-Josh- Wala na akong ligtas. Narinig na ni Sofia na binanggit ko ang pangalan ng kuya niya. Ayoko pa sanang malaman niya na bestfriend ako ni Vaughn dahil baka bigla siyang lumayo sa akin. Baka bigla siyang lumipat ng bahay at iwan akong mag-isa dito. Ngayon pa na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Hindi siya mahirap mahalin. Maganda siya, sexy, minsan mabait, minsan maldita. But what I love most about her is that she’s so incredibly sweet. Kahit sino sigurong lalaki ay mahuhulog sa kanya. Parang hindi siya marunong magalit. Nagagalit lang kapag nagseselos siya at saka kapag tinatanggihan ko ang pang-aakit niya, at ang mga hal!k niya. Pero napakahirap pigilan ang sarili, especially after I tasted those sweet and delicious lips of her.

