-Sofia- I can’t believe it! Best friend ni Josh ang kuya ko? Kaya pala pareho sila ng tattoo! Oh my God! What a coincidence! Sa dinami-sami nang makakasama ko sa bahay, ito pang matalik na kaibigan ni kuya Vaughn! Nakakainis! Nanlulumong ibinaon ko ang mukha ko sa aking unan. Ang tanga-tanga ko! Ang dami kong pwedeng magustuhan, bakit siya pa? To think na inakit ko pa talaga siya. Nakakahiya! “Aaaah!” malakas na sigaw ko habang nakabaon pa rin sa unan ang aking mukha. Paano ko ngayon kakalimutan si Josh, eh hulog na hulog na ako sa kanya, lalo na ngayon na sinabi niyang gusto niya rin ako. Hindi ito pwede. Mas kaya kong isakripisyo ang sarili ko kaysa ang sirain ang friendship nila. Sigurado ako na kapag nalaman ito ni kuya, hinding-hindi niya mapapatawad si Josh. Kailangan ko nang l

