"Pa...Paula?" Dahan dahang binuksan ni Micka ang pinto dahil kanina pa siya kumakatok ngunit wala namang sumasagot muntik pa siyang mapatalon ng makita niyang naroon lang pala sa couch nakaupo ang babae at nakakakilabot pang nakangiti sa kanya pakiwari niya'y pinaglalaruan lamang siya ng babaeng ito. "Bakit Ate Micka? Natakot ka ba?"- Wika pa nito na nakangiti parin "Na... Nagulat lang ako! Hindi ka kasi sumasagot ano bang ginagawa mo? Halika sa baba kakain na tayo!" Hindi alam ni Micka kung saan siya kumuha ng lakas ng loob ng mga sandaling iyon. "Nariyan na ba ang asawa mo?" "Ha? Ahh.. Si Thomas? Wa... Wala pa! Pero pauwi na rin yun maya maya lang nandyan na yun halika na!" "Sige! Ate bababa ako mauna ka na!" "Si.. Sige ikaw ang bahala basta bumaba ka kaagad ha!" Isasarado na sa

