve at kinindatan. Mag nobyo ang dalawa mula pa ng mga high school sila. Pinapakalma neto ang nobya at hinalikan pa sa pisnge. "Ano ka ba naman Babe? Sa ganitong lugar mag eexpect ka talaga ng cignal? HAHAHA ayaw mo ba nun mas makakapag bonding at makakapag usap tayo ng matiwasay dito kase hindi tayo maaabala ng kung ano mang mga bagay." Napasimangot nalang ang babae at nagdadabog na umupo sa isang putol na kahoy. Abala naman ang iba pa nilang mga kasama sa pagtingin tingin sa paligid. Ang mga lalaki ay nagtatayo ng mga tent habang sina Sheena at Carla ay naghahanda ng mga lulutoan nila. Kumpleto sila ng mga dala dahil pinaghandaan nila ang lahat bago pumunta sa lugar na yun. Nakahanap sila ng lugar na sa tingin nila ay makakapagpahinga sila ng maayos, isang parangan na napapalibutan ng mga matataas na puno. Si Carla ay panay ang sulyap sa paligid dahil kakaiba ang nararamdaman nya. Abot abot ang kanyang kaba at pakiramdam nya ay mula nang pumasok sila sa lugar na yun ay may nagmamasid na sa kanila. "Carla .." Gulat syang napalingon sa lalaking tumawag sa kanya. "Oh Kyle.. B-Bakit?" Tumabi ang binata sa kanya at tinulungan syang ayusin ang mga pagkain na lulutuin. "Pasensya na sa mga kaibigan ko ah, pinigilan ko naman sila kaya lang.. Alam mo na, kilala mo naman sila." Pilit na napangiti si Carla, napalitan ng kaunting kapayapaan ang puso nya ng kausapin sya ni Kyle, ang taong bukod tanging nakikitungo sa kanya ng maayos, kung minsan man ay inaasar sya neto pagkat ito naman ang pagtutuonan ng mga bully nilang kasama kung hindi ito magiging ganun sa kanya. Mabait itong lalaki ngunit napipilitan na makisama sa mga kalokohan ng mga kabarkada nila dahil bago din sya maging myembro ng grupo ay sya ang binubully ng mga ito dati. "Naiintindihan ko, wala naman kase silang alam kaya sila ganyan." Napapabuntong hininga nalang na wika nya. Saktong tapos na sila sa kanilang mga ginagawa at si Sheena ang nakatukang magluluto dahil sya ang may talento pag dating sa mga ganung gawain. Si Jane naman ay tinulungan ni Steve na gumawa ng Bonfire, naghahakot naman sina Kysler at Ivan ng mga kahoy dahil tapos na silang itayo ang dalawang tent. Ang isa ay para sa kanilang mga lalaki at ang isa naman ay para sa mga babae. May kadiliman na ang paligid at wala namang kakaiba. Kinabukasan nila balak libotin ang buong lugar. May ilang oras pa ang lumipas at nagkukwentuhan lang sila habang kumakain. Si Carla ay tahimik pa din. Andun nanaman ang takot lalo't lumatag na ng tuloyan ang kadiliman. Hindi sya mapakali. Isa isa nyang tiningnan ang mga kasama at napansin na tahimik si Sheena. Tulala lang ito sa apoy at halos hindi umiibo. Lumipat sya ng pwesto at lumapit dito. "Sheena?" Walang kibo ang babae. Medyo kinabahan sya dahil baka bulyawan sya neto, abala naman sa pagkukwentuhan ang kanilang mga kasama. "S-Sheena?" At sinabayan na nya ng hawak sa balikat neto. Nagulat ang babae at napatingin sa kanya. Napalunok sya ng akala nya ay sisigawan sya neto ngunit kabaliktaran ang nangyare. May bahid ng kaba at di mapakali ang babae. "Carla ... K-kinakabahan ako. Masama ang k-kutob ko." Habang tumitingin ito sa paligid at hinimas pa ang sariling mga braso. Bumilis ang pintig ng puso ni Carla dahil sa nadagdagan ang kanyang kaba. Napatingin din sya sa paligid. "Bakit Sheena? Anong nararamdaman mo? Tulad mo ay kinakabahan din ako, ayaw ko ng manisi kase andito na." Napayuko si Sheena. "I'm sorry Carla. Sana nakinig nalang kami sayo. P-paano kung totoo ang kwento? Masyado akong na excite kaya mabilis akong napapayag sa plano ni Kysler at Ivan dahil na rin malayo to kina mommy at daddy. Malayo sa magulo naming pamilya." Naluluha netong wika habang nakatitig sa apoy sa gitna. Medyo napangiti si Carla dahil ito ang unang beses na maging ganito ang pakikitungo sa kanya ni Sheena at bahagya pang nagbukas ng kaunting problema sa kanya. Mabait naman pala ito. "Hayaan mo na, ako man ay nagdadasal na sana ay kwento nga lang ang lahat. Hindi ko pa din kase napapatunayan ang lahat lahat ng nangyayare kase madalas naman ay wala ako dito at nag aaral sa syudad. Kung ano man ang problema mo sa pamilya mo ay ipagdadasal kong maging okay din ang lahat, magiging okay din ang lahat." Napatingin si Sheena sa kanya at ngumiti Ng bahagya itong natigilan at nawala ang ngiti. Napaatras pa ito ng kaunti sa kinauupuan. Lumingon si Carla sa likuran nya at nagmasid sa paligid. "Bakit Sheena?" Balik nya sa babae, matagal pa bago nakasagot si Sheena at maya maya pa ay umiling iling.. "W-Wala .. Baka dala lang ng antok. Papasok na ko sa tent." Dali dali itong tumayo at tumakbo papasok sa tent nila. Napatingin ang kanilang mga kasama. "Anong nangyare dun?" Tanong ni Kysler