"Boss! Pasensiya ka na di ko napigilan si Mam Paula!" "Ok lang Carl, kilala ko si Paula kaya alam ko na walang makakapigil sa kanya pag ginusto niya pasensiya ka na din nasaksihan mo yung ganung side niya" "Ayos lang boss" "Nasan siya?" "Nasa taas po" "Si Sabrina?" "Nasa yaya nya po" Tumango naman si Andrei "Huwag mong kalimutan ang mga bilin ko sayo ha! Ako ang bahala sa inyo! Kamusta naman ang kapatid mo?" "Sa awa ng Diyos medyo bumubuti na daw po siya sabi ng Doktor" "Mabuti kung ganun" "Boss!" "Ano yun?'' "Salamat po!" "Wala yun! Huwag kang mag-alala magiging ok din ang lahat" Tinapik pa niya ang balikat ni Carl bago umakyat at silipin si Sabrina. "Tara samahan mo ako"- Yakag pa nito sa lalaki "Pero Boss!" "Ayos lang! Tara!" "Sige po" Pagdating sa kuwarto ng bata ay

