Ikatatlong Kabanata

2610 Words
*** Nagtitipon ang lahat sa loob ng bahay, hinang hina ang lahat dahil sa gulat,takot at ang katotohanan na nakakulong sila sa lugar na yun. Nagsisisi sila dahil sa kanilang kapangahasan. Ano pa nga ba? Hindi ba't namin lage. Nasa huli ang pagsisisi. "Inumin nyo ito para gumaan ang inyong pakiramdam." At inaabotan nya ng tig iisang bao na may lamang pinakuluang dinurog na luya. Wala ng ganang mag inarte ang mga dayo dahil kailangan din nila iyon para magkalaman ang kanilang mga sikmura. Inabot na sila ng gabi sa loob ng bahay. Si Carla ang nagpaliwanag ng lahat kung bakit sila nandoon, na sya ay taga malapit lamang at taga syudad ang iba. "Mga dayo nga naman, hindi maniniwala hanggat hindi nalalagay sa alanganin. Hindi ko kayo masisisi dahil wala namang ganito sa lugar ninyo. Andito na to. Tutulongan ko kayo sa abot ng makakaya ko" Seryusong saad ng babae habang nagdidildil ng kung ano anong mga dahil at pinaghahalo halo. Pinapanuod lang nila iyon at walang naglakas ng loob magtanong. "P-paano po kami makakalabas dito?" May kabang tanong ni Jane. Napatigil sa ginagawa ang babae na nagpakilalang si Sonya. Tumitig ito ng diretso sa kanyang mata. Malalim at may nakakatakot na pahiwatig. "Malabong mangyare iyan Iha." Nangunot naman ang noo ng lahat. "Iha? E mukha ngang mas bata ka pa samin e," Sabi ni Kysler at ngumiti Nagpapacute ito sa babae. "Akala mo lang yun Iho" Nagpatuloy si Sonya sa kanyang ginagawa. "Ano pong ibig sabihin nyong malabo na kaming makalabas dito?" Tanong naman ni Sheena. Ubos na nya ang kanyang iniinom at inilapag sa tabi ni Sonya ang bao. "Tulad nyo ay marami na rin ang napapadpad sa lugar na to. Para alamin kung totoo nga o hindi ang mga kwento. Kahit na marami ang hindi nakakalabas dito, marami pa rin ang hindi naniniwala. Maraming nilalang sa lugar na to ang di pangkaraniwan, naglalage kung saan saan. Hindi nyo sila nanaisin na makita o makasalamuha katulad ng kanina. Hindi nyo alam kung saan sila nagkukubli, kung minsan ay nasa likod nyo lang sila hindi nyo lang napapansin." May piniga itong dahon at ipinatak ang katas noon sa uling na walang baga, at pagkamangha ng lahat, ang katas neto ang nagpausok sa uling at lumiyab ang mahinang apoy. "P-paano nangyare yun sonya?" Manghang tanong ni Ivan at lumapit pa sa uling na nagsisimula ng maging pula dahil sa apoy. Hindi sya sinagot ng babae sa halip ay kumuha ito ng gunting at ibinigay kay carla. "Gupitin mo ang damit ng mga kasama mo at ibigay sakin ang bawat piraso." Nagmamadali nitong sabi. "Bigyan nyo rin ako ng tig tatatlong hibla ng buhok bago mahuli ang lahat." Hindi na sila nagtanong pa at sumunod nalang. Sa mga oras na to ay kailangan nilang magtiwala kay sonya dahil ito ang nakakaalam ng mga dapat nilang gawin. Matapos ang lahat ay tinipon nila iyon at binigay kay sonya. aàKumuha sya ng malaking batya na gawa sa stainless at inilipat dun ang mga baga, pagkatapos ay inihagis neto doon ang mga tela ng damit at mga hibla ng buhok ng mga dayo. Nagliyab ang apoy at sa pagtataka nanaman nila ay hindi ganoon kabilis natupok ang mga piraso ng damit at buhok, nasusunog man ngunit napakabagal. "Dalhin nyo ang mga sulo sa labas at balikan nyo ang mga gamit nyo. Ako na ang bahala para hindi nila kayo makita at maramdaman. Bilisan nyo lang ang pagkilos dahil oras na matupok ang mga tela ng damit at buhok nyo ay mararamdaman na nila kung nasaan kayo." Saglit pang nakiramdam at lahat, ayaw nilang lumabas dahil takot na takot sila lalo na at gabi na. Pero marami silang gamit na mapapakinabangan at mahalaga sa kanila. Tulad ni Kyle, gamit na kinuha nya pa ng patago sa daddy nya. Tumayo na ang lahat. Pinagmasdan muna saglit ang apoy, nagtinginan sila sa isa't isa at tumango. "Kailangan nyong makabalik dito sa loob ng Isa't kalahating oras, madilim