"Love? Love?"- Sigaw ni Andrei pagpasok ng kanilang bahay ng mabungaran niya ang sasakyan ng asawa na maayos na naka park sa kanilang bahay. "Andito ako Love!"- Sagot pa ni Micka "Maaga kang umuwi! May masakit ba sa yo?"- Pag-aalalang tanong pa ni Andrei "Medyo Love! Pinayagan naman ako agad ni Leah! Siya nga pala kamusta? Galing ka ba kina Paula? Hindi ka ba pumasok sa trabaho?" "Oo galing nga ako dun! Dumeretso na ako dito kasi wala namang masyadong ginagawa sa opisina ngayon! Lahat naman din ng surveyor namin ay nasa field wala namang mga meetings kaya ok lang!" "Ganun ba? Kumain ka na ba? Ipagluluto kita!" "Hindi na Love! Busog pa ako! Di ko rin kasi alam na uuwi ka rin pala ng maaga! Ano kamusta na ang pakirdam mo? Sabi ko naman sayo magpa check up ka na eh! Tara! Tamang tama ma

