Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan ngayon nga ay nasa ika anim na buwan na rin ang tiyan ni Micka magtutungo silang mag-asawa ngayon sa hospital para magpa ultra sound. Sabik na silang malaman ang gender ng kanilang baby, Biglaan din kasi ang paglaki ng tiyan ni Micka mula ng malaman nilang buntis ito. "Love! Ok ka lang ba?" - Natatawang wika pa ni Micka sa asawa hindi kasi ito mapakali "Nae-excite lang ako Love sa wakas malalaman na natin kung girl or boy ang baby natin!" Hinawakan pa ni Andrei ang malaking tiyan ni Micka at hinimas himas ito, ilang minuto pa ay isinalang na nga si Micka sa kanyang ultra sound. Nasa loob ngayon ng mall ang mag-asawa upang kumain di pa rin maalis ang mga ngiti sa kanilang mga labi matapos malaman ang kasarian ng kanilang anak, Nagbabalak na rin