na at mahihirapan kayong bumalik sa huli nyong pinaglagian, gusto ko man kayong samahan ay kailangan kong maiwan para kahit papaano ay maprotektahan ko kayo." Lumapit si sonya sa pinto at binuksan yun. Mataman nyang tinitigan ang lahat. "At ang isa ko pang habilin,.. Wala kayong dapat pagkatiwalaan kundi sarili nyo lang." Nagtinginan ang lahat. "Anong ibig mong sabihin? E kami nga ang mga dapat magtulongan kase matatagal na kaming magkakakilala. Ikaw nga ang hindi namin dapat pagkatiwalaan kase bago ka palang namin nakilala" Singhal ni Jane. Kahit sa ganitong sitwasyon ay lumalabas pa rin ang sungay nya. Hinawakan sya ni Carla sa Kamay pero winaksi nya yun. "Pasensya na Sonya. Natatakot lang si Jane at nabibigla sa mga pangyayare. Salamat ng marami Sonya. Babalik din kami agad." Tumango ng marahan si Sonya at inilaki pa ang bukas ng pinto. Lumabas silang pito suot ang pangontrang purselas na binigay sa kanila ni Sonya sa kanila bago sila umalis. Nilamon ng takot at kaba ang pakiramdam nila ng masilayan nila ang labas. Maliwanag dahil sa buwan ngunit tunay na nakakahilakbiot dahil hindi ito ordinaryo. Pulang Buwan. Pulang pula ang buwan at para itong dumudugo. Nanggigilid ang mga luha ni Sheena habang tinitingnan yun. Para syang hinihigop ng kung anong pwersa, ng hilahin sya ni Carla at nagmamadaling umalis. Tigigisa sila ng sulo na may apoy at nagmamadaling tinahak ang daan pabalik. Halos magkandudulas sila sa mga bato, ilang beses pang nadapa si Jane dahil sa mga matataas na d**o. Nag ingat sila dahil baka may mga butas na katulad ni kinahulogan ni kysler nung papunta pa lang sila sa mga bahayan. Walang umimik. Kahit ang kanilang mga hakbang at pag apak ay iniingatan nilang walang maging tunog dahil baka marinig sila ng kung ano mang mga nilalang. Napapalibutan sila ng mga naglalakihang puno, halos hindi rin nila makita ang buwan dahil sa mga malalaking sanga at mga dahon. "Sana hindi nalang ako sumama, edi sana natutulog na ko ng ganitong oras sa bahay namin! Kasalanan mo to Carla!" Asik ni Jane kay Carla habang patuloy pa din sila sa paglalakad. "Babe tama na, walang pumilit sayo o satin sumama dito. Tayo ang may atraso kay Carla dahil tinakot at pinilit natin syang samahan tayo dito--" *PAKKK!* "Pinagtatanggol mo sya Steve?! Ha!? BAKIT!? May gusto kaba sa babaeng yan?!" Sumigaw si Jane at tumigil pa sa paglalakad kayat napatigil din ang lahat. "Utang na loob Jane! Saka kana mag inarte pag nakalabas na tayo dito! Nanganganib na nga tayo yang paninisi at pagseselos mo pa ang inuuna mo! Tama si Steve! Walang kasalanan si Carla satin. Kaya tumigil kana dyan!" Sigaw din sa kanya ni Sheena. Umiiyak na tiningnan sya ng masama ni Jane. "MAGSAMA-SAMA KAYO MGA LOSERRR!!" Hindi na nila ito napigilan ng tumakbo ito pauna sa kanila. Malapit naman na sila sa kanilang pupuntahan, hinabol ito ni Steve at hinayaan nalang nila ang dalawa dahil konting hakbang pa ay andun na din sila. Nasa loob ng isang Tent si Jane at umiiyak. Hinayaan muna nila ito habang nagmamadali silang ayusin ang mga gamit. Alerto din sila sa paligid. Si Carla ay isinuot muna ang rosaryo na padala ng kanyang nanay. Si Kyle na isiniksik ang baril sa kanyang bewang. Si Steve at Kysler na dala ang Arnis, at si Ivan naman ay ang lage nyang dalang balisong. Varsity sa Arnis sina Kysler at Steve kaya't meron silang dalang ganun, hilig na rin nila. Si Ivan naman ay naniniguro lang sa lahat ng pagkakataon. Maliban nalang pagpupunta ng school dahil bawal iyon. Naluluhang nagliligpit ng gamit si Sheena, iniisip nya ang mommy at daddy nya kung iniisip ba sya ng mga ito. Umalis kase sya ng walang paalam dahil ang huling tagpo ng umalis sya ay nag aaway ang mga ito, may babae daw ang daddy nya. Bata pa lang sya ay ito na ang lageng pinag aawayan ng kanyang mga magulang, na may anak na daw ang daddy nya at ang kabit nito kaya bihira nalang itong umuwi sa kanila. Itinatago nalang nya ang lungkot na nararamdaman nya sa pagmamaldita at pambubully sa kung mga kung sino ang hindi kayang lumaban sa kanya. Ngunit ngayon ay ito sya, ito sila. Alanganin ang Lagay. Hindi pa alam kung makakauwi pa ba sila ng buhay. "Jane, tama na. Sorry kung naging dahilan pa ko ng pag aaway nyo ni Steve. Wala akong masamang intensyon kaya hindi na rin ako sumagot nung umiinit na ang ulo mo. Pinapakalma ka lang ni Steve kaya sana ay maging okay na din kayo, pati tayo." Pagpapakalma ni Carla kay Jane, tinabihan nya ito ng upo at hinawakan sya balikat habang nakasubsob ito sa mga braso. Dahan dahan itong tumingin sa kanya at maya maya pay ngumiti. "Tama ka Carla, naging immature ako. Pinairal ko nanaman ang pagiging spoiled brat ko. Sorry Carla, sorry sa inyo." Ngumiti naman si Carla at niyakap ito na agad namang gumanti si Jane. "Kailangan na nating umalis. Iwan na natin tong tent nyo, makakadagdag lang sa mga dadalhin natin, nauubos na ang oras." Sabi ni Kysler habang sukbit ang mga gamit nya. Pumasok din sina Ivan, Steve at Kyle. Tumayo na sina Carla at Jane. Dala na rin ang kanilang mga gamit. Pinunasan ni Sheena ang mga luha nya at binibitbit na rin ang mga dala nya, aya na ang naunang lumabas sa tent, at natigilan sya. Parang may malakas na pwersa ng hangin ang sumalubong sa kanya kaya napatakip siya ng kanyang kanang braso sa mukha, bahagya syang napuwing. Iniwan nila ang mga sulo sa labas at tinipon sa isang pwesto, nilagyan nila ng mga tuyong kahoy at dahon para makagawa ng malaking apoy at lumiwanag sa paligid. Kinusot kusot nya ang kanyang mga mata at sa kanyang pagmulat ay napansin nya ang paris ng mga maruruming paa sa kanyang harapan. Napapaatras syang nakatitig sa mga iyon, paatras ng paatras hanggang sa nabunggo nya si Kyle na lumabas na din ng tent kasama ang lahat. "Sheena? May problema ba?" Pero hindi ito sumagot, kita nilang dahan dahang tumitingin papataas si Sheena sa kanyang pagkakayuko at parang may nakikita. Mula sa maruming paa hanggang sa tuhod ay nakita nya ang maduming bestida, ang mga kamay na marumi at duguan, ang mahaba nitong buhok, at ang namumutla nitong mukha, dagdag pa sa takot nya ang dilat na dilat nitong mga mata na nakatingin sa kanya. Lumuluha itong ng dugo. Napasigaw sya at halos mahimatay sya sa takot. Tatakbo na sana si Sheena palayo pero agad syang nahila ni Kyle at niyakap. Nag aalala ang lahat habang pinagmamasdan si Sheena. Panay din ang lingon sa orasan dahil kalahating oras na lang ang natitira. "SHEENA!! SHEENAAA!! It's okay! Calm down .. Calm down Sheena, andito lang kami." Niyakap nya si Sheena na umiiyak na nakayakap sa kanya. Para namang nakita ni Carla na may usok ang lumipad papalayo mula sa harapan ni Sheena. "We need to go guy's. Kaunti nalang ang oras. Kailangan na nating makabalik." Naghanda ang lahat at ginamit ang mga naglalakasan nilang flashlight. Bumalik sila sa daan na kanilang dinaanan pabalik kay sonya. Ng halos mangalahati na sila ay napansin nilang parang pabalik balik sila sa puno ng Baleti na tinigilan nila nung umaga. "Wait! Dito na tayo galing kanina ah.." Pagtataka ni Steve. Inikot nila ang kanilang mga paningin, tama si Steve. "Mukhang naliligaw na tayo." May kilabot na sabi ni Kysler. "Hubarin nyong mga damit nyo at baliktarin." Suhestyon ni Carla sa lahat at ibinaba nyang mga gamit at nauna na syang gawin ito. Nagtaka ang lahat. "What? Are you serious Carla? Makikita ba nating ang tamang daan pag ginawa natin yun?" Pagtataka ni Jane. Nag aalagang gawin. "Turo sakin ng Lolo ko na pag naliligaw ang isang tao ay baliktarin lang ang kasuotan." May pagtataka man sa lahat ay ginawa rin nila. Dali dali sila dahil Kinse minuto nalang ang natitira. "Walang mawawala kung gagawin