***
Nakatigil silang lahat habang pinagmamasdan ang paligid. Mga luma na ang mga bahay, may karamihan ito at aabot sa sampung mga bahay ang nandoon. Halatang wala ng mga nakatira, nakatiwangwang pa ang mga gamit na parang naiwan ang mga ito habang kasalukuyan silang giinagamit ng mga gumamit sa kanila. Nakaramdam ng kilabot ang lahat ng makita nilang maraming pulang marka ng kamay ang mga nakabakat sa mga dingding ng bahay. Nung una ay hindi nila ito napapansin pero ng lumapit sila para mag obserbahan ang mga bahay. Nawawala na ang mga bakat tanda ng katagalan na netong nakamarka doon.
"G-Guys?? D-Dugo ba yan??"
May takot na tanong ni Jane at napahawak sa braso ng nobyo. Lumapit si Kyle at kinutkot ito ng kuko, walang arte ang binata na sinuri ito at inamoy, nagbabakasali. Dahan dahan itong tumango habang pinagmamasdan ang ibang mga marka.
Kinakabahan ang lahat. Lalo na ng biglang humangin ng napakalamig at biglang dumaan ang mga maiitim na ulap. Mukhang uulan.
"Baka naman dugo ng mga hayop yan, baka gawain dito sa probinsya. Arts sa kanila ganun h-hehe, malay natin diba?"
Pagpapakalma ni Ivan sa lahat pero sumagot si Carla.
"Hindi. Walang ganun dito samin Ivan. Walang gumagawa ng ganito samin."
May kabang sabi ni Carla. Napatitig ito sa isang marka na para bang lumilinaw ang pagkapula pero ng siningkitan nya ang mata para makitang mabuti ay wala namang nagbago dito.
"Eh sa inyo yun Carla! E diba iba dito sabi mo, oh e malay mo HAHAHA wag na kayong matakot ano ba naman kayo --"
*BLAG!*
Nahinto si Ivan sa sasabihin ng may lumagabok sa loob ng bahay, at nasundan ito ng sa kalapit pang bahay, hanggang sa halos lahat ng bahay ay ganun din ang nangyare.
Tigalgal ang lahat habang nakikiramdam sa paligid. Napaatras Si Kyle sa bahay dahil sya ang pinakamalapit.
Si Sheena ay napahawak sa kamay ni Carla at hinawakan naman ni Carla iyon ng mahigpit, parehas silang kumukuha ng lakas ng loob sa isa't isa.
Pigil hininga ang lahat habang nag aantay ng sunod na mangyayare, ng biglang kumulog ng malakas at gumihit ang kidlat sa kalangitan, dumilim pang lalo ang paligid at bumuhos ang ulan.
Magkaganun pa man ay walang kumikilos sa kanilang lahat.
Nakikiramdam pa din sa kung anong mangyayare. Nang tumakbo si Kysler sa parteng may bubong ng bahay at sumilong, sinigawan nya ang mga kasama.
"HOY! MABABASA MGA CELLPHONE AT CAMERA NYO! WALA TAYONG GAGAMITIN JUST IN CASE!"
Natauhan ang mga kasama at kahit puno ng takot at kaba ang mga dibdib ay pumasok na rin sa bahay. Ang bahay ay merong kabahayan o isang parte na may sahig, meron namang walang dingding sa baba at kusina lamang ang nandun at mga lumang mga gamit. Medyo may kalakihan iyon para sumapat sa kanila.
Nagsisiksikan ang lahat dahil sa lamig at takot. Nagsisisi dahil parang gusto na nilang maniwala na may kakaiba nga sa lugar. Walang katao tao maliban sa kanila, walang kahit na anong mga hayop. Pati mga ibon ay wala din, naisip din nila nung gabi na kahit mga insekto o kuliglig ay wala rin silang narinig.
Napalingon ang lahat ng umingit ang pinto dahil dahan dahan itong nagbukas ng mag isa. Nagkatingin sila at lalong nagsiksikan, ang mga lalaki man ay nabahag ang buntot.
"Lord please! Help us!"
Bulong ni Jane at nanggigilid na ang luha. Ganun din sina Carla at Sheena, ang mga lalaki ay nakikiramdam at tinatapangan pa din kahit papaano at iniisip na may mga babae silang kasama, na responsibilidad nila ang mga ito kahit na anong mangyare.
*KRAKK!*
Napapitlag ang lahat ng may maputol na malaking sanga sa isa sa mga puno na may kalayuan pero nakikita nila. Umuga ang puno na parang may sumakay dito kahit wala naman ailang nakikita.
"Pstt .."
Napalingon naman silang lahat ng may sumitsit ng mahina sa loob ng bahay. Labis na hilakbot ang nararamdaman nila at hindi nila alam ang gagawin, kung tatakbo man sila ay saan? Kung babalik sila sa lugar na pinanggalingan nila ay mukhang dilikado din. Kung mananatili din sila ay ganun din naman. Nalilito na sila.
Umihip ang malakas na hangin sa paligid at naramdaman nila ang sobrang lamig. Lalong lumalakas ang ulan, kulog at kidlat. Natataranta na sila pero wala silang magawa, maging ang ibang mga puno ay gumagalaw na parang may sumasakay sa mga ito, patuloy din ang pagsitsit sa loob ng bahay.
"SHEENAAA!"
Sigaw ni Carla ng mapabitaw sa kamay nya si Sheena dahil may humila dito paloob ng bahay. Sobrang bilis at halos hangin lang ng lingonin nya ito, ito kase ang pinakamalapit sa pinto ng bahay. Takot man ay dali daling pumasok ng bahay si Carla para sundan si Sheena.
Gimbal na gimbal ang lahat. Gusto man nilang sumunod papasok ay natatakot din sila. Papasok na din sana si Kyle ng may sumilip na babae at sinenyasan sila. Pinapapasok sila sa bahay at pinagmamadali. Nagtataka at natatakot man ay dali dali silang nag unahan papasok.
Isinara ng babae ang pinto at sinenyasan silang lahat na tumahimik. Nakikiramdam sila sa loob. Maya maya lang ay nakarinig sila ng yabag sa paligid ng bahay.
Marami.
Maraming yabag.
Nakakarinig sila ng parang mga bumubulong pero hindi nila maintindihan.
kumuha ng asin ang babae at dali dali gumawa ng pabilog sa gitna ng ng sahig at nagdasal. Pumikit ito at nagdasal ng pabulong bago muling nagmulat at sinenyasan ang lahat na pumasok sa bilog kasama nya. Dahil na rin sa takot ay napasunod ang lahat at nagsiksikan sa gitna.
*BLAG!*
May humampas sa dingding na ikinagulat nila maliban sa babae, naka indian seat ito at nakikiramdam din. Sumenyas ito sa kanila ng katahimikan dahil maririnig ang paghikbi ni Sheena at Jane. Niyakap ni Carla si Sheena at ni Steve naman si Jane.
*BLAG!*
Umulit nanaman ang hampas hanggang sa magsunod sunod ito, walang humpay at halos lahat ng palibot ng dingding ay may humahampas. Napasign of the cross ang lahat at pigil hiningang pumikit.
Maya maya pay tumigil ang mga ingay. Ang ulan, kulog, kidlat, ang mga humahampas at para bang pati hangin na kanina ay sumisipol ay tumigil din.
Napalingon ang lahat ng dahan dahang bumukas ang pinto.
Dahan dahan at para bang nakikiramdam din sa kanila ang kung sino mang bumubukas noon.
Hanggang sa masilayan nila ang isang naagnas na katawan ngunit buhay na buhay na tumitingin sa loob ng bahay.
Halos mapasigaw sila ng makita iyon pero nagawa nilang ikalma ang sarili dahil na rin sa takot.
Takot na takot silang lahat habang pinagmamasdan ang nilalang na iyon. Suminghot ito sa hangin na wari bang may naaamoy. Iginala pa netong muli ang paningin bago tuluyang umalis. Naiwan netong nakabukas ang pinto, wala pa ring gumagalaw dahil sa takot na marinig sila nun at baka bumalik.
Hindi nila matukoy kung ito ba ay babae o lalaki dahil hindi na ito halos ma hitsurahan.
Narinig nilang mula maraming mga yabag na parang mga aalis na hanggang sa tuluyan na nga itong mawala.
Matagal pa sila sa ganoong posisyon ng kumilos na ang babae pagkatapos ng 3 minutong paghihintay. Dahan dahan itong tumayo at muling nagdasal. Bumulong ito sa hangin pero hindi nila naintindihan. Namangha nalang sila ng dahan dahang nagsara muli ang pinto. Umalis ang babae sa pwesto neto at lumabas na sa kinalalagyan nilang pabilig na asin. Hindi pa din sila kumilos at umimik. Halos natuyuan na sila ng laway dahil sa takot.
Naglakad ang babae at sinindahan ang mga gasera sa bawat sulok ng bahay. Nasilayan nila ang napakagandang mukha neto at hindi nila inaasahan na halos kaseng edaran lang nila ito. Mukha ngang mas bata pa.
Tumingin ito sa kanila at silay pinagmasdan.
"Ngayon .. Ipaliwanag nyo sakin kung anong ginagawa nyo sa lugar na ito??"
May galit ngunit kalmadong pagtatanong neto sa kanila.
To be Continued