kay Sheena at sinabi nalang nyang inaantok na ito. Bumalik sa kanilang kwentuhan ang mga kasama. Si Steve at Jane na naglalampungan, Si Kysler at Kyle na nagkekwentuhan at si Ivan na gigil na gigil sa nilalaro netong offline games sa cellphone. Naniguro lang dahil expected na netong walang cignal sa pupuntahan nila. Muli nyang nilibot ng tingin ang paligid at umasang may mapapansin kung ano nga ba ang dahilan ng pagkakatulala ni Sheena kanina. DILIM. Tanging dilim lamang ang nakikita nya, bahagya pa lamang tumataas ang buwan kayat bahagya lamang din ang liwanag neto. Napatingin sya sa tent na pinasukan ni Sheena, sinag ang loob neto dahil sa Ilaw neto sa loob, kita nya ang anino ni Sheena na nakaupo at may hawak na cellphone. At labis na hilakbot ang naramdaman nya ng makitang may isa pang anino sa harap neto. Isang Babae. Nakatayo ito sa harapan ni Sheena pero hindi neto ito napapansin. Umihip ang malamig na simoy ng hangin at parang humuni pa ito na nagpadagdag ng kilabot sa kanya at lalong nagtindigan ang kanyang mga balahibo sa kanyang katawan. Halos hindi sya makahinga at makakilos sa kaba lalo na ng dahan dahang itinaas ng anino ng babae ang kamay neto at may hawak na kutsilyo. Hindi na sya nagsayang pa ng oras at halos mangkandarapa na siya sa pagtakbo sa tent nila na may limang hakbang lamang ang layo sa pwesto nya. Napatayo din ang kanyang mga kasama na nagtataka sa kanya. "SHEENAAA!!" Malakas na sigaw nya at tuluyang nakapasok sa tent. Napatingin sa kanya si Sheena na nagtataka. Sya naman ay nilibot ng tingin ang paligid. Wala na ang babae. Lumapit sya dito at tiningnang mabuti. Hinihingal pa syang nagtanong dito. "A-ayos ka lang ba?" Nag aalala nyang tanong at tumango naman si Sheena na nagtataka pa din. "Bakit? May problema ba?" Sakto namang nagpasukan din ang mga kasama nila at tinitingnan kung anong nangyayare. Kasya naman sila dahil malalaki ang tent na dala nila. "M-May .. May babae. May babae sa harapan mo kanina Sheena" Nangangatal at pabulong na sabi nya ngunit narinig ito ng lahat. Panandaliang tumahimik at sumimoy ang malamig na hangin sa loob kahit wala naman itong mapapasukan doon. "HAHAHA are you serious Carla? Tatlong babae lang tayo dito at nasa labas tayong dalawa kanina. Sinong babae naman ang tinutukoy mong kasama ni Sheena dito kanina?" Natatawang sabi ni Jane at may pagtulak pa ng bahagya sa kanya. Natawa na din ang iba pero hindi si Kyle at Sheena. "T-totoo.. Nagsasabi ako ng totoo. Kitang kita ko! Nakatayo sya dito!" At tumayo pa sya sa pwesto ng babae kanina. "A-At may hawak syang .. Kutsilyo." Natahimik nanaman ang lahat. Matagal. "Nadadala ka lang ng takot mo Carla dahil hindi pa man tayo pumupunta dito e takot na takot kana. Itulog mo nalang yan." Si Ivan ang bumasag ng katahimikan at lumabas na ng tent. Nagsunuran na din sina Steve, Kysler at Jane. Naiwan si Kyle at Carla kasama ni Sheena. "Yung babae .." Bulong ni Sheena. "Nakita ko sya kanina." At tumingin ito ng diretso ng tingin sa mga mata ni Carla. Matigas ang pagkakasabi neto, nagpakita ng tapang ngunit may pangangatal sa mga labi. "Dumaan sya sa likuran mo Carla pero mabilis lang iyon kaya hindi din ako sigurado kung namamalik mata lang ba ako or what .." Natutuliro nyang sabi. Napatitig si Kyle sa kanila. Hindi makapaniwala pero nakikita nya ang takot sa dalawang babae. Na nagsasabi ang mga ito ng totoo. "B-Baka naman namamalik mata lang kayo dahil sa pagod. Magpahinga muna kayo at gigisingin ko nalang kayo ng maaga bukas--" "Kyle, kailangan nating mag ingat. Kailangan nating magmasid sa paligid" May nginig na sabi ni Carla. "Totoo Kyle. Sana kahit ikaw man lang, maniwala samin. Dalawa na kami ni Sheena na nagsasabi. Kailangan nating mag ingat. Kakaiba ang lugar na to Kyle. Hindi to katatakotan basta lang ng lahat kung walang kakaiba dito." May pagmamadaling wika ni Carla. Napabuntong hininga si kyle at pinagmasdan silang pareho bago tumango. Ngumiti ito ng bahagya at pinakalma ang dalawa. Kumuha sya ng dalawang bottle water at ibinigay sa mga ito. "Tama kayo, kailangan nating mag ingat dahil Dayo lang tayo dito, hindi natin alam kung ano ba talagang nandito." Napalunok silang tatlo at napagkasunduan ng maiwan na si Carla sa tent para may kasama si Sheena at tutulog na din sa kabila si Kyle dahil maaga pa sila bukas para maglibot sa paligid at maghanap ng ilog na maliligoan. Samantala .. Sa labas habang nagtatawanan pa ang iba, hindi nila napapansin ang mga matang nakatingin at pinagmamasdan sila habang nagtatago sa dilim. To be continued

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.7K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.4K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook