Napaka alinsangan ng araw na iyon makulimlim pero ang init naman sa pakiramdam kaya naman di rin mapakali si Andrei namumuo ang butil butil na pawis sa kanyang noo, Gustong gusto na niya makausap muli ang asawa ngunit hindi pa muna niya maharap ang kanyang cellphone marami pa silang dapat ayusin kung hind ba naman kasi nagkanda letse letse at nasira ang kanilang instrumento sa panukat ng lupa edi sana maaga nilang matatapos ang mga gawain nila, Nagkataon pa na nag corrupt ang data ng kanilang computer kaya halos lahat silang mga engineers ng company na pinapasukan nila ay maiinit ang ulo. "Nakakainis paano makakapaningil dun sa may ari ng resort sa batanggas kung wala tayong maipakitang data? pati yung blue print wala! back to zero tayo nito" Narinig pa niyang reklamo ng isa niyang kasama

