"May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang ha! Huwag kang mahihiya feel at home"- Nakangiting wika ni Thomas "Salamat!"- Sagot lamang ni Micka "Huwag kang mag-alala temporary lang naman to! Sa oras na mahuli na si Paula magiging malaya na kayo ni Andrei makakauwi na kayo ng matiwasay sa Montecillo, Magiging ok na din ang lahat" Ngumiti naman sa kanya si Micka bilang tugon "Anyway kung may kailangan ka! Nasa kabilang kuwarto lang ako don't forget to call me ha o kaya naman katukin mo lang ako!" "Sige! Maraming salamat Thomas ha! Napakabuti mo talaga!" "Don't mention it! Natural lang sa mag kaibigan ang magtulungan isa pa! Magiging ninong ako ng baby mo hindi ba? Aba! Hindi puwedeng hindi" "Hahaha Oo naman! Ikaw pa ba? Lahat ng malalapit sa akin siyempre dapat maging ninong at ninang"