natin." Pag sang ayon pa ni Ivan. Nang nagawa nga nila at nagsimula na muling lumakad ay natanaw na nila ang mga bahayan. Dali dali silang lumapit aa bahay na may palatandaan ng batya na may krus na pula, ang sabi ni sonya ay pagbalik nila ay yun ang bahay na kanilang lapitan dahil maaring litohin nanaman sila ng pagkakataon. Dali dali silang pumasok at napaupo silang lahat sa pagod. Pawis na pawis ang lahat, halos hindi na makahinga dahil sa sobrang pagod. Nakita nila si Sonya na nakaluhod sa harapan ng baga. Unti unti na itong nawawalan ng apoy, tuluyan na ring naging abo ang mga hibla ng buhok at mga tela ng kanilang mga damit. Itinaas ni Sonya ang kanyang dalawang mga kamay at nagpugay, pagdakay hinipan ang kandila sa kanyang tabi. Hindi ito tumitingin sa kanila. Pero labis ang kanilang pagla gimbal sa naging pahayag neto. "Pito kayong umalis dito, pero anim lang ang bumalik." Pinagpag neto ang sarili at niligpit ang gamit. Ibinalik neto ang ibang mga hindi na gagamitin sa loob ng malaking aparador sa isang sulok ng bahay. May kalakihan naman ang bahay at malalapad ang sahig, bihira rin ang mga siwang dahil dikit diki naman ito, ganun din ang mga dingding. Nagtanginan ang lahat sa isa't isa. Takang taka sila dahil kumpleto naman sila. Si Kysler, Ivan, Steve, Kyle, Jane, Sheena at Carla. "Kumpleto kami Sonya. Walang napahiwalay samin. Sinunuod namin ang utos mo at nakabalik kami sa takdang oras." Pahayag ni Kyle. Napalunok silang lahat dahil sa tingin sa kanila ni Sonya. Naniningkit ang mga mata nito habang tinititigan nya isa isa ang mga dayo. "Akala nyo lang yun." Maikli pang sabi ni Sonya. Napahinga ito ng malalim at napapikit ng mariin. "Nasa kagubatan ang isa nyong kasama, nag iisa, umiiyak, humihingi ng tulong." Tumingin pa ito sa dingding na para ng lagpas ang tingin nito at nakatingin sa malayo. "Kailangan nyo syang tulongan bago mahuli ang lahat, pero bago yun ay kailangan nyo muna nating malaman kung sino sa inyo ang nagpapanggap." Matigas nyang sabi. Gulong gulo na ang magkakaibigan sa mga nangyayare, masyadong mabilis, masyadong magulo. Nalilito na sila. Kumpleto sila pero ang sabi ni Sonya ay may isang nawawala at meron silang kasama na nagpapanggap. Sino? Sino sa kanila?? Namuo ang tensyon sa paligid at unti unting nawawala ang tiwala sa isa't isa. Nagkakatinginan sila at nagpapakiramdaman. "Isa sa mga kasama natin ngayon at nagpapanggap lamang." Tumayo si Sonya at nagpalakad lakad, pabalik balik ngunit marahan habang tinitingnan sila isa isa. "At matagal na syang patay.." Naramdaman nila ang malakas na hangin na dumaan sa paligid kahit wala na naman itong madadaanan papasok dahil sarado naman ang bahay, bawat sulok ay may panangga. "But how??" Naiiyak na tanong ni Sheena. Napalunok ang lahat ng makarinig nanaman sila ng mga yabag, hindi lang yun kundi pati pagaspas ng mga pakpak sa itaas. Nataranta ang lahat. Takot na takot. Mabilis ang naging kilos ni Sonya. Kumuha sya ng asin at alam na ng mga kasama ang gagawin.. Tinulungan nila si Sonya na makagawa ng bilog at dali daling pumwesto sa gitna. Nagdasal muli si Sonya at pumikit. Andyan nanaman. Andyan nanaman sila. "Steve? Steve!? Nasan ka?! HELPPP!! GUY'SSS TULUNGAN NYO KO!!!" Napamulagat ang lahat ng marinig nila ang boses ni Jane sa labas ng bahay. Umiiyak at sumisigaw ng tulong. Napatingin silang lahat kay Jane na kasama nila. Takot na takot ito at umiling ng paulit ulit. Senenyasan sila ni Sonya na tumahimik at patuloy na makiramdam. "Carla!! Sheena!! PLEASE TULUNGAN NYO KOOO!!" Humahagulhol sa sigaw ni Jane sa labas. Nakakaawa ang mga sigaw na yun pero wala silang magawa. Natatakot at naguguluhan sila. 'Anong nangyayare?' Mga tanong na paulit ulit sa kanilang naguguluhang isipan. Anong na nga bang mangyayare?? To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